Kabanata 24: Conversation

126 3 0
                                    

                      Heavy P.O.V

Tahimik akong naka-upo sa sala kasi umuwi na ang mga kaibigan ko kasi gabi na. Sa buong araw walang anino ni Z ang nangumusta man lang sa akin.

Ganon na ba kalala ang sitwasyon ni  Sheya para hindi man lang siya makasaglit sa akin? Haist, sobrang sakit maging second choice.

Narinig ko ang pagdating nila pero hindi ko sila pinansin. Todo cellphone lang ako hanggang sa nahalikan ni Z ang pisngi ko at umupo si Sheya sa tabi ko.

"Magluluto muna ako ng dinner, pagkatapos kong mag pray tatawagin ko na kayo" Salita ni Z at dumiretso na sa kitchen.

Halata ang pagod sa boses niya pero nagpapanggap siyang malakas. Hindi para sa akin kundi para sa mag-ina niyang kagagaling lang ng ospital.

"Okay ka na ba?" Tanong ko kay Sheya ng bigla itong humiga sa balikat ko.

"Okay na, siguro na miss lang ni baby ang daddy niya kaya nagtampo" Napalunok ako sa sinabi niya.

Pinaparinggan ba niya ako?

Na miss? Eh, ni isang minuto hindi siya magawang iwan ni Z. Maliban na lang siguro kong pupuntahan ako ni Z para painumin ng gatas at bisitahin sa tuwing nakakatulog na siya.

Ganon. Siya iyong laging inuuna bago ako. Kasi nga second choice lang ako, nabibisita niya lang ako sa kwarto pagtulog na si Sheya.

"Magpahinga ka na diyan, iinom lang ako ng tubig" Humiga siya ng tuluyan sa sofa at ipinikit ang mata.

Ang swerte niya.

Buntong hininga akong nagtungo sa kitchen at naabutan ko si Z na naghahanda para sa lulutuin niya.

"H, nagpunta ba sina Red dito kanina?" Tanong nito.

"Oo, kakauwi nga lang nila" Walang sigla kong sagot.

"Pasensya ka-------"

"Ako na diyan" Putol ko sa sasabihin niya at pinaalis siya sa pwesto niya.

Isang libong beses na niyang sinabi ang salitang "pasensya" wala rin namang nagbabago.

"No H, magpahinga ka na"

"Ako na dito Z, prepare ka na para sa prayer mo" Ipinagpatuloy ko ang ginagawa niya.

"Baka mapagod ka------"

"Trabaho ko ito Z, asawa mo ako at isa ito sa responsibilidad ko" Natahimik naman siya sa sinabi ko.

Isa pa, matagal na akong pagod. Hindi lang pagod kundi pagod na pagod na ako. Sa pagpapanggap, sa pagiging manhid, sa pagngiti kahit ayokong ngumiti.

"Ahm, H. Wag mong lalagyan ng pepper kasi ayaw iyon ni Sheya" Saad niya.

Tumango lang ako at tuluyan na siyang lumabas ng kitchen. Alam din kaya niya kung anong ayaw ko ngayon nagbubuntis ako? Tsk, pano niya malalaman kung hindi naman niya tinatanong.

"Aray!" Aray ko, haist. Agad kong hinalikan ang napaso kong kamay.

Kinuha ko na ang mga plato at inaayos ang hapagkainan. Napangiti ako habang tinitikman ang ulam na niluto ko. Hindi ko masasabing masarap pero okay ang lasa niya.

Nakita kong pumasok si Z sa kitchen at lumabas ang ngiti sa labi niya. Iba kasi ang niluto kong ulam sa lulutuin niya sana. Paborito niya ang naisipan kong lutuin.

"Tawagin ko muna si Sheya" Paalam nito at agad naman siyang nakabalik kasama si Sheya.

"Hmmmm, ang amoy Honey. Natatakam na kami ni baby, salamat ha dahil ipinagluto mo na naman kami. Hindi ka nagkulang sa pag-aalaga sa amin ni baby" Agad kong naramdaman ang pagnginig ng kamay ko sa mga sinabi ni Sheya.

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon