Chapter Twenty Four

10K 287 31
                                    

"Iha, pabili akong isang kilong galunggong." May isang ale na lumapit sa akin habang abala ako sa pagsasalansan ng natitirang isda. Napatingin ako sa ale pagkatapos ay ngumiti. Isa na siya sa mga suki ko dito sa palengke.

"Isang kilo lang ho? Gawin niyo na po kayang dalawang kilo, paubos na po kasi itong tinda ko!" Nakangiti kong sabi.

"Sus, itong si Arissa palibhasa maganda kaya magaling kung magrequest! O sige gawin mo ng dalawang kilo!" Sabi ng ale sa akin.

Masaya kong inabot sa kanya ang plastic na may lamang isda. Nagpasalamat ako nang iabot sa akin ang bayad at tsaka matamis na ngumiti sa ale. Ubos na naman ngayon ang paninda ko kahit alas onse pa lang ng umaga.

"Ubos na agad paninda mo? Ang bilis naman! Anong nga ulit ang sikreto mo?" Tanong sa akin ng matanda sa katabi kong pwesto. Matagal na siya rito at siya ang madalas kong makakwentuhan.

"Si Aling Nenita talaga. Matagal ko na hong sinasabi sa inyo na walang sikreto. Nasa nagbebenta ho iyan. Kailangan laging nakangiti para maengganyo ang customer na bumili." Sabi ko.

"E palibhasa nga bata ka pa. Maganda at makinis. E kapag ako ngumiti, mukhang mangkukulam." Nagbibirong sabi.

Napatawa ako sa tinuran ng matanda. "Maganda po kayo, Aling Nenita. Basta po ngumiti kayo. Mababawasan ang wrinkles niyo." Sabi ko ulit. Tumawa ang matanda sa akin.

Nagpaalam sa iba pang tindera na kapalagayan ko ng loob. Ang ibang tindera kasi ay mga tsismosa. Minsan ay iniismiran ako kapag maaga akong nakakaubos ng paninda. Hindi ko na lamang pinapansin dahil wala akong panahon makipag-away. Masaya ang buhay ko ngayon at ayaw kong masangkot na naman sa isang gulo.

"Balita ko 'yang si Arissa ay walang tinapos. Tapos nakitira kila Fred. Siguro ay palaboy iyan sa ibang lugar at napunta lang rito.." May ilang nagbubulungan madalas sa katabi naming pwesto pero wala lang akong kibo.

"Aling Nenita, uuna na po ako. Tutulungan ko pa po si Nanay mamaya e.." Sabi ko kay Aling Nenita.

Ngumiti sa akin ang matanda. "Sige na anak, mauna ka na. Baka matunaw ka pa sa titig ng mga inggitera dyan.." Sabi ni Nanay Nenita. Natawa lang ako bago dinala ang mga gamit pauwi.

Nadatnan ko si Nanay na nagsasampay ng mga damit. Agad akong pumunta doon para tulungan siya.

"Oh Nay, bakit naglaba na naman kayo? Hindi pa po kayo magaling sa pulmonya ninyo.."

Madalas ay may sakit si Nanay kaya ako na ang pumapalit sa kanya. Tumatawid ako sa kabilang ibayo para manilbihan sa pamilya De Vera. Ilang beses na akong nakapunta doon. Ang madalas ko lang namang ginagawa ay magluto. Si Nanay kasi ay isa mga kusinera at naturuan na ako ni Nanay ng mga recipe ng madalas na pinapaluto sa kanya ng mag-asawang De Vera.

"Hindi anak.. Kaya ko naman. Nahihirapan lang akong huminga.." Sabi ni Nanay Nellie.

Kumunot ang noo ko. Hinagod ko ang kanyang likod. "Kung ganoon ay magpahinga na kayo, Nay. Ako na tatapos dito.." Sabi ko. Pumasok ako sa loob ng kubo namin para ikuha si Nanay Nellie ng maiinom.

"Paano po pala mamaya? Ang sabi niyo po ay tatawid ulit kayo dahil may selebrasyon mamaya mga sa De Vera?" Tanong ko kay Nanay habang pinapainom ng tubig.

"Papahinga lang ako anak.. Kaya ko pa naman mamaya.." Sabi ni Nanay Nellie.

"Ako na lang ang pupunta, Nanay. Tutulong na lang po ako mamaya sa pagluluto.." sabi ko.

"Hindi, anak.. Kailangan ako mamaya doon. Kaarawan nung anak ni Mr. De Vera. Iyong dumating noong nakaraang linggo. Hahanapin ako doon panigurado.." Sabi ni Nanay Nellie.

Ignited By Passion (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon