Chapter Ten

12.4K 380 45
                                    

Thank you to miss FullOfImagines for the book cover. 💝



Sobrang pula ko pagkapasok ko sa unit. Halos gumulong din ako sa kama dahil sa nangyari. What the hell is happening? Hindi ko alam kung totoo ba ang nangyari kanina o nananaginip lang ako.

Tumunog ang phone ko. I immediately check kung sino ang nagtext. It was Trion. Agad ko iyong binuksan.

From: Trion

Wag ka ng lalabas. Lock the doors. Goodnight.

Sumakit ang kalooban ko dahil sa text niya. Masyado ba akong bobo kung sasabihin kong bahagya na akong umaasa?

Hanggang sa sumapit ang linggo ay hindi ako pinananatag ng pag-iisip. Dapat ko bang bigyan ng meaning ang halik? Kung ganoon, bakit niya ako hinalikan?

Pilit kong sinasabi sa sarili na wala lang iyon. Baka aksidente lang iyon. O walang ibig sabihin. Natatakot ako na baka sa bandang dulo, maiwanan ako sa ere. I don't like the feeling. Pero ano nga ba naman ang kinakatakot ko? Sa simula pa lang mag-isa na lang ako sa buhay. Dapat nasanay na akong mag-iisa because I'm used to it.

But in this case, it's a different matter. Baka kung mangyari ang kinakatakutan ko, hindi ko iyon kayanin. Lalo't habang tumatagal ay lumalalim ang nararamdaman ko.

"Hoy!" Reese snapped in front of me.

"Huh?" I asked her.

"Kanina pa kita tinatawag, bruha! Ano, punta na tayong mall?" Kakagaling lang kasi naming dalawa sa gym. Nagpapawis lang kami dahil napag-usapan namin iyon kahapon. Kating kati akong sabihin kay Reese pero natatakot pa ako sa ngayon.

"Pwede naman. Wala naman akong gagawin ngayon." I said.

"Yes! Iyan ang gusto ko sayo e!" She immediately hugged me. Nagpumiglas naman ako dahil sa sobrang higpit ng pagyakap niya.

Kinagabihan nga ay nagpunta na kami sa mall. Kapag kasama ko si Reese ay nawawala lahat ng iniisip ko. She's the closest friend simula ng magkatrabaho ako. At hanggang ngayon, nagpapasalamat ako dahil kasama ko siya ngayon. We're both orphans, anyways. Wala na namang magdadamayan kundi kami lang.

We almost went on every boutique. Reese has this obsession on clothes. Ganoon din sa make up. At lahat ng magagarbong bagay. Nakokontento na lang ako sa pagtitingin. Hindi ako masyadong mahilig bumili ng bagay na alam kong hindi ko rin naman magagamit.

Bago umuwi ay napagpasyahan namin na maglalakad. Naglipana din kasi sa labas ang mga mamahaling resto. Maganda rin ang atmosphere. Malamig ang simoy ng hangin. Kaya nagbalak muna kaming magpalipas ng oras.

"Teka pumunta kaya tayo doon sa kinakainan nila Vladimir madalas! Baka maabutan natin doon!" She immediately pulled me kaya hindi na ako nagsalita.

"Saan ba iyon?" I said.

"Sa The Fireplace. Doon sila madalas kumain. Doon ko rin nakitang may kasama si Vlad." Sabi niya.

"E bakit ba tayo pupunta doon? Baka mahurt ka na naman kapag naabutan nating may kasama 'yun." Nakakunot ang noo kong sabi.

Naglakad kami ng ilang sandali. Dinala ako ni Reese sa isang resto na napapaligiran ng lights. Sa sobrang ganda, iisipin mong sobrang yaman nga ng kumakain. Nagkikinangan ang labas, paano pa kaya sa loob?

"Hindi 'yan. I just want to see him. Please?" Napailing ako sa sinabi niya.

Bagamat glass ang walls, hindi ko gaanong maaninag ang nasa loob. Tinatanaw ko pero hindi ko agad makita ang hinahanap.

Ignited By Passion (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon