Kabanata 2: Forehead Kiss

150 7 0
                                    

                       Heavy P.O.V

Napahawak ako sa katabi ko at napangiti ako ng may nahawakan ako. Niyakap ko siya pero napamulat na lang ako ng unan pala ang niyayakap ko. 

Wala pala akong katabi maliban sa hotdog kong unan na nagsisilbing asawa ko dito sa kwarto namin. Napatayo ako ng makarinig na may kumakatok sa pinto ko.

"Heavy,  kain na tayo. Sige ka male-late ka na naman niyan" boses yon ni Sheya. Siya lagi ang gumigising sa akin. Ate siya kung umasta kaya napamahal na siya sa akin. Kaya nga siya mahal na mahal ni Zam.

"Maliligo lang ako, mauna na kayong kumain" Saka ako tumakbo sa banyo.

"Hihintayin ka namin" Ganti nitong sigaw.

Napatigil ako sa sinabi niya. Kung ganon hindi pa pumapasok si Zam? Isang linggo ko na kasi siyang hindi nakakasabayang kumain. Hindi na kasi ako kumakain dito at late na akong umuwi. Ngayon lang ata dahil nahuli ako ng paggising.

Dala ko na ang bag ko ng bumaba ako at gaya ko naka uniform narin si Sheya. Yeziire, isa rin siyang nurse at same hospital ang pinagtatrabahuan namin. Same house, same workplace at ang masakit same husband.

"Vy, halika na nga.  Anong gusto mo coffee or milk?" Napapitlag ako mg magsalita si Sheya.

Tatakas sana ako pero hindi ko talaga matatakasan si Sheya. Kaya nagtungo na ako sa kitchen at di ko maiwasang di mapatingin kay Zam. Tumayo siya at hahalikan sana ako sa noo pero umiling ako at kinuha ang kamay niya saka hinalikan. Natutunan ko yan sa parents niya.  Ganiyan ka respectful ang mga Muslims. Isa yang sign bilang respeto sa asawa at kahit may parang sakit parin akong dinaramdam asawa ko parin siya.

Para siyang nabigla sa ginawa kog pag-iling para hindi niya ako mahalikan. I'm sorry Zam, pero kailangan ko ng umiwas. Isa pa nandito si Sheya.

Nasa head chair nakaupo si Zam habang nasa tabi niya si Sheya. Hindi ako umupo sa upuang paharap kay Sheya, umupo ako sa isang upuan na hindi katabi ni Zam. Parang nabigla sila kaya tumawa na lang ako para malibang sila.

"O, bakit ka naman natawa?" Tumatawa naring tanong ni Sheya.

Sabi kasi nila nakakahawa daw ang tawa ko.  Dati nga pag stress na stress si Zam sa trabaho niya pinapatawa niya ako lagi dahil para daw itong musika sa pandinig niya.

"May problema ba, Vy? Wala bang lasa ang pagkain?" Tarantang tanong ni Sheya

"Hindi, may iniisip lang ako" Ano ba kasi!  Bakit ko pa binabakik ang nakaraan?

"Bakit, H? May problema ka ba?" Sabay naming binalingan si Zam sa tanong nito.

Na miss ko ang tawag niya sa aking H. Z naman ang tawag ko sa kaniya, ang corny pero utos niya yon.

"H tawag mo kay Vy, honey?" Napalunok ako sa tawag ni Sheya kay Zam.

Honey?

Well. Bagay naman dahil kasing tamis ng honey ang samahan nilang dalawa.  2 months na simula ng ikasal sila at mula non duon na siya lagi sa kwarto ni Sheya natutulog sa kaharap lang din ng kwarto namin. Ako ang nag suggest non, hindi naman nakapalag si Zam. Alam kung sinusubukan niyang pumasok sa kwarto namin pero lagi ko itong nila-lock. Alam kong ang weird pakinggan na ang dalawang asawa ni Zam ay nakatira sa isang bahay. Pero sabi ni Zam na mas gusto niya kami sa isang bahay para hindi raw unfair. 

Simula ng malaman ko ang tungkol sa kanila ni Sheya kahit isang salita wala siyang narinig sa akin.  Basta ang sinabi ko lang sa kaniya na nirerespeto ko ang desisyon niya.

"Vy, bakit ang layo mo? Halika nga dito----"

"Di na,  mas okay ako dito" Mas malayo ako sa sakit.

Nakatitig lang si Zam sa akin kaya nginitian ko na lang siya. Vy pala tawag ni Sheya sa akin. In short sa Heavy.

Dali dali kong inubos ang gatas na tinimpla ni Sheya para sana mauna na akong umalis.

"H, sabay na tayo" Hindi ko naituloy ang pagtayo ko sa sinabi ni Zam.

"Oo nga Vy. Matagal ka na naming hindi nakakasabayan sa lahat ng mga bagay"

"Pasensya na busy talaga ako, sige na mauna na ako"

"Teka----" hindi ko na pinatapos si Zam at dali dali ng tumakbo palabas. Sa hospital na lang din ako manunuklay.

Kung alam mo lang Z kung gaano ko uli gusto kang makasabayan sa lahat ng mga gagawin ko. Pero hindi na, may kahati na kasi. Miss na miss ko na ang dati pero kailangan kong mag adjust. Ayokong maramdaman ni Sheya ang nararamdaman ko ngayon.

Medyo may kalayuan sa daan ang bahay namin kaya kailangan ko pang maglalad lakad muna bago makasakay ng taxi. Dati sabay kaming naglalakad ni Zam sa daan nato sa tuwing mag jo-jogging kami. Iba na talaga pag may kahati ka na sa oras niya. Hindi ko naman magawang magalit kay Sheya.  Kahit naman kasuklaman ko siya hindi ko parin mababago na nagmamahalan sila ni Zam. Siguro kunting panahon pa at matatanggap ko rin ang katotohanang iniiyakan ko parin gabi gabi. 

"Vy, halika na. Sabi ko kasing sumabay ka na sa amin!" Sigaw ni Sheya habang binababa ang salamin sa bintana ng kotse.

Ganon din ang gagawin sana ni Zam pero agad ko itong pinigilan para di siya makababa.

"Hindi na, magkikita kasi kami ng kaibigan ko"

"Si Gael ba yan?" Tanong ni Zam. Si Gael at Genelyn lang kasi ang kilala niyang kaibigan ko.

"Oo, siya nga. Sige na" Dali dali akong tumakbo ng may taxi na huminto.

Hinihingal akong naupo at huminga ng malalim. Sana naman hindi nila mahalata na umiwas ako sa kanila. Masyado pa kasing buo ang sugat.

"Hija, napapansin ko ang pagdalas mo sa pagsakay ng taxi ah" napatingin ako kay manong driver sa tanong nito. Kapit bahay naman pala namin to.

"Oo nga po" sagot ko habang nanunuklay ng buhok.

"Di ba asawa mo yong kausap mo kanina?  Dati naman walang araw na hindi ka hinahatid non" Napatigil ako sa pagsuklay at tumingin sa labas na nadadaanan namin.

"Iba po kasi ang pupuntahan nila" Pagsisinungaling ko.

Walking distance lang naman ang hospital at bahay namin kaya hindi naman kami natagalang nakarating.

"Salamat po"

Pumasok na ako sa loob ng hospital at nakita ko agad ang mga kaibigan ko na nakaduty na. Na late tuloy ako dahil lang sa inakinakala kong may katabi akong natulog.

"Himala na late si Mrs. Velez!" Sigaw ni Kate na nagtutulak ng pasyente na naka-wheelchair.

Nag peace sign lang ako, napatigil naman siya kaya pati tuloy ako at nakita ko si Zam na napatigil sa paglalakad.

"Hala be, asawa mo" Si Kate at dali dali na siyang umalis.

Syempre titigil talaga si Zam dahil apilyedo nito ang isinigaw ni Kate. Lumunok muna ako saka naglakad papunta sa kaniya. Bakit ba kasi tayo napunta sa ganitong sitwasyon? Bakit kailangan ko kasing umiwas?

"Nakaduty na si Sheya?" Tanong ko na lang. Ang awkward kasi, feel ko tuloy para kaming walang pinagsamahang dalawang taon sa inaasta namin ngayon.

"Aahhm, yes" Tipid niyang sagot.

"Ah, sige. Duty na rin ako"

"H!" Napatigil ako sa paglagpas sa kaniya at kahit ayoko na, muli ko siyang nilingon.

Lumapit siya at bigla akong hinalikan sa noo gaya sa lagi niyang ginagawa sa akin dati. Oo,  dati na lang yon dahil hindi na niya nagagawa kasi nga umiwas na ako. Na trapped lang niya ako ngayon.

"I have to go" Paalam niya at tuluyan ng umalis.

Mahal na mahal kita, Z. Miss na miss na kita, kahit sobrang lapit mo sa akin pakiramdam ko napakalayo mo. Bakit ba kasi Z, Hindi ba ako naging sapat?  Saan ba ako nagkulang? Agad kong inayos ang sarili ko baka mapunta kung saan saan ang takbo ng isip ko.

Makapagtrabaho na nga lang. Mabuti at nandito ang mga pasyente na laging bumubuo sa kulang na kulang kong araw. Isang ngiti lang nila sa akin para nawawala kahit isang segundo ang hirap.

_muskimqueen09

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon