Chapter Nine

12.2K 323 17
                                    

Nagising ako dahil sa malamig na temperatura. I eventually opened my eyes dahil naaalala kong may pasok nga pala ako.

My phone rang. Nakalagay iyon sa ibabaw ng mesa. Agad ko naman iyong sinagot.

"Lerou, why didn't you tell me na may sakit ka pala? Take a rest. Ipapagawa ko na lang kina Reese ang trabaho mo." Sabi ni Miss Arcie sa akin. She's the supervisor at hindi ko alam kung paano nakarating sa kanya ang balita.

"Po? Hindi po. Magaling na po ako--

"Take a rest. It's okay. Magpahinga ka ng maayos. I'll hang up." Tinawag niya ang isang kasamahan ko bago pinatay ang tawag kaya hindi na ako nakapagsalita pa ulit.

Napapikit ako. Nahihilo pa rin ako bahagya. Is it a good thing na absent ako ngayon sa trabaho?

Bumangon na ako para maghilamos. Hindi pa ako nakakatayo ay muling tumunog ang phone ko. I didn't bother looking at the screen to check the caller. Si Reese lang naman ang tumatawag sa akin kapag ganitong oras. She'll always ask kung nasaan na ako or kung nagising na ba ako and a lot more questions.

"Hello?" I'm trying to open my eyelids dahil hirap akong imulat iyon. I put my slippers on habang nakaupo sa kama.

"You're awake now. Nagising ba kita?"

Holy shit.

I looked at the screen. And ayokong magkasala pero crap! Bakit tumatawag si Trion?

Natataranta kong ibinalik sa tenga ang phone para sagutin si Trion sa tawag.

"O-Oo. Kakagising lang." Kabado kong sabi. Breathe, Lerou.

"Good. Ipinagpaalam na kita sa supervisor niyo na hindi ka papasok ngayon. I scheduled your appointment kay Dad."

Oh the hell with his connections!

"Huh? B-Bakit mo ginawa iyon? Pwede naman akong pumunta sa clinic niyo pagkatapos ng trabaho ko?"

I'm like a mad woman for smiling like a real idiot. Dapat naiinis ako dahil hindi ako makakapasok ngayon pero bakit ang saya saya ng pakiramdam ko?

"I scheduled it around 10am. I want to go with you.." He paused at ramdam ko ang pagbuntong hininga niya. "But I have a flight to Cebu. Be careful on your way."

Halos hindi ako huminga dahil sa sinabi niya. Damn! Ano bang isasagot ko?

"Ahhh.." I'm out of words. What the hell? "It's okay, Trion. Sige. Ingat ka sa flight mo." Iyon lang ang nasabi ko bago ko ibinaba ang tawag ko.

I almost slapped myself. Tumawag lang iyon, Lerou. That means nothing. I shrugged. Bakit ko ba ito ginagawang big deal?

Tulala ako habang naghihilamos. Maraming pumapasok sa isip ko ngayon. I just want to clarify or something.

I looked at the clock at nakita kong 7am pa lang. Kumain lang ako ng bread at uminom ng kape before I decided to search for something na makakapagpalinaw ng isip ko.

I opened my laptop habang nakaupo sa kama. Nakita kong tumatawag si Reese but I ignored it. I need to check something first.

I searched for Trion's name on facebook. Pero walang lumalabas doon. So wala siyang account sa facebook? How can I gather info kung wala siyang account?

I think for possible ideas. Naalala ko ang sinabi ni Reese na babae na nagngangalang Laura De Salvo. After I typed the name, lumabas kaagad ang account.

Ngayon ay namumukhaan ko na. Siya nga iyong palagi kong nakikita sa La Salle nung panahong nag-aaral ako. I scrolled. She's in France dahil mas pinili niyang maging modelo which is not related sa kinuhang kurso. Natatandaan ko na Business Administration ang kanyang kurso dahil may kompanya sila pero nakikita ko ngayon kung gaano kaganda ang kanyang career.

Ignited By Passion (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon