Chapter Nineteen

11.4K 338 30
                                    

Hinila ako ni Trion hanggang makarating kami sa sasakyan niya. Tulala ako hanggang sa makapasok ako sa loob. Hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang mga nangyayari.

Pumasok na siya sa loob ng sasakyan. He looks so handsome today. Bagong gupit siya at tila mas lalo lang akong nalasing sa mabangong amoy niya pagpasok sa loob ng sasakyan. Humilig na lang ako sa may gilid ng bintana ng sasakyan dahil nararamdaman ko na naman ang intensidad ng titig niya.

Pumikit ako sandali. Ayokong isipin ang sinabi niya. Parang hindi iyon totoo.

Naramdaman kong umusad na ang sasakyan. Ilang saglit pa lang ay naramdaman kong humawak ang kamay niya sa kamay ko. Agad akong napatingin sa kanya. Tila wala lang sa kanya ang paghawak sa kamay ko.

"A-Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. Nakakunot ang noo.

"What?" Nagtataka niyang tanong.

Tumingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "Bakit mo hinahawakan ang kamay ko?" Pabalik kong tanong.

"Bawal ba?" Nakangisi niyang tanong. Bumalik siya sa pagddrive. Hiyang hiya ako pero at the same time ay kinikilig ako.

"B-Baka pagpawisan ang kamay ko.." Nahihiya kong sagot.

"So who cares?" Sabi niya. He held my hands papalapit sa bibig niya at tsaka niya iyon masuyong hinalikan. "I'm dying to hold this hand so I'm not going to let it go." Sabi niya.

Umiwas ako ng tingin. Nawala na ata ang kalasingan ko sa mga sinasabi niya. Sigurado ba talagang hindi ako nananaginip? Totoo ba talaga lahat ng ito?

Ganun lang kami hanggang sa makarating sa isang building. I'm aware na kailangan na naming bumaba. He was about to let go of my hands para tanggalin ang seatbelt but I refused.

"Nananaginip ba ako?" Sabi ko habang nakatitig sa kanya.

"No, Miss. This is real." Sabi niya. I saw how he removed my seatbelts. Tulala pa rin ako. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa isang unit. Hindi ito ang unit ko. Baka sa kanya ito.

"Nasan tayo?" I asked. I looked at him. Marahan niya akong hinawakan sa braso at dinala sa isang sofa. Inilibot ko ang tingin sa buong unit. Mukhang high class ang unit. Hindi kaya isa ito sa mga pag-aari niya?

"Sa pinsan ko 'to. I asked if I can use one of his units since this is one of their property." Sabi niya. Kinabahan ako na sobrang lapit naming dalawa. Nauna siyang umupo habang nananatili ang titig niya sa akin.

"Come here. I noticed kanina ka pa nakatingin sa akin." He said while smiling at me. Halos mapatili naman ako nang hinila niya ako. Bumagsak ako sa lap niya. Ikinulong niya ang bisig sa akin kaya wala akong kawala kapag nagkataon.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka sa party ni Phoebe?" He murmured. Ibinaon niya ang mukha sa aking leeg. Ako ay tila namumula. Isang tanong pa ulit. Hindi ba talaga ako nananaginip?

"H-Hindi ko naman kailangang sabihin sa iyo 'yun.." Sabi ko.

"And why is that?" Nararamdaman ko ang marahang pagdampi ng labi niya sa leeg ko. I'm wearing off shoulders, jusko naman!

"H-Hindi naman kita boyfriend.." Sabi ko. I heard he chuckled.

"Oh so ganoon pala.. Then, why are you wearing this kind of outfit? I thought you're the conservative type?" Malambing niyang sabi. Ang mga labi niya ngayon ay nasa shoulder blades ko na! Bakit ganito? Umiinit na ang pakiramdam ko.

"Gusto mo maggown ako sa beach?" Sabi ko. He laughed at that.

"You're giving me an unacceptable answer. Huh? What about your punishment? The last time I checked hindi ka mahilig sa party? And what? Sumasayaw ka na ngayon?" He asked again.

Ignited By Passion (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon