Kabanata 5: Mahal Kita

120 7 0
                                    

                       Heavy P.O.V

Naghahanda kami ni Sheya para sa diner namin habang nag pe-pray si Z sa taas. Ang dami kong natutunan na mga bagong dish kay Sheya na isa rin daw sa mga paborito ni Z.

Minsan talaga di ko maiwasang mainggit kay Sheya. Hindi niyo naitatanong, maganda si Sheya. Pambato talaga siya ng school namin dati sa mga beauty pageants at isa pa matalino siya. Lagi siyang kasali sa top ng klase, humble siyang tao. Hindi siya mahirap kaibiganin kaya nasabi ko dati na napaka swerte niya dahil crush siya ni Z. Mas napakaswerte niya ngayon dahil naging asawa siya ni Z.

Sabi nga nila, kung nakatadhana kayo sa isa't isa kahit nandon ka pa sa pinakadulo ng mundo muli at muli kayong pagtatagpuin. Hindi naging issue kay Sheya na may una ng asawa si Z dahil mas nangibabaw sa kanya ang love.

Sa sitwasyon namin hindi talaga maiiwasan ang hindi magselos kaya pareho kaming saludo kay Z sa ginagawa niyang pagiging fair sa aming dalawa.  Hindi namin alam kung paano niya nagagawang hatiin ang oras niya sa work, sa business pa nila, sa parents niya, kay Sheya at sa akin.

"Assalamu'alaikum" Sabay naming nilingon ni Sheya ang bumati.

"Waalaykum'mussalam" Bati ko pabalik kay Z.

"Sorry, nahihirapan pa akong bigkasin eh" Paumanhin ni Sheya. Natawa naman kami ni Z.

"Masasanay ka rin" Saad ni Z ng makalapit at hinalikan ang noo ni Sheya gaya ng ginawa niya sa akin.

"Ganiyan din ako dati" Natatawa ko ring kwento.

Sabay kaming  tatlo naghapunan. Mag iisang linggo na rin ng lagi na kaming magkasabay sa lahat ng mga bagay gaya ng mga ginagawa namin dati. Inalis ko na ang selos at inggit. Alam ko naman na nahihirapan kaming tatlo lalo na si Z. Kaya bilang asawa niya dapat pa namin mas lalong palawakin ang aming mga isip para magabayan siya.

Pagkatapos kumain naunang umakyat si Z sa taas dahil may aayusin daw siyang mga papers para sa bagong project nila sa company ng daddy niya. Naghuhugas ng pinggan si Sheya habang nililinis ko naman ang mesa.

"Vy"

"Hmmmmmmm"

"Salamat ah, alam mo nong nagpaplano pa lang kami ni honey na magpakasal natatakot na ako. Baka hindi tayo magkasundo dahil hindi naman tayo naging close nong high school days natin. Pero sabi ni Z magtiwala lang daw ako dahil iba ka sa mga babaeng nakilala niya. Kaya nawala na ang takot ko at mas nakilala pa kita. Salamat kasi tanggap mo ako  bilang pangalawang nagmahal sa asawa mo. Sobrang laking pasasalamat ko dahil kahit isang salita wala kang sinabi na makakapagpatigil ng pagmamahalan namin ni honey" Muntik na akong maluha sa mala MMK na speech ni Sheya.

Inipon ko muna ang aking lakas saka bumuntong hininga at ngumiti.

"Sheya, ako ang nagpapasalamat sayo. Kasi binuo mo si Zam, maliban sa akin nanjan ka para umalalay at gumabay sa kaniya. Ni minsan hindi natin nadidiktahan ang puso, mahal ka ni Zam, mahal ko si Zam kaya ang taong mahal niya ay mahal ko rin" Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

"At sana Sheya, hindi mo papansinin ang mga chismis sa ospital. Hayaan na lang natin sila" Dugtong ko na tinanguan naman niya.

Hindi naman nagtagal at gumayak na si Sheya sa taas dahil maaga pa ang work namin pero mas trip ko ang pumunta ngayon sa pool para makapagpahangin. Mamaya na ako matutulog, gusto ko kasi pagpumasok na ako sa room ko ay yong talagang inaantok na ako para hindi na tutulo ang luha ko.

"H" Napalingon ako sa likod sa tawag ni Z sa akin.

"Bat gising ka pa Zam? Umakyat na nga si Sheya dahil matutulog na raw kayo" Saad ko pero parang wala siyang narinig at tumabi lang siya sa pag-upo ko at tumingin sa kawalan.

"Hindi ako natutulog pag isa sa mga mahal ko ay gising pa" Napalunok naman ako sa sinabi niya.

"Ang corny mo Zamiel Ford ah" Pinilit kong matawa para hindi niya mahalatang naiialang ako.

Natawa naman siya at sobra pa sa sobra ang panlalaki ng mata ko ng hawakan niya ang kamay ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, ilang buwan ding hindi magkadikit ang aming mga kamay.

"Bakit marami na atang sugat tong mga kamay mo?" Napatingin naman ako sa kamay ko.

Sa tuwing umiiyak kasi ako mga kamay ko agad ang pinagmamasdan ko dahil na sanay talaga ako na lagi iyong hawak ni Z at lagi niyang hinahalikan.  Kaya mga kamay ko rin ang na pagdidiskitahan ko sa sakit na nararamdaman ko.

"Ah, na-nabigla na nga lang din ako eh. Pero wala lang yan, hayaan mo na yan gagaling din yan panigurado" Haist, pag nagsisinungaling talaga ako hindi ko maiwasan hindi mautal. Nakakainis.

"Tsk, kawawa naman to. Sabi ko di ba ingatan mo ang katawan mo" Mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa kamay ko.

"Z"

"Yes?"

"Mahal kita" Napangiti naman siya sa sinabi ko at hinalikan ang noo ko.

"Kahit hindi mo sabihin, ramdam ko H. Alhamdulillah, you're my wife and my everything" Mas lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya.

Alhamdulillah means thanks be to Allah (swt)

Akala ko dati si Sheya lang ang suswertehin. Hindi ko akalaing isa rin ako sa magiging swerte, at mas naging swerte pa ako kesa kay Sheya kahit hindi man ako ang unang taong minahal ni Z ako naman ang unang taong pinangakuan niyang kasama niya sa pagtanda.

"H?"

"Yes po?"

"Mahal na mahal kita at lagi mo iyang tatandaan" Nakangiti akong tumango at sumandal sa dibdib niya habang nakatingin kami sa buwan na para bang nakangiti rin sa aming dalawa.

_muslimqueen09

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon