Kabanata 10: Sana

126 5 0
                                    

                  Heavy P.O.V

"Ano ba kasing nangyari, Heavy?" Pag-aalalang tanong ni Gael habang nakapark sa tabing daan ang sasakyan niya.

Nakita lang niya akong naglalakad sa isang tabi habang wala sa sarili.

"Natatakot na ako Heavy ah, tatawagan ko na talaga si Zam------"

"Wag please" Pagsusumamo kong saad habang nakasandal lang sa bintana ng kotse.

"Bakit nga? Sabihin mo para maintindihan ko, iyak ka ng iyak jan eh" Kung hindi lang ako pinanghihinaan ng loob ngayon, kanina ko pa nilagyan ng tape ang bunganga nito.

Walang humpay sa pag-agos ang mga luha ko kahit ipinipikit ko na ang mga mata ko. Ang sakit lang isipin na umabot na kami sa puntong ganito ni Zam. Ang sakit sakit isipin na nandito na kami ngayon sa puntong kailangan ng magsakitan ng damdamin.

Wala nanan talaga akong balak isumbat ang mga salitang nabitiwan ko kanina. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko dahil sa sobra ng paninikip ng dibdib ko.

Mali ba ang ginawa ko? Nasaktan ko ba si Zam sa sinabi ko? Haaay, yon na yon. Hindi ko na mababawi lahat ng narinig niya. Kung nasaktan man siya, pwes yon yong totoo.

"Beh, nag-away ba kayo ni Sheya? Pinagalitan ka ba ng parents ni Zam? Inaway ka ba ng mga pinsan niya? May sinabi ba silang masasakit na salita? Beh, ano? Sagotin mo naman ako!"

"Nagkasagutan kami ni Zam" Malumbay kong sagot para lang maitigil ang bunganga ng kaibigan ko.

"Ano? Bakit?" Di makapaniwalang tanong nito. Sa ekspresyon ba naman ng mukha niya gustong gusto talaga niyang malaman ang dahilan.

"Beh, pwede bang don muna ako sa apartment mo?" Saad ko

"Beh naman, lagi ka namang welcome sa apartment ko eh. Pero beh, nag-away kayo ni Zam. Kailangan niyo muna yang ayusin" Lalo lang lumakas ang pagbuhos ng luha ko sa sagot ni Gael.

Naiintindihan ko naman eh, pero hindi pa ako handa para harapin siya. Gusto ko munang magpalipas ng isang gabi na malayo sa kaniya.

"Ayoko, napapagod na ako Gael. Gustong gusto ko ng iiyak kay Zam lahat lahat pero ayokong masira silang dalawa ni Sheya"

"Lampas langit ka na beh, kahit mamatay ka na ngayon paniguradong langit ka na didiretso dahil jan sa kabaitan mo" Tsk. Nagawa pa talaga akong barahin ng gagang to.

"Kung okay lang sanang mamatay ngayon din"

"Heavy Cloud naman, wag mong patulan ang joke ko. Walang mamatay okay?" Napangiti naman ako kahit papano sa sinabi ni Gael.

Kaya nga sa ganitong sitwasyon sila ang mga taong kailangan ko ng sobra. Wala lang Si Gen dahil may importante siyang pinuntahan ngayon.

"Sure kang sa apartment ka muna magpapalipas ng gabi?" Balik uli sa awa ang ekspresyon nito

"Hindi na, thank you na lang. Dito na lang ako sa daan" Sabay irap sa kaniya. Akala niya ha, kahit nasasaktan ako ngayon kaya ko parin makisabayan sa kabaliwan niya.

"Beh naman eh, kainis to" Sabay kaming tumawa kahit pa umaagos pa rin ang mga luha ko.

  

"Hayaan mo na yan beh, lilipas din yan" Basag ni Gael sa katahimikan habang tinatahak namin ang daan papunta sa apartment niya.

"Sana lilipas na ngayon" Kasi gusto ko ng kalimutan. Hindi ako sanay na ganito ang sitwasyon namin. Hindi ako umuwi ng bahay tapos may tampuhan pa kami. Mag asawa pa ba talaga kami?

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon