Trion was really in bad mood. Seryoso ang mukha niya nang lumabas siya ng kwarto. Ni hindi ako tinatapunan ng tingin. Nakita ko siyang pumunta sa kusina. Sumunod na lang ako sa kanya papuntang kusina pero narinig kong may kausap siya.
"I don't need that, Vlad." Malamig niyang sabi sa kausap. Mataman lang akong nakikinig dahil nakatalikod siya sa akin habang panay siya sa pakikipag-usap sa telepono.
"Damn it! What the fuck is wrong with that guy?" Iyon lang ang naririnig ko sa kanya habang may kausap sa telepono.
Tila natakot ako dahil galit na galit siya ngayon. Nanliliit ako. No. Natatakot ako sa kanya ngayon. Kahit hindi niya sabihin, alam kong may dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon.
"I said just look into it. What the fuck is wrong with you, Vlad?" Rinig kong sabi niya.
Halos malagutan ako ng hininga nang makita kong tinapos na niya ang tawag. I saw him drink the glass of water at tila kinakalma ang sarili.
"Trion.." Mahina kong sabi. Nakita kong bumaling siya sa akin. Abot abot ang kaba ko sa dibdib dahil baka anytime mapagdausan na niya ako ng galit.
"What?" Malamig niyang tugon.
"Uhhmm.. I think, uuwi na lang siguro ako.." Sabi ko habang lumulunok. Titig na titig siya sa akin at parang kinikilatis ang kilos ko.
"Why, you want to sleep with someone else?" Malamig niyang tugon.
Huh? Anong sinabi niya? Sleep with someone else? Kanino? Sino?
"Uhhmm.. Magta-taxi na lang ako pauwi. Siguro.. Mag-usap na lang tayo kapag malamig na ang ulo mo." Paliwanag ko.
"I said you will spend the night here.." Malamig niyang sabi. I thought lalapit siya sa akin pero nilagpasan niya lang ako.
Mabilis siyang nagtungo sa sofa at tsaka doon umupo. Ako naman ay marahang lumapit sa kanya para kumbinsihin siya na umuwi na lang ako.
"Trion. Pupunta na lang ako dito bukas ha?" Mahina kong sabi. This was the very first time I felt weak. Tila hindi ko maapuhap ang sasabihin lalo at ganito ang mood ni Trion. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.
"Now you're running away?" Sabi niya.
"Hindi naman. I think mas maganda kung mag-uusap tayo kapag maayos na ang mood mo." Marahan kong sagot.
"What makes you think na masama ang mood ko?" He asked me. This time ay nagtapon na siya ng titig sa akin.
"Hindi ko a-alam.. Kaya ako nagpunta rito para alamin.." Sagot ko. Ang intensidad ng titig niya mas lalong lumala. Hindi ko alam kung paano nakayanan ng mga binti ko na manatiling nakatayo.
He sighed heavily, wearing that grim expression. Ang mga mata ay nakatingin sa malayo, until he got his phone in his pocket at inilagay iyon sa tenga. Tila may tumatawag sa kanya.
"Yes, Laura?" Sumikdo ang dibdib ko pagkatapos kong marinig ang pangalan ni Laura. Pero nanatili ako doon na tila wala lang, na tila wala akong naririnig.
"Uuwi ako by tomorrow.. Okay.. Goodnight. I love you too." Nakatingin sa akin si Trion na tila tinitingnan ang reaksyon ko.
Wait. Sinabi ba niyang I love you? Talaga? Sinabi niya iyon kay Laura? Totoo ba ang narinig ko.
Halos manginig yata ang buo kong katawan sa narinig. Sinabi niya talaga iyon sa harapan ko? Sa mismong harapan ko?
Huminga ako ng malalim dahil alam kong nakatingin pa rin sa akin si Trion. Naghihintay ako ng salita sa kanya pero wala siyang balak magsalita. Ang tanging kailangan kong gawin ay tumalikod.