Chapter Four

14K 318 16
                                    

"Come. I cooked something for breakfast." He said. Nananatili ang titig ko sa kanya. He's wearing a black V-neck shirt at isang jersey shorts. Naaamoy ko rin ang amoy niya dahil bago siyang ligo.

"Trion.." I called him again.

"Come. Let's eat." He said bago ako iniwan doon. Sumunod na lang ako kaagad pagkatapos kong maghilamos. And humarap ako sa kanya na hindi pa nakakahilamos. Great. Nakakahiya ka to the highest level, Lerou.

Naghihintay na siya doon sa table. Nakaready na ang mga pagkain. May kanin doon. Bacon, eggs, hotdogs, warm milk. The typical breakfast. Wow. Meron ding soup doon. Sopas ata. I don't know. Hindi ako kumakain ng breakfast e.

Umupo ako sa harap niya. Tahimik ako at tinetest kung may ginawa ba akong kalokohan kagabi pero hindi ko mabasa ang expressions niya.

"Uhmm.. I don't eat breakfast.. Hehe.. Can I go now?" Sabi ko.

Tiningnan niya ako ng masama.

"I made that for you. Tapos hindi mo kakainin?" Nakataas ang kilay na sabi niya.

Nakonsensiya naman ako kaya umupo na ako. Okay. Itatanong mo lang naman kung anong nangyari kahapon, Lerou. Relax.

"Uhmm.. Trion.. Can I ask you kung bakit napunta ako dito?" I asked.

"I brought you here dahil lasing na lasing ka kagabi." Maikli niyang tugon. Ibinalik niya ang atensyon sa pagkain.

"Uhmm.. May ginawa ba ako?" Napatingin siya sa akin. "Uhmm.. Kung may ginawa ako.. Sorry.. Hindi ko talaga alam ang ginagawa ko kapag lasing.. And sorry kasi hindi ko iyon maalala.." I said.

Tumingin siya sa akin bago muling nagsalita.

"Wala kang ginawa kagabi. Nakatulog ka lang. Hindi na kita naihatid sa unit mo because you're already sleeping."

Talaga? My inner thought are celebrating! Mabuti kung ganoon! Dahil kung may ginawa akong hindi maganda ay totoong nakakahiya!

"Ganon ba?" I said.

"Why are you asking?" He asked.

Umiling iling lang ako at ngumiti.

"Wala 'yon. Salamat pala kung ganon." Ngumiti ako sa kanya.

Kumain ako ng marami dahil sa tuwa. I even ate the soup he made. Nakatulong iyon para mawala ang sakit sa ulo ko.

This is the first time someone made food for me. Buong buhay ko, ako na lang ang nag-iintindi sa sarili ko. Ako lang ang gumagawa ng bagay na iyon para sa sarili.

"Trion.. Sorry talaga sa abala." Nahihiya kong tugon sa kanya.

"That's why you should never get drunk lalo na kapag alam mong hindi mo kayang uminom." Sa tono ng boses niya ay tila nanenermon siya.

Nahihiya akong tumungo. Siguro nga ay masyado akong naging pabigat sa kanya kagabi.

"Why are you there in the first place? Habit mo bang maghang out sa bar?" He asked. Nagtama ang mga mata namin. I can sense he's so serious about his question.

"Hindi. Sa totoo lang, isinama lang ako ng kaibigan ko. Nilibre lang ako. Nanghihinayang lang ako sa alak na binili niya kaya ininom ko.." Paliwanag ko.

"And who's that friend?" Nagtaas siya ng kilay.

"Si Reese." Sagot ko.

"Lalaki o babae?" Napakunot noo ako sa tanong niya. Bakit niya kailangang malaman kung lalaki o babae? Pero dahil natatakot ako na magalit siya once na hindi ako sumagot, I gave him the answer.

Ignited By Passion (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon