"So you're pretending dati pa na hindi mo kilala si Trion?" Reese's eyebrows furrowed. Tila nasa hot seat ako ngayon.Ikinuwento ko kasi sa kanya ang nangyari. Simula sa part time ko kina Trion hanggang sa naging magkaibigan kami. Wala na naman akong ibang choice. Nahuli na ako.
"Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa'yo." Sabi ko.
"Matagal na tayong magkaibigan, Ru. Tayo na lang dalawa ang magkasama sa buhay. Paglilihiman mo pa ba ako?"
I really don't see why she's making it a big deal. Nagtampo lang siguro siya kaya siya ganito ngayon. Hindi na lang ako umiimik sa sinasabi niya.
"At ikaw.." Bumaling siya kay Trion. "Why did you have to sleep at my friend's house? Don't tell me nagtabi kayong matulog? Wala ka bang bahay? Hindi porke't mayaman ka at gwapo, pwede mo ng gawin ito sa kaibigan ko ha!" Pinipigilan ko si Reese sa sinasabi niya pero ayaw niyang magpapigil. Tunog mang-aaway siya. Napakawarfreak niya talaga.
"Reese.. Tama na.. Hindi naman kami magkatabi natulog. I'm sorry kung nilihim ko. Nahiya lang talaga ako." Mahina kong sabi.
"Don't blame, Lerou. I slept here because we're friends. What's wrong with that?" Diretsong sabi ni Trion.
Friends. I'll keep that in mind.
Hindi na nakaimik si Reese. Tumikhim na lang ito. Bumaling ito sa akin na namumula. Alam kong panandalian lang ang galit niya. Hindi siya iyong nagkikimkim ng galit ng matagal.
"Takte bes, ang gwapo sa personal! Bakit hindi mo kaagad sinasabi sa akin na sa kanila ka pala nagtatrabaho? Bruha ka!" She's whispering while saying that. Alam kong kinikilig siya. I just smiled. No wonder, ganoon talaga ang aura ni Trion.
"Uhhh. Bakit ka pala nagpunta rito?" Sabi ko kay Reese. Very unusual kasi na nandito siya. Usually gabi siya bumibisita. Minsan para magsleep over.
"Ayyy I almost forgot! Hindi na kasi ako makapaghintay sa sasabihin ko. I want to spoil you. Uhhh.. Ililipat na tayo ni chief sa Cebu!"
"Huh?" I was dumbfounded nang sinabi iyon ni Reese.
"Yes, lilipat tayo sa Cebu. Mas kailangan ng tao doon and we're promoted! I'm excited!" Reese was very happy. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako masaya sa natanggap na balita.
"Talaga?" I tried to smile. Bakit ang bilis? Bakit ililipat ako sa Cebu? Anong meron?
"Yes! Excited na ako! I really want to go there, Ruru!" She said. I don't want to spoil her happiness kaya nanahimik ako. Tumingin ako kay Trion, tila binabasa ang reaksyon ko.
"Why is it so sudden? Who told you that?" Biglang sabi ni Trion. Natahimik na naman si Reese sa tanong ni Trion.
"H-Hindi ko alam. Sinabi sa akin ni Chief kagabi na ililipat daw kami. Wag ko daw muna sabihin." Reese turned to me. "Kaya kunwari kapag sinabi ni Chief sa'yo, magugulat ka dapat ha?"
Really?
"Hindi pa ako handa, Reese.." Mahinahon kong sabi.
"What?" Taka niyang tanong. Her eyes were full of questions.
"Hindi ko alam, Reese. Nandito ang unit ko. Kailan ko lang 'to nabili. Ang bilis naman kung bigla akong lilipat." Sabi ko.
"Hindi iyon problema! May housing benefits naman tayo kapag nagkataon. And look you can visit here." Reese smiled at me.
"And hindi ako papasok ngayon, Reese.." Sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya sa akin.
