Kabanata 11: Game

120 6 0
                                    

                        Heavy P.O.V

Nakaupo ako sa isang couch malapit sa OR, wala namang pasyenteng inooperahan ngayon pero dito ko trip umupo ngayon dahil hindi dinadaanan ng mga tao.

Mag-aalas tres na siguro ng hapon ngayon pero wala pa rin akong ganang kumain. Dapat ngayon gutom na gutom na ako dahil hindi ako nag diner kagabi tapos hindi rin ako nag breakfast at nag lunch kanina.

"Happy birthday honey" Napaangat ako ng tingin ng narinig ko ang boses ni Z.

"Thank you hon, hindi ko in expect na e ca-cancel mo talaga ang mga meetings mo para lang e surprise ako duon sa labas. I love you so much, sobra kong na appreciate ang effort mo. Nakipagkasundo ka pa talaga sa head nurse, di ko akalaing kompleto ang family mo sa surprise na yon. Kahit na hindi talaga kayo nagce-celebrate ng birthday pero tinupad mo yong wish ko. Thank you talaga" Dinig kog saad ni Sheya kay Zamiel.

Nasa kabilang side sila, nasa sulok ako kaya di nila ako makita. Hindi ko din naman sila nakikita pero dinig na dinig ko ang boses nilang dalawa dahil nga sa wala masyadong tao sa parte ng hospital na to.

Kaya pala may mga ingay sa labas at halos mga tao ay papunta sa lobby ng hospital. Ayoko rin naman makisawsaw kaya nagtungo ako dito. Mabuti na lang talaga di ako nakisali don.

"Zamiel! Sheya!" Dinig ko namang sigaw ni Genelyn sa mga pangalan ni Z at Sheya.

"Oh, Gen. Bakit?" Sagot ni Z.

"Nakita niyo ba si Heavy? Kanina pa namin siya hinahanap ni Gael, eh"

Sana naman hindi nila ako makita dito. Alam pa naman ni Genelyn na madalas ako sa parte na to.

"Hindi" Maikling sagot ni Z

Sobrang ikli non pero masakit na yon sa parte ko. Ikling sagot na para bang hindi siya nag-aalala na nawawala ako.

"Heavy Cloud! Nanjan ka lang pala" Muntikan na talagang lumabas ang kaluluwa ko sa biglang pagsigaw ni Genelyn.

"Vy" Agad namang lumapit si Sheya sa akin

"Kanina ka pa jan, H?" Tinaasan ko lang ng kilay si Z sa naging tanong nya.

May ayaw ba siyang marinig ko kaya tinatanong niya?

Sorry Z ha, narinig ko na lahat.

"Anong ginagawa mo dito sa sulok? Hindi mo man lang nasaksihan ang special moment ng asawa mo at second wife niya"  Halata namang sarcastic ang pagkakasabi ni Gael na kakarating lang.

Obvious namang pinaparinggan nila ang dalawa na walang nagawa kundi ang yumuko. Dalawang araw ko na ring hindi nakikita si Z, wala pa sana akong balak makita siya uli eh.

"H, birthday ni Sheya ngayon" Nakangiting saad ni Z

Agad kong ikinuyom ang kamay ko para pigilan ang namumuo kong emosyon. Masyado na akong mahina sa paningin nila.

"Birthday rin naman ni Heavy kahapon, Zam" Kainis talaga tong si Gael. Kaya nga di ko na sinabi at di na ako umuwi kagabi dahil ayokong maalala niya pa

"Talaga Vy, magkasunod pala tayo ng birthday?" Hindi alam ni Sheya na magkasunod kami ni birthday. Alam naman ni Z pero siguro nilimot na talaga niya.

Natahimik naman si Z sinabi ni Gael. Ngumiti lang ako kay Gael at Genelyn kahit ang sarap nilang sapakin dalawa. Kung sana hindi na nila ako hinanap.

"May gagawin pa ako, una na ako sa inyo. Sheya happy birthday sayo"

"Thank you Vy, uwi ka na mamaya sa bahay ah. Hihintayin kita" Tumango lang ako sa sinabi niya.



Wala ako sa sarili habang naglalakad papunta sa locker room para sana mag out na. Masakit ang ulo ko wala akong ibang gustong gawin kundi ang humiga sa kama ko.

Nag text na lang ako kay Gen at Gael na sila na lang ang magsabi sa head nurse na nag out na ako. Ano na ba kasi ang nangyayari sa akin?

Nakasakay nga ako ng taxi pero na stuck naman kami sa traffic. Mas okay na rin dahil kahit papano parang nakatigil ang oras ko.

Wala naman akong problema? Wala naman akong sakit? May pera naman ako? May pamilya naman ako? May trabaho naman ako? Masama ba ugali ko? May malaki ba akong kasalanan? May inaggrebyado ba akong tao?

Agad kong pinunasan ang isang luhang pumatak sa pisngi ko. Sobrang mahal bawat patak ng isang luha ko pero parang nagiging libre na lang siya sa mga panahong to.


Madilim na ng dumating ako sa bahay dahil sa pausad usad na traffic. Hindi naman ako nabagot dahil feel na feel ko ang mag emote eh.



Pagbukas ko ng gate agad bumungad sa akin ang nakakalat na mga petals ng red rose at mga candles na nagbibigay daan patungo sa main door ng bahay. Ang iba patay na dahil sa hangin, habang pinagmamasdan ko di ko maiwasang mapangiti. Napakaromantic ng scene ngayon at para bang yong mga sakit sa puso ko unti unti naglalaho, unti unting bumibigay.



Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto at unti unting nawala ang ngiti sa labi ko ng makita si Zamiel at Sheya na nagka-candle diner. Kaya pala maraming candles sa labas pati sa loob ng bahay dahil candle diner ang theme nila.

Napatigil naman silang dalawa ng makita ako. Muli kong isinara ang pinto at tumalikod. Haays, kahit kailan disturbo pa rin ako.


"H!" Hindi ko nilingon si Zam sa tawag niya

"Vy, ano ka ba pumasok ka nga. Kanina ka pa namin hinihintay ni honey" Masayang saad ni Sheya



"Ah, h-hindi na. Continue niyo na lang, papasok ako pagtapos na kayo"

"Vy naman, eh" Sumimangot pa si Sheya

"Zamiel sige na, pasok na sa loob. Make her happy because this is her day" Tinulak ko sila papasok saka nagtungo sa garden para don muna tumambay.


Basag. Basag na basag as in talagang na wasak. Assumera talaga ako, nag expect ba naman ako na para sa akin yong mga petals na nakakalat? Oo na, tawanan niyo ako.


Nilibang ko na lang ang sarili ko kaka-games sa phone ko. Hanggang sa tuluyang na ngang yumuko ang ulo ko dahil inaantok na ako. Kanina pa nga ako nilalapastangan ng mga lamok dito pero natitiis ko. Yong sakit nga dito sa puso ko nagawa kong tiisin yong kagat pa kaya ng lamok.

Haist, tumanda na ako ng isang taon kahapon pero nasa ganitong sitwasyon pa rin ako. Quarter 12 am na, siguro naman tapos na sila.


Nag iinat ako ng katawan habang papasok at nagkasalubong kami ni Z sa hagdanan habang pababa naman siya.



"H, akala ko umalis ka kanina? Nasa labas ka lang ba?"

"Nasa garden"

"I'm sorry, akala ko umalis ka. Bakit di ka pumasok? Ang dami mong kagat ng lamok ah?" Tinignan pa nito ang mga braso ko na kanina ko pa kinakati



"Mawawala rin yan, hayaan mo na. Matutulog na ako ah gabi na kasi, maaga pa pasok ko bukas"

"Wag ka ng pumasok. Sorry kung nakalimutan ko ang birthday mo kahapon,  promise babawi ako sayo bukas. This day is for Sheya, tomorrow will be yours" Lumunok lang ako sa sinabi niya




"No need, sobrang saya ko na kahapon kasama ng mga mahal ko" Yon lang ang iniwan kong salita saka bumalikwas upang mabitawan niya ang braso ko


Agad kong ibinagsak ang pagod kong katawan sa kama. Magmanhid manhiran na lang tayo at maglaro.


I'll accept the game.


Muslimqueen09







That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon