Kabanata 7: Miracles Do Happen

124 5 0
                                    

                      Heavy P.O.V

Nasa lobby kami ni Chan, nakaupo pa rin siya sa wheelchair. Nagpumilit kasi siyang lumabas ng kwarto niya kaya dinala ko na lang siya dito sa lobby habang nag-uusap.

Katatapos lang din naming mag diner nina Gael at Gen sumabay pa nga sa amin si Chan dahil gusto niya daw kaming makilala ng lubusan. Hindi ko ine-expect na maging close agad kami. Mula pa kasi nong elementary ako hanggang high school at college hindi ako nagkaruon ng best friend na lalaki. Friends marami naman kaya ngayon gusto kong magkaruon at makikita namang willing talaga si Chan maging parte ng pagkakaibigan namin kasama ang mga beh ko.

"Bukas na lang ako magpapa-discharge" Saad ni Chan

"Hindi ka na siguro namin makikita uli" Salita ko.

Napangiti naman siya sa sinabi ko. Sa sinabi nga niya kanina busy siyang tao dahil isa siya sa mga CEO ng ilang company nila dito sa pinas.

"Who told you that? We are friends, magkikita tayo kasama ang dalawa" Tuloy niya kay Gen at Gael.

Kakaiba si Chan sa mga lalaking naging kaibigan at nakilaa ko. Hindi siya simple, makikita naman yon sa ayos niya para siyang isang model. Palangiti siya at hindi siya nauubusan ng sasabihin.

"Heavy?" Napatingin ako kay Chan ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Bakit?"

"Kilala mo ba siya? Kanina pa kasi siya nakatingin sa atin. Pero kung ako ang tatanongin mo kilala ko siya, isa siyang Velez ang nag-iisang anak ni Safiya at David Velez ang isa rin sa mga business partner ng Montreal" Nakatingin lang ako kay Chan habang sinasabi niya iyon. Hindi ko magawang tumingin sa taong tinitignan niya ngayon.

"Ah-ah, Chan hatid na kita sa room mo?"

"Yeah sure"

Agad kong itinulak ang wheelchair na kinauupuan niya at umalis duon. Wala namang ibang anak sina mommy Safiya at daddy David kundi si Zam lang.

"H" Ayan na nga ba. Hininaan ko ang paglalakad pero di ako tumigil at mas lalong di ko siya nilingon. Di ko alam kung bakit pero ayoko lang.

"H!"

"Ikaw ba ang tinatawag niya Heavy?" Tanong ni Chan kaya napahinto na kami at nakita kong lumingon si Chan sa likod.

Narinig ko naman ang paglapit ni Z at nakita ko naman sa harap ko na papalapit si Sheya sa amin.

"Mr. Montreal nice to see you" Kinamayan ni Z si Chan na agad namang tinanggap ni Chan.

"Mr. Velez" Saad lang ni Chan.

Lalapit na sana sa akin si Z para siguro humalik ng tawagin siya ni Sheya. Napunta na rin kay Sheya ang atensyon namin. Napayuko lang ako ng si Sheya mismo ang humalik sa pisngi ni Z.

"By the way Mr. Montreal, this is my wife Sheya" Pakilala ni Z kay Sheya. Nagkamayan naman sila.

"Excuse me, ihahatid ko na si Chan sa room niya" Saad ko ng sana ipapakilala rin ako ni Z. Sapat ng si Sheya lang ang alam niyang asawa ni Z.

"Heavy, kilala mo ba si Zamiel Velez? Para kasing gusto ka niyang ipakilala sa akin kanina pero nagmamadali ka atang ihatid ako dito" Saad ni Chan ng makapasok kami sa room niya.

"Gabi na kasi" Palusot ko

"Teka, ayaw mo ba kay Mrs. Velez?" Nabigla naman ako sa tanong niya. Bat kaya niya iyon naitanong?

"Hindi ah, katrabaho ko nga yon. Isa pa mabait si Sheya no-------" Napatigil ako ng makitang parang nanlaki ang mata niyang nakatingin sa suot kong uniform.

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon