Kabanata 26: He Cried

161 3 0
                                    


                    Heavy P.O.V

(Continuation)

Binibilisan ko ang paglakad ko kahit na hindi ko na halos makita ang dinaraanan ko kasi napupuno na ng luha ang mata ko.

Maiintindihan ko naman sana eh, hindi iyong magsisinungaling pa siya. Makakaya ko namang tanggapin, naiintindihan ko naman. Kasi iintindihin ko kahit gaano kahirap.

Naupo ako sa isang waiting shed habang nag-aantay ng bus na dadaan. Ewan ko, pwede namang mag-taxi pero gusto ko iyong mabagal.

Biglang nag-ring ang phone ko at pangalan ni Z ang lumabas sa screen with matching picture naming dalawa. Kaya mas lalong bumaon ang sakit sa puso ko.

Masaya naman kami ah, ang alam ko wala namang kulang!

Pagalit kong pinunasan ang mga luha kong sunod sunod na umagos. Agad akong tumayo ng may huminto na bus at humanap ng mauupuan.

Napabuntong hininga ako ng makapwesto ako sa walang katabi na upuan. Ayoko kasing may titingin sa akin habang umiiyak.

Biglang nag ring ang phone ko pero this time message na at galing pa rin kay Z.

Message from Zamiel:

I was about to tell you na, na postpone ang meeting. Akala ko kasi aabutan pa kita sa bahay kanina. I'm sorry.

Mas lalong nagtuloy tuloy ang pag-iyak ko. Wag mo na ngang ipagkaila Z. Ayos lang naman, ayos na ayos lang!!

Matagal bago ako dumating sa bahay kaya napagod ako. Pagod sa labas pagod sa loob.

"I'm tired" Humahagulgol kong saad habang papunta ng sala at humandusay sa couch.

Muling nag ring ang phone ko  at ganon pa rin.

Message from Zamiel:

H, are you at home? Sinabi sa akin ni Doc. Aya ang naging check up mo. Drink your milk daw after your meal. We're going home after this. May pabibili ka ba? I'm waiting for your reply.

Bakit ka ba ganyan Z? Mas lalo mo lang akong pinapahirapan. Mas lalo mo lang ginugulo ang isip ko.

Matapos uminom ng gatas tumahan na ako sa pag-iyak. Can't wait lumabas ang baby ko, alam kong paglumabas na siya. May tao na uling pupunas ng mga luha ko. May tao na uling magsasabi na mahal niya ko.

"Honey, ilang months na lang malalaman na natin ang gender ni baby. I want, that time nasa tabi kita at sabay nating malalaman iyon" Dinig kong saad ni Sheya mula sa labas.

"In sha Allah Honey" Sagot naman ni Z at Dinig ko ang pagbukas ng pinto pero di ako umimik.

"Vy, so glad you're here. Gusto mo bang sumama sa akin sa next check up ko? Malalaman na namin ang gender ng anak namin ni Zam"

"Hindi na, kayo na lang" Total  anak niyo naman yang dalawa at busy ako sa anak kong mag-isa.

"H, sana hinintay mo na lang kami ni Sheya kanina para hindi ka na nag-commute" Salita ni Z at naupo sa kaharap na couch.

Para ano? Para magmukhang tanga?

"Busy kasi ako" Walang gana kong saad at umalis duon saka nagtungo sa garden.

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon