"Paki-audit naman nito Lerou ha? Marami kasing mali 'yan. Sorry talaga ha? Gusto ko sana mag-OT na lang pero emergency kasi. May sakit kasi si Papa." Pagpapaalam sa akin ni Venice.
Nung isang araw pa siya nagpaalam sa akin ganoon din sa aming supervisor kaya naatasan na iwanan sa akin ang trabaho niya. Pumayag naman ako. Mago-OT na lang siguro ako o di kaya'y pumasok ako ng weekends. Tutal, minsan lang naman 'yon. Dagdag din iyon sa kita.
"Ayos lang! Sige na baka matraffic ka pa." Ngumiti ako kay Venice. Niyakap niya ako. Naiintindihan ko ang sitwasyon niya. Kailangan siya ng kanyang mga magulang. Ako naman, wala naman akong masyadong ginagawa dahil maaga kong sinisimulan ang trabaho.
Humalik pa sa pisngi ko si Venice bago umalis. Ngumiti lang ako kahit tambak pa rin ang gagawin ko.
"Ba't sayo na naman iyan iniwan?" Nakaingos na sabi ni Reese sa akin.
"Wala naman akong choice." Sabi ko.
"Masyado ka kasing mabait. Tanggap ka ng tanggap dyan. Isipin mo may part time ka na tapos kapag weekdays, andito ka! Yayaman ka na niyan te!" Nang-iinis niyang sabi.
"Dagdag iyon sa income, Reese." Giit ko. Napailing iling na lang siya.
Nitong mga nakalipas na araw ay wala akong ginawa kundi ang magtrabaho. Noong nabasa ko ang text ng kung sino man 'yon, hindi ko na iyon masyadong inintindi. Kung kay Trion nga iyon galing, hindi ko na lang iyon papansinin.
And true to my words, dahil sa busy ako sa opisina hindi ko na iyon masyadong iniisip. Ni wala na akong oras para tingnan ang cellphone ko dahil sa kama kaagad ang bagsak ko pagkauwi.
"Tss. Ewan ko sa'yo." Naiiling na sabi ni Reese bago bumalik sa trabaho niya.
Sinimulan ko na ang trabaho ko dahil marami iyon. Kailangan kong pumasok ng Sabado at Linggo ngayon para tapusin ang iniwang trabaho ni Venice. Naghahabol ako dahil ipapasa ko na iyon by Monday.
Alas otso ng gabi ay nakatapos ako sa trabaho. Nagsakay na lang ako ng taxi pauwi. Naalala kong icheck ang phone ko habang nasa biyahe. Baka may importanteng message doon na kailangan kong mabasa.
Dalawa ang message na nandoon. Isa kay Benedict at 'yung isa ay sa isang unknown number.From: Benedict
It's so boring here. What are you doing?
Ang isang mensahe ang binuksan ko.
From: +639*******
How's your day?
Huh? Sino na naman 'tong isa? I checked the number and it's the same number from last time. Napalunok ako. Si Trion ba 'to?
Gusto kong malaman kung siya nga iyon. Pero imposible. Bakit naman niya ako itetext? Marami siyang pagkakaabalahan, alam ko. Kaya mababa ang posibilidad na siya iyon.
Iyon na lamang ang inisip ko kahit kating-kati akong magtanong. Kay Benedict na lamang ako nagreply.
To: Benedict
Kakauwi ko lang galing work. :)
Hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil sa pagod. Umaga na ng magising ako. Ni hindi ko na nagawang makapagpalit man lang ng damit.
Tiningnan ko ang wall clock. It's six in the morning at kailangan ko na mag-asikaso. Bumangon na ako para man lang makapagtimpla ng kape. Hindi ko talaga ugaling kumain ng umagahan. Kadalasan akong nahuhuli sa trabaho kapag ginagawa ko iyon.
Pagkarating ko sa opisina ay agad akong nagsimula sa trabaho. Iilan lang kaming nasa opisina ngayon dahil madalang lang ang pumapasok kapag weekends. Wala rin si Reese ngayon dahil restday niya.