"Napromote ka pala hija. I'm so proud of you. Mamimiss kita, anak." Tita Agnes told me habang magkausap kami sa may terrace ng mansyon.
"Opo, Tita. I'm sorry po. Hindi pa po ako nagtatagal sa inyo tapos aalis na po ako kaagad." I said.
Pumunta ako rito dahil wala akong pasok. Sa mga susunod na araw ay lilipad na ako papuntang Cebu. Kaya kinailangan kong magpaalam kina Tita Agnes. Matagal tagal din bago ko sila ulit makita.
"Don't worry, hija. I can hire another accountant. Although, mamimiss lang kita because you'll live in Cebu. Magtatagal ka ba roon hija?" She asked me.
"Hindi ko po alam. Depende po. Pwede rin po siguro akong bumalik kapag pinayagan.." Mahina kong tugon.
Malaking bahagi sa puso ko ay tila nawalan. Isang pamilya ang turing sa akin nila Tita Agnes kaya ganoon din ang turing ko sa kanila. Para na rin akong nawalan ng kapamilya.
"Pwede ba hija na wag ka ng umalis?" Tita Agnes said. Pero bahagya siyang tumawa. Nakitawa rin ako dahil may bahid ng pagbibiro ang sinabi niya.
Habang nagtatawanan kami ay nakita ko ang kotse ni Trion na pumasok ng gate ng mansyon. Nakatitig ako hanggang sa lumabas sa sasakyan si Trion kasama si Laura. Halatang may pinuntahan ang dalawa. Siguro may date or ano. Ang alam ko matagal din ang paglalagi ni Laura sa Pilipinas dahil may negosyo rin ang ama nito sa bansa. Kaya hindi ako nagtataka na palagi siyang nandito sa mansyon.
"O, hayan na pala sila Trion.." Napansin siguro ni Tita Agnes na nakatingin ako sa dalawa kaya napansin din niya iyon.
I saw Trion smiling at Laura. Nakakapit si Laura sa mga braso at tila may ibinubulong ito sa kanya. Kung titignan, bagay na bagay talaga sila. Perfect couple. Sa unang tingin, iisipin mo na totoo silang magkasintahan.
"Alam mo ba hija, matagal ng magkaibigan iyang dalawang iyan.." Bumaling si Tita sa akin pagkatapos tapunan ng tingin ang dalawa. "Laura was Trion's first love. Siya rin ang unang babaeng pinakilala ni Trion. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ayaw pang magpakasal.." May ibig sabihin iyon pero hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang iparating.
"Baka naman po gusto pa niya na i-enjoy ang buhay binata, ganoon po.." sabi ko.
"I doubt hija. Matagal ko ng kasama si Trion. At alam kong may nagugustuhan ang batang 'yan ngayon. He's very secretive. Ayaw niyang sabihin sa akin ang tungkol sa ganoong bagay.." Tita Agnes sighed.
May iba siyang nagugustuhan? Sino naman?
"Paano niyo po nalaman na may nagugustuhan siya?" I asked. Tunog stalker ka, Lerou ha? Tamang stalk lang ano?
"I can feel it because he's my son. Ikaw ba hija? Wala ka bang nararamdaman sa anak ko?" Halos maubo ako sa diretsong tanong ni Tita Agnes. Tita Agnes laughed pagkatapos niyang makita ang reaksyon ko.
"Po Tita? I-Imposible po ang sinasabi niyo.." Depensa ko.
"Really hija? I thought there's something between the two of you.." Paliwanag niya.
"Uhhmm.. Hehe.. Bagay po sila ano?" I said para idivert lang ang topic. Nagkkwentuhan pa rin sila Laura sa labas ng mansyon. Maybe close talaga sila kasi they were friends. May past din kaya di malabong manumbalik ang dating nararamdaman ni Trion para kay Laura.
Alam kong may past sila pero nanggaling na rin kay Trion na walang sila. Pero I doubt, dahil baka itinatago lang ni Trion ang tungkol sa bagay kaya niya nasabi sa akin na walang namamagitan sa kanila ni Laura. Nanggaling na rin sa kanyang ina na masikreto siyang tao.
"Yes, they look good." Pang of pain was very visible inside my chest. Naninikip ang dibdib ko sa sinabi ni Tita Agnes. "Pero kung sino man ang nagugustuhan ng anak ko, I'm pretty sure I will like her." Tita said while smiling at me.