Panimula: That Should Be Me

281 12 0
                                    

Masaya kami. Mahal namin ang isa't isa kahit magkaiba ang pananampalataya naming dalawa. Magdadalawang taon na kaming kasal ni Zamiel. Zam for short, half Muslim siya dahil Muslim ang mommy niya while nag balik Islam (pumasok na bilang Muslim) ang kanyang daddy. Half american din siya pero dahil laking Muslim kaya mas pinanindigan na niya ang pagiging Muslim. Isa siyang engineer at isa akong nurse sa hospital na pag-aari ng pamilya niya.

Masaya ako dahil buong puso akong tanggap ng family niya kahit hindi ako nagbalik Islam. Nererespeto nila ang desisyon ko, ganoon din ako sa kanila. Hindi naman nawawala ang away mag asawa pero kami ni Zam ay iba sa karamihan. Hindi kami natutulog hangga't hindi namin naaayos ang problema kaya sa dalawang taon naming pagsasama napakatatag parin namin at buo ang tiwala namin sa isa't isa.

Ngunit ang inaakala kong wala ng kulang ay hindi parin pala sapat para sa inaakala kong FOREVER. Hindi parin pala sapat ang pagmamahal ko, hindi parin pala sapat ang ibinibigay ko bilang asawa. Kasi nga raw, napaka powerful ng 1st love. Kaya nagkaruon ng 2nd wife.

Siya si Sheya at ang lagi kong ginagawa kay Zam ay siya na ang gumagawa. Hindi naman nagbago si Zam sa akin, ako rin naman pero kailangan kong umiwas. Hindi kay Zam at Sheya kundi sa sakit na maidudulot nila. Sa mga ginagawa ni Sheya ngayon ay dapat ako ang gumagawa.

That should be me, holding his hands!

That should be me, making him laugh!

That should be me, washing his clothes!

That should be me, making his favorite coffee!

That should be me, kissing his hands!

That should be me, preparing his diner!

That should be me, that should be me!

THAT SHOULD BE ME!


_muslimqueen09

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon