This is not happening!
Wala pang kahit na sino ang lalaking nakatulog sa unit ko. I'm a decent woman. At kung magkataon na hindi ako makatanggi, siya ang unang lalaki kung ganoon na matutulog sa unit ko.
So that means I will let him? Mahadera ka!
"Huh? T-Teka. Hindi ka pwedeng matulog dito. What if hanapin ka ni Tita Agnes tapos wala ka sa condo?" Mahinahon kong sabi.
"They don't care about my whereabouts as long as I tell them where I went. So that means, I can sleep kahit saan ko gusto."
Napapikit ako. Magsasalita pa sana ako pero nakasalita na siya kaagad.
"I let you sleep on my condo once. Then why are you hesitating to let me sleep here? That's how you return the favor?" Napalunok ako.
Oo nga naman! Napaka ungrateful ng dating noon. Mukhang pinapalayas ko na siya sa tono ko. Ano ba, Lerou!
"Uhhmm.. Di naman sa ganoon. Pero kasi.. Uhhhmm.. Wala pa kasing lalaki ang nakakatulog dito." Nahihiya kong tanong.
"Then, that's fine. I'm the first guy to sleep here. I'm the only guy who can sleep here, do I make myself clear Lerou?" I'm looking at him pero mukhang seryoso siya sa sinabi niya at hindi siya nagbibiro.
"B-Bakit naman? Bakit ikaw lang? Hindi pwedeng iba?" Panghahamon ko. Anong akala niya? He's very arrogant at some point pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit hindi ako nat-turn off.
"Why? Do you have plans na magpatulog pa ng ibang lalaki dito?" I swear, kinilabutan ako sa lamig ng boses niya.
I just sighed. Bakit ba kami nagtatalo? He should rest kung gusto niya ng matulog. He's tired from work.
"Nevermind. Halika na. If you will sleep here, pumunta ka na sa kwarto." Kabado kong sabi. Lumapit ako sa kanya na tila wala akong kabang nararamdaman. Natatakot ako sa kanya kapag ganito siya. Feeling ko baka magkamali ako. Baka anytime, mahuli niya ako. Na may itinatago akong pagtingin sa kanya.
Kung patuloy siya ganitong pagtrato sa akin, delikado lang ako. Baka umaasa lang ako sa wala. I forgot, his parents wants Laura for him. They were talking about his marriage. That means, he's ready anytime to marry someone else. At nasisiguro kong hindi ako iyon.
"We're going to talk, Lerou." Madiin niyang sabi. Hindi ko siya pinansin. Hinila ko na ang braso niya. Pero hindi siya natinag. He then held my waist so I fell on his waist. I don't want to curse pero shit lang!
"A-Anong ginagawa mo?" Kinakabahan kong sabi. I felt his hands caressing my waist. Nilingon ko siya pero nanlaki ang mata ko because his lips were inches away! Muntikan ko na siyang mahalikan!
"Tell me, Lerou. Who's the guy? I can't sleep unless you tell me who the fucking guy is." Hindi ako makapagfocus sa tanong niya. I can feel him breathing on my neck. Ang mga kamay niya ay nakapulupot sa bewang ko. Hindi ko maiwasan ang mamula. We're in this intimate position!
"Sino ba ang tinutukoy mo? Wala naman akong masyadong kaibigan na lalaki.. Na katulad m-mo.." Kandautal kong sabi.
"Tell me, Lerou. You won't like it kapag hindi mo sinabi sa akin." Napalunok ako sa sinabi niya. I can feel his lips on my neck. Nakikiliti ako sa ginagawa niya. I pushed his chest dahil sa ginagawa niya pero nahuli niya ang mga kamay ko.
"Si S-Steven lang naman iyon. Wala lang iyong meaning. Natapunan lang ang damit ko ng inumin k-kaya.." He's smelling my neck kaya mas lalo akong hindi nakagalaw.
"Kaya?" He said. There's something about his voice na pumupukaw sa damdamin ko.
"Uhhmm.. Kaya pinahiram niya ako ng panyo.." Mahina kong bulong.