"The patient is not willing to regain her memories.. Iniisip niya marahil na baka may masamang nangyari sa kanya noon kaya ayaw na niya ulit makaalala." Kausap ng doctor si Trion. Dumistansya lang sila ng konti sa akin para makapag-usap.
"So what's gonna happen next, Doc?" Trion asked.
"She needs to undergo some therapy pero it depends upon her kung papayag siya o hindi. Mataas ang probability na bumalik muli ang alaala niya because it's just a side effect of the hemorrhage. Iyon nga lang ay kung willing ang patient."
Tumango si Trion, malalim na nag-iisip. Isinama niya ako sa kabayanan para mapatingnan. Hindi na naman ako kinabahan dahil nadiagnose na ako nito dati. Baka lang magtaka sila dahil matagal na ang nakalipas subalit di pa ako nakakaalala ng kahit ano. E temporary amnesia lang naman dapat.
Nakita ko si Trion papalapit sa akin. Umiwas ako ng tingin. Nananatiling gwapo si Trion kahit matagal na ang nakalipas. Iyon nga lang ay nagmature ng kaunti ang mukha niya. Malinis ang gupit ng buhok niya at ang katawan niya ay bahagyang naging maskulado. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagkaabalahan niya sa loob ng dalawang taon na hindi kami nagkita.
"We will buy some groceries pagkatapos natin dito. May gusto ka pa bang puntahan?" He asked. Agad akong umiling. Tinulungan niya akong bumangon pero tila napapaso ako sa hawak niya kaya umilag ako. Kita ko ang pag-igting ng panga niya sa ginawa ko.
"Ayos na ako. Kaya ko naman.." Sabi ko. Hindi ko na pinansin ang reaksyon niya. Lumabas na ako sa hospital at saka ko siya inunahan. Nauna na rin ako sa sasakyan na nirentahan niya.
"Maaari na tayong lumipat bukas. Naayos mo na ba ang gamit mo?" Binasag ni Trion ang katahimikan pagpasok niya sa loob ng sasakyan. Nalanghap ko na naman ang pabango niyang gamit.
"Ayos na.." Maikli kong sagot. Tumingin ako sa labas ng bintana. Hindi ko alam pero nangingilag ako sa kanya. Nagiging natural na rin para sa akin ang pag-iwas sa kanya. Siguro ay pagod na ako sa lahat ng sasabihin niya.
"I know you're doing that on purpose.. Stop that." Rinig kong sabi niya. Bahagya yata akong naguilty sa sinabi niya.
"Wala naman akong ginagawa sa'yo.." Sabi ko. Bakit nga ba siya habol ng habol? Wala naman siyang mapapala sa akin.
"Iniiwasan mo ako.." Sabi niya. Nagkibit balikat ako. "Maybe you have recovered some fragments of your memories. Ayaw mo lang sabihin sa akin.."
Napaharap ako sa kanya. Wala akong alam sa sinasabi niya!
"You're mad the very first time you saw me.. That means I'm very familiar to you.. I wonder what did I do to make you that mad.." Mababa ang boses niyang sabi.
"W-Wala akong alam sa sinasabi mo.." Sagot ko.
Kabadong kabado ako dahil baka alam niya na nagsisinungaling ako."I'm sorry.. That's not what I mean. Let's go home.." He said. Umusad na rin ang sasakyan namin sa wakas. Wala pa rin kaming imikan hanggang makauwi.
"Hindi mo ba ako kakausapin?" Malumanay niyang sabi. Nakahilig ako sa sasakyan, nakatingin lang sa dinadaanan.
"Ano namang sasabihin ko sa'yo?" Sabi ko na hindi pa rin nagtatapon ng tingin.
"You can ask me. Kung anong gusto mong malaman tungkol sa akin or sa nakaraan mo.. You're not curious then?" He asked. This time ay tumingin na ako sa kanya.
"E paano kung hindi ako interesado?" Straight kong sagot.
He sighed. Bahagya naman akong naguilty. Fine. Para tuloy isang kasalanan kung manahimik ako.
"Kailan tayo ikinasal?" Tanong ko. I want to test if he's really ready for his lies.
"February 2." He said. Saan niya kaya kinuha yung February 2? I shrugged. Sasakyan ko na siya sa kasinungalingan niya tutal ganoon din naman ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/126775446-288-k775787.jpg)