"How's your day?" He asked. Napatigil ako sa pagkain. I looked at him. Kanina pa niya hindi ginagalaw ang pagkain niya. He's just watching me the whole time I'm eating. At sobrang ilang na ilang ako dahil doon.
"Ayos lang.." Halos hindi ko malunok ang kinakain dahil sa kaba.
Sa sinasabi at ginagawa niya, I know he's concern. As a friend. Pero hindi iyon maganda para sa akin. Maybe sa kanya, wala lang 'to lahat. Pero baka dumating sa puntong umasa ako. This is dangerous. Pero paano ko pipigilan kung ganito siya palagi?
"My mom told me na hindi ka daw makakapunta ngayon. So I went here instead." Nananatili ang matiim na titig niya.
Bakit siya pupunta rito? E hindi naman iyon required?
"Bakit naman?" I said. Uminom ako ng tubig para itago ang kabang nararamdaman.
"I went here so I could meet you." Halos masamid ako dahil sa binanggit niya.
Hindi ko maitago sa dibdib ko ang tuwang nararamdaman. Gusto ko pang itanong kung bakit niya iyon sinabi pero baka umasa lang ako at madisappoint sa bandang huli.
Natapos ang pagkain namin. Marami akong kinain at halos hindi ko na maubos iyon kung hindi lang ako nahihiya. Mag-aabot na sana siya ng bill para sa pagkain namin pero hinila kong muli ang damit niya.
Napatingin siya sa akin. Kinuha ko ang wallet ko at may kinuhang card pero lalo ko lang yata siyang ginalit nang makita ang ginawa ko.
"Are you insulting me, Lerou?" Galit niyang sabi.
"Huh?" Hindi ko siya maintindihan. Ininsulto ko ba siya? In what way? Tiningnan ko lang siya, trying to understand why he's mad.
"I can pay for it!" Mariin niyang sabi.
"Huh? Kaya ko rin." Inosente kong sagot. My pride can't handle this. Alam kong malaking kabawasan iyon sa sweldo ko, pero sige na. Kikitain ko rin naman iyon.
"Damn!" He just gave his card on the counter. The cashier swiped the card. Nanlalaki ang mata ko. Hindi na niya kailangang magbayad!
Magsasalita pa sana ako pero hinila na niya ako palabas. Tinatawag ko pa rin siya hanggang sa makasakay kami sa sasakyan.
"Uhmm.. Bakit ikaw lang nagbayad ng lahat? Babayaran ko 'yon. Ibigay mo na lang sa akin ang account number mo and I'll deposit it tomorr--
"You like hurting my ego so much. Fucking stop it, Lerou. You're making me so useless." Halos hampasin niya ang manibela.
"Hindi naman sa ganon. Masyado kasing mahal ang pagkain. Hindi ko gustong iba ang nagbabayad sa akin. I can pay for myself." Giit ko.
Okay. Si Benedict na ang nagbayad ng pagkain namin pero kung kay Trion, hindi na. Nakakahiya.
"I know. Kaya mong magbayad, pero kaya ko rin." He shrugged his hair. "Fuck. Bakit ba kailangan natin itong pag-awayan?" He said, hindi makatingin sa akin.
Nag-init ang pisngi ko sa huli niyang sinabi. Are we having our first quarrel?
Tumahimik na lang ako dahil takot na akong makipagtalo sa kanya. He maneuvered the car at tsaka kami umalis.
"Where's your address?" He asked. Nakatingin lang ako sa dinadaanan namin just to make myself forget the awkwardness.
"Sa Loyola Heights. Pero ibaba mo na lang ako sa pinakamalapit na station. Magt-taxi na lang ako." I said with finality.
"Really, Lerou. Kapag sa kapatid ko okay lang lahat pero sa akin hindi? I wonder why are you so unfair, huh?" Nahihimigan ko ang hindi niya magandang tono sa sinabi.