Chapter Twenty Eight

8.4K 237 71
                                    


"Hi. Uhh... Nandyan ba si Trion?" Aleli knocked on our door. Nabigla ako dahil alas sais pa lang ng umaga ay nakabisita na agad siya. Maasim na ngiti ang naigawad ko sa kanya.

"Uhh.. Bakit?" Tanong ko, hindi gaanong binubuksan ang pintuan!

Aga-aga, sinisira na naman ng babaeng ito ang araw ko! I looked at her, maiksing-maiksi ang shorts at nakacrop top pa. Duh saan ka ba naman nakakita ng shorts na long? Ugh, Lerou!

"Pinapabigay kasi 'to ni Papa. I wonder if pwede kaming bumisita dito sa inyo? Gusto ko lang sanang makipagkaibigan. Kakalipat niyo lang pala dito." She shyly asked while giving me a bowl of food. Tinanggap ko naman iyon kaso hindi bukal sa loob.

At bakit ka naman bibisita sa amin? Or kay Trion particularly! Makikipagkaibigan or makikipaglandian?

"Sige, ipagpapaalam ko sa asawa ko." Ipinagdiinan ko ang salitang "asawa". Hindi ko alam. Nagiging iritado na kaagad ako dahil nakita ko ang pagmumukha niya. Kagabi pa siya ha!

"Okay." Napahiya niyang tanong bago umalis.

Pabagsak kong inilapag ang pagkain. May nalalaman pa siyang galing sa Tatay niya e mukha namang siya ang nagluto!

Tumikim ako sa pagkain at ayos naman ang lasa noon. Mas masarap naman ako magluto ano? Hindi ko ito ipapakain kay Trion, baka may gayuma dito or kung anong inilagay ng babaeng iyon!

Dala dala ang lalagyan, dinala ko iyon sa kusina para itapon sa basurahan. Hinding hindi ko ito ipapakain sa asawa ko!

"What are you doing?" Napalingon ako. Kakatapos lang maligo ni Trion at nagpupunas ito ng buhok. Kinabahan ako. Nakita ba niya na itinapon ko ang pagkaing ibinigay ni Aleli? OMG. Anong idadahilan ko?

"Uhhh.. Nagtatapon ng basura."

Right. Basura.

"That's for me. Why are you throwing it away?" He asked casually. Napapikit ako sa pagkapahiya. At pagkainis na rin. So gusto niyang kainin iyong pagkain na binigay ni Aleli instead sa lulutuin ko?

Nilingon ko siya at tinitigan ng masama.

"Gusto mo kunin mo ulit dito tapos kainin mo." Iritado kong sabi.

Nakakahiya! Nakakainis! What the hell is wrong with me! At saka ano ba ngayon kung itapon ko iyon! Ni hindi ko nga alam kung anong mga nilagay ng babaeng 'yon don e. Why is he making this a big deal?

Nakita kong ngumiti siya pero nagseryoso rin pagkaraan.

"Tell me, why did you throw it away?" He asked. This time, lumapit siya sa may mesa para kumuha ng maiinom. Isinampay niya ang hawak na tuwalya sa may balikat bagamat ang mga titig ay nakatuon sa akin.

"Amoy panis na nga."

"Pero umuusok?" I almost hissed. Bakit ba pati iyong usok ng pagkain ay napapansin niya! Nakakainis na ha! Siya na nga itong ipagluluto ko e.

"Gusto kong itapon. Malay ko ba kung anong nakalagay doon? Ipagluluto na lang kita ng panibago." Malamig kong sabi.

Ugh! Naiiyak na ako sa pagkairita! Ano bang problema ng lalaking ito! Siya na nga itong ipagluluto ko!

Pabulagsak kong binuksan ang ref para kunin ang mga rekado ng lulutuin. Baka kapag nagluto ako, ikumpara niya ako! Alright, hindi naman ako ganon kagaling magluto pero at least pinagluluto ko siya.

"So why did you throw it?" Pangungulit ulit niya.

Hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paghihiwa ng mga gulay habang nararamdaman ko siyang nasa likuran ko na.

Ignited By Passion (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon