"Kayo na talaga?" Tanong ni Reese. It's Friday today. It's been a week since that event occured. Halos isang linggong di makamove on si Reese sa mga ikinuwento ko.
"Hindi nga." Sabi ko. Walang malinaw na sinasabi if boyfriend ko siya. Sinabi ko lang kay Reese na may nararamdaman si Trion pa. Or in-assume ko. Pero they say never assume unless otherwise stated? Ewan ko. Pero ganoon ang pakiramdam ko. May nararamdaman din si Trion para sa akin.
"Weh? Anong tawag mo doon? MU? Grabe. Ano kayo teenager?" Palatak niya.
"Open relationship?" Suggest ko. Nanlaki ang mata ni Reese sa sinabi ko.
"Seryoso ka? Never kang nagkaboyfriend tapos open relationship? Wow." Hindi niya makapaniwalang sabi.
E anong itatawag ko doon? Hindi din naman malinaw kung anong namamagitan sa amin ni Trion. Ang alam ko lang he's serious pero hindi ko alam kung paano ko i-interpret. Hindi rin naman niya sinabing mahal niya ako or gusto niya ako. Basta nararamdaman ko lang.
Nag-asikaso na kami ni Reese na umuwi nang makita kong papalapit si Phoebe sa amin.
"Pauwi na kayo?" Sabi ni Phoebe sa amin. Titig na titig ito sa akin. Hindi ko alam kung anong dahilan.
"Yup. Pauwi na kami, Phoebe. Why?" Reese asked smiling.
"Pwede ko bang makausap si Lerou, Reese? I have something to ask." Phoebe said. Napatingin sa akin si Reese. Tumango lang ako kay Reese, telling her it's okay.
"Ayos lang. Sige, Reese. Mauna ka na umuwi." Sabi ko kay Reese. Nagtatanong ang mukha ni Reese pero tumango na lang siya sa akin.
Wala kaming imikan ni Phoebe hanggang sa makarating kami sa isang coffee shop. Tahimik lang ako, hindi nagbibitiw ni isang salita.
"I don't want to assume.. Pero how are you related to Trion?" Bigla niyang tanong pagkatapos niyang um-order. Bigla akong kinabahan.
"Si T-Trion? Magkaibigan kaming dalawa.." sagot ko.
Phoebe smiled pero alam kong makahulugan iyon. "Oh really? Some of my friends told me na nakita daw nila si Trion and he's with you when he left. What's that all about?" She's like interrogating me pero ngumiti lang ako sa kanya.
"I used to work as their firm's accountant, Phoebe. Kaya natural na magkaibigan kami. May itinanong lang siya sa akin nung nagkita kami sa birthday party mo." Sagot ko. I know I'm lying pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo.
"Ganun ba?" She looks very pleased sa sagot ko. "Sorry but I really like Trion. I like him so much. Kaya ganito ako sa mga babaeng lumalapit sa kanya." Sabi niya.
Gusto mo si Trion? E bakit? Gusto ka ba?
"May feelings ba sayo si Trion?" Tanong ko. Napatingin siya sa akin. Saktong dumating ang coffee na inorder niya para sa aming dalawa.
"Sa akin? I don't know. At first, I thought he likes me, too. Kaso madali siyang magsawa. But I have no plans on giving up. Baka sakaling dumating ang panahon na magustuhan niya ako." Malungkot niyang sabi.
Napatango ako. Madaling magsawa? Si Trion?
"Kilala mo si Laura?" Tanong ko. Napatingin siya sa akin.
"Yup. I know her. We used to be friends years ago but it ended when she ruined my modelling career." Paliwanag ni Phoebe.
Okay? Alam kong maldita si Laura pero hindi naman siguro aabot sa puntong kailangan niyang sirain ang buhay ng iba? Or am I mistaken?
"Talaga? Well.. Ayos lang bang itanong kung anong nangyari?" Tanong ko. I should not be asking this pero I got curious.
"Well.. Laura was Trion's first love. Eventually, when she found out na may feelings ako kay Trion, she started ruining my life. That was when we're on the same modelling agency. Ganoong klase ng tao si Laura. She will do whatever it takes to get what she wants." Sabi ni Phoebe.