Kabanata 25: Check up

120 3 0
                                    

                Heavy P.O.V

Nag-aayos ako ngayon dahil ngayon ang first check up ko. Medyo kinakabahan pero masaya ako. Pero medyo malungkot din dahil gusto ko sana talagang kasama ko si Z sa first check up ko.

Naalala ko pa noon nong wala pa si Sheya sa buhay namin. Sabi niya pagnagbuntis ako magle-leave siya sa trabaho at ni isang sigundo hindi siya mawawala sa tabi ko at  walang check up na hindi siya makakasama.

Well, tinupad naman niya. Tinupad niya ang pangakong iyon pero hindi sa akin.

Haist. Ayoko ng pairalin ang selos ko. Okay na kami ni Z, nag-usap nga kami kagabi. Bumaba na ako at tuluyang lumabas ng gate.

Paggising ko kanina wala na silang dalawa. Late na rin kasi akong gumising. Nag-iwan lang ng letter si Z sa side table ng kwarto ko at sa dinning table. Inubos ko rin ang niluto niyang breakfast.

Nagtungo ako sa isang ospital na hindi pag-aari ng family Z. Duon kasi ako sa isang kaibigan ko na isang obgyne, schoolmate ko nong college.

May isang nurse na nag-assist sa akin at pinaupo muna ako dahil may pasyente pa ito. Habang nakaupo di ko maiwasang mapangiti ng mapait. Aminin ko man o hindi naiinggit ako sa mga buntis na katabi at kaharap ko. Kasama nila ang kani-kanilang mga asawa. Ako lang ata ang walang kasama.

Ano bang magagawa ko? Busy si Z at alam ko naman na gusto sana niya akong samahan. Pero importante ang meeting niya with the board. Minsan lang kasi sila mabuo kaya alam kong kailangan ang presence niya. Isa pa marami pa naman akong check up.

"Mrs. Velez ikaw na po" Nakangiting tawag sa akin ng nurse.

Excited akong pumasok at mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ko ng makita si Aya. Siya ang sinasabi ko magche-check sa akin na schoolmate ko nong college days ko.

"Heavy!" Walang pasabi niya akong niyakap. Sa tagal ba naman kasi naming hindi nagkita. Medyo updated lang kami sa isa't isa dahil may phone number niya ako.

"I'm so happy for you, alam ko kung gaano ka kahilig sa bata and now you're having your own child" Halata nga ang saya sa mga mata nito.

"Thank you Aya"

Pinahiga niya ako sa bed at may kung anong tinignan sa tiyan ko. Iniikot ko lang ang paningin ko sa loob ng office niya.

"Ano ang mga nararamdaman mo this past few weeks?" Tanong nito.

"Madaling mapagod, palaging gutom. Iyong simpleng bagay iniiyakan ko na agad, isang maling galaw nahihilo na ako. Pero minsan na lang akong masuka at mas lalong lumawak ang pagiintindi ko sa mga bagay bagay" Paliwanag ko dito na kaniya namang tinanguan.

"Parang iba ang mga salitang mga bagay bagay na yan ah, may pinagdadaanan?" Ngumiti lang ako sa tanong niya at tinulungan niya akong makaupo.

"Ayaw mong pag-usapan, I understand. I know you, a strong women. A lady with faith and hope, a girl who only love one man. A man who she married and now they're having a baby" Yumuko lang ako at ngumiti ng mapait.

Karamihan sa mga kaibigan ko walang kaalam alam kay Sheya. Iyon pa rin ang inaakala nila sa amin ni Zam. Masaya gaya ng dati, perfect nga daw kami. Kahit hindi kami naging magjowa nag-click kami sa isa't isa. Pero walang perfect na relasyon at hindi ata magkakaroon.

"Thank you Aya, I'll see you on my next check up" Bumaba ako sa bed at inayos ang damit ko.

"Yeah, basta don't forget to take your vitamins. Kumain ka lagi ng prutas para mas kapit na kapit ang inaanak ko, syempre don't forget the milk after eating your meal and before sleeping. Iwasan ang sobrang iyak at wag magpakapagod, maglakad lakad every morning"

Nagbeso muna kami sa isa't isa bago tuluyang lumabas. Nakangiti akong naglakad sa hallway palabas ng ospital.

Saglit akong huminto para ilagay sa bag ang vitamins na binigay ni Aya. Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko.

Maglalakad na sana ako uli ng makatagpo si Z at Sheya na papasok sa ospital. Dahan dahan din silang napatigil ng makita ako.

Malapit lang ang ospital na ito sa office ni Z pero di ba may meeting siya with board?

"Vy!" Agad na lumapit si Sheya sa akin.

"Check up mo rin? Dito ka rin pala" Tanong nito.

"Ah, oo. Kaibigan ko kasi ang isa sa obgyn dito. Si Doc. Aya" Utal utal kong sagot.

"Siya din obgyn ko!" Lahat na lang ata Sheya pareho tayo.

"Ah, sige una na ako. Busy ako eh" Hindi ko na siya hinintay sumagot at di ko na rin nagawang tignan pa si Z. Ang gusto ko lang ay maka labas sa ospital na iyon at mawala sila ng tuluyan sa paningin ko.

Ha?! May meeting siya with the board? Gustuhin man niyang samahan ako pero hindi pwede? Ang daming niyang palusot!

Pwede naman niyang diretsahang sabihin sa akin na check din ni Sheya at mas gusto niyang ito ang samahan kesa sa akin.

Agad nagsalubobg ang mga kilay ko dahil naiiyak na talaga ako. Ilang beses akong huminga ng malalim para pigilan ang emosyon ko wala eh.

Masakit. Ang sakit sakit niya.

Muslimqueen09

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon