Magkatabi kaming dalawa sa loob ng kotse. May driver ang sasakyan kaya sa bandang likuran kaming umupo. It was very awkward. Walang umiimik sa aming dalawa hanggang makarating kami sa isang coffee shop.
Sopistikada siyang lumabas ng kotse. Ang ilang dumadaang tao sa labas ng coffee shop ay napapatingin sa kanya. Well, maganda talaga si Laura. Hindi ko maitatanggi iyon. Kahit saan siya pumunta, siya iyong tipo ng babae na palaging nakakakuha ng atensyon.
Wala akong nagawa kundi sumunod sa kay Laura bagamat kabado ako sa mangyayari sa akin. Nakaupo na siya sa isang mesa at tila hinihintay akong umupo sa harap niya.
"I think you already know why I'm here.." Masungit niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit ka nandito at kung bakit gusto mo akong kausapin.." sabi ko..
She sighed, tila nagpipigil. "Fine, then.." She got something from her bag at nilagay iyon sa ibabaw na mesa. Isa iyong envelope na may makapal na bagay sa loob.
"Ano iyan?" Tanong ko. Pera ba ito?
"That will help you to start business. That's more than enough. Kung kulang pa, you can call me anytime." Sabi ni Laura. She smiled at me.
"Para saan? Ano ito Laura?" Seryoso kong tanong. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako binibigyan ng ganitong halaga ng pera.
"You are so clueless." She smirked at me. "I'll explain it, fine. Gusto kong layuan mo na kami ni Trion. My, my.. Nakalayo ka na nga pero look, umaabot pa rin hanggang dito iyang kalandian mo." Nakangisi niyang sabi.
Nag-iinit na ang ulo ko pero pinigilan ko ang sarili kong emosyon.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo.." Nanginginig yata ang kamay ko sa galit dahil sa mga sinabi niya. Kalandian? Malandi? Ako?
"Sa tingin mo ba magugustuhan ka ni Trion?" Mas lalo akong napikon sa sinabi niya. Sino siya para pagsalitaan ako ng ganyan?
"No, my dear.. Maraming history ng babae si Trion. Madali siyang magsawa. And even he's attracted to you right now, mawawala din iyan.. It's only me who can tame him.. Why? Because he's inlove with me."
Halos pigilan ko ang hininga sa mga sinasabi ni Laura. Nagtutubig ang mga mata ko pero hindi ko ipinakita ang nararamdaman kong galit.
"I'm going to save you bago ka pa masaktan ng husto. Accept the money and disappear right away. It's never too late to start a new life.." Hindi ko talaga inakala na aabot kami sa ganito ni Laura. Ang maamo niyang mukha, kung gaano iyon kaganda ay kabaliktaran ng ugali niya.
"Ahhhh.. Maybe you're asking why I'm being like this? Right.. Nakalimutan ko mag-explain. Well.." She showed me her finger. She's wearing a diamond ring.
"I'm engaged and yeah, I'm pregnant. Ayaw mo naman sigurong sumira ng pamilya, right?" Bahagya niyang hinawakan ang tiyan niya at halos malagutan ako ng hininga dahil sa sinabi niya.
Buntis? Engaged? Tangina?
"Kung tapos ka na, aalis na ako.." Sabi ko.
"Wala ka man lang sasabihin sa akin? Hindi mo tatanggapin ang pera? It's a good offer, though." Sabi niya. Pinilit kong bigyan siya ng pansin kahit nangangatal na ang buong sistema ko dahil sa pagkabigla.
"Yes. Hindi ko tatanggapin ang pera. Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang tungkol sa akin, pero kaya kong tumayo sa sarili kong paa. I don't like to seek help lalo na sa mga taong di ko kilala.." Mataman kong sagot.
She smirked. Mas malawak sa ngiti niya kanina.
"Nice, fine then.. Hindi ka nadadala sa pera.. Well.." She got something from her bag. May papeles iyon at isang pregnancy test. "Well, I don't have to show it to you but that is to show you that I'm really pregnant. Kakagaling ko lang sa ultrasound kahapon.. with Trion.."