Chapter Thirty Two

7K 212 88
                                    

"Oh, eto na ang pinapabili mo," sabi ni Reese sa akin. Mariin ang titig nito at obvious ang pagmamasid niya sa akin. "Dried pusit, langka at dragon fruit."

"May binili kang guyabano juice?" tanong ko.

Namewang si Reese at saka ako tinaasan ng kilay. "Hoy, bruhilda ka. Hindi ka naman nagkakakain ng ganito dati. Huwag mong sabihing buntis ka?"

"I don't know. Maybe?" walang buhay kong tugon. Reese brushed her hair as if she was gathering her courage to shout at me.

"At hindi mo pinaalam kay Trion?"

"Bakit ko naman sasabihin? Edi kapag sinabi ko sa kanya, hindi niya ako lalayuan."

"E ikaw na babae ka, sasabunutan na kita! Talaga yatang nabagok na ang ulo mo! Malamang naman na papanagutan ka noon! Kung balak mo siyang layuan, edi sana hindi ka nagpagalaw! Hay jusko, Lerou! Ang talino mo pero minsan napakabobo mo talaga," naiirita niyang tugon. Hindi naman ako nainis bagkus ay kinuha ko ang paper bag na may laman ng pinamili niya. Natakam ako nang maamoy ang amoy ng pusit at langka. They smell so good.

"Ano pa itong binili mo?" Hinalwat ko ang mga pinamili niya para ignorahin ang kanyang pasaring.

"May pregnancy test kit dyan. Nang magpabili ka sa akin ng mga ganyang pagkain, kinutuban na ako na baka buntis ka."

"I don't need this. Itapon mo na iyan sa basurahan. Itong pagkain lamang ang kailangan ko."

"Excuse me, pera ko ang pinambili ko dyan? Ang lakas ng loob mong sabihin na itapon iyan! Grabe, hindi ko alam na maldita ka pala!" Si Reese ay histerikal pa rin sa pag-uugali ko but I cared less because I am into the foods she bought.

Gusto kong lumabas ng unit pero dahil tinatamad ako at binanggit ni Reese na bibisita siya, naisipan ko na lamang na magpabili. Hindi naman ako tinatanggihan ni Reese because she was the only person I can trust.

"Mabuti at nasamahan ako ni Vlad na maghanap nitong gusto mo," dagdag pa niya.

"Oh nga pala, hindi mo nabanggit sa akin na nagdadate na kayo ni Vladimir?"

Natigilan si Reese dahil siguro natuklasan niyang nadulas siya sa kadaldalan.

"W-Well, nakalimutan kong sabihin.. but I'm dating him now. Dati, pinapangarap ko lamang siya pero ngayon.. Totoo na boyfriend ko na siya.."

"Well, good for you."

"Mahal na mahal ko si Vlad, Lerou. And I have no plans on letting him go."

I can sense sincerity from her voice and I really envy her because she can say that easily. Honestly, I dreamed of that life too. Malala ang atraksyon ko kay Trion at ninanais ko na manatili sa tabi niya habang buhay. But a lot has happened at hindi na ganoon ang gusto ko. Trion suffered a lot, too. Sooner or later, malalaman niya ang kondisyon ko. If I'm really bearing his child, there's no way he'd leave me alone.

"Hmm.. good for you, Reese."

Sinimulan ko ng kainin ang pusit at saka tamad na umupo sa upuan sa salas. I received a message from Trion saying "good morning sunshine". Somehow, his absence made me miss him more.

Kumain kami at nagkwentuhan kami ni Reese pero hindi ako gaanong nag-open ng usapan tungkol sa kondisyon ko. Maaga ring nagpaalam si Reese dahil inaantok ako at gusto ko na kaagad magpahinga.

"Mag-iingat ka ha? Ikaw lang mag-isa dito," paalam ni Reese sa akin.

Tumango lamang ako bilang sagot.

It's been almost two weeks since I last saw Trion and I am starting to feel uneasy. Magigising ako ng madaling-araw at mag-iiyak na lamang ng bigla. I don't know if that's healthy dahil araw araw na ganoon ang kondisyon ko. Sumabay pa ang araw-araw na mensahe noong unknown number sa akin. Nababahala na ako dahil binabanggit nito palagi sa akin ang kondisyon sa akin nila Nanay.

Ignited By Passion (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon