Kabanata 15: Wished

124 4 0
                                    

                     Heavy P.O.V

Sikat ng araw ang pumukaw sa akin dahil sa garden nga pala ako nakatulog kagabi. Sobrang bigat imulat ng mga mata ko, pakiramdam ko may malaking batong nakapatong sa mga pilik mata ko.

Pagiwang giwang akong pumasok ng bahay dahil nahihilo ako dahil sa sobrang paghagulgol ko kagabi at mga around 4am na ako natulog dala ng sobrang kapaguran.

I'm physically and emotionally tired!

Minsan lang lumabas sa bukabularyo ko ang salitang tired. At kung lalabas nga ito ibig sabihin pagod na pagod na ako.

Bumungad sa paningin ko ang magkayakap na Z at Sheya na natutulog sa couch. Duon na rin siguro sila nakatulog dala ng nangyari kagabi. Isang gabi na punong puno ng sakit sa aming tatlo.

Kahit sa pagtulog para silang hindi mapaghiwalay. Pano pa kaya kung aalis pa si Sheya kay Z? Hindi naman naikakaila na mahal na mahal siya ni Z.

Buntong huminga ko silang tinalikuran at aakyat na sana ng hagdan ng bilang magsalita si Z at binanggit ang pangalan ko.

Na miss ko yon, yon bang pagkagising niya pa lang pangalan ko na ang una niyang babanggitin. Ganon siya dati, kaya para mabawasan ang mga lungkot ko sa araw araw kong paglaban, ako na mismo ang babanggit sa sarili kong pangalan every morning na gigising ako.

Hinarap ko siya at nahihirapan siyang alisin ang kamay ni Sheya dahil sa higpit ng yakap nito sa kaniya. Ilang ulit niyang inalis ang kamay nito pero lagi pa ring ibinabalik ni Sheya sa bewang ni Z ang mga kamay niya.

"Wag mo ng pilitin kong ayaw. Hindi lang si Sheya ang nangangailangan ng yakap mo ngayon, dalawa silang nakayakap sayo Z" Agad nanlamya ang mga mata ni Z habang nakikinig sa mga sinabi ko.

"H" Banggit niya na para maiiyak na naman.

"Papasok na ako sa trabaho" Hindi na niya nagawa pang sumagot ng tuluyang na akong tumakbo patungo sa kwarto.

Ang hirap magpanggap na parang walang nangyari. Ang hirap umasta na parang wala lang ang lahat. Ang hirap hirap ngumiti kahit gustong gusto ko ng umiyak. Ang hirap magpanggap na malakas kahit sa loob sobrang lamya ko na.

Agad kong binuksan ang shower upang mapahid ng tubig ang bawat luhang pumapatak ngayon sa pisngi ko. Pinalakas ko ang pagbuhos ng tubig para hindi nila marinig na humahagulgol na naman ako.

Sobrang hirap para sa akin ang gagawin ko pero mas mahihirapan lang ako kung hindi ko pa to gagawin ngayon. Mas mahihirapan lang kami kung magpapatuloy pa kami sa samahan naming tatlo na walang kasiguraduhan.

Walang sense yong pagiging pamilya namin kung hindi rin naman kami nagkakaintindahan, hindi nagkakaunawan sa mga bagay bagay.

Matapos mag shower humarap ako sa salamin at inayos ang sarili ko. Dapat walang makahalata ng sakit na nararamdaman ko sa loob, dapat ako lang ang makakita nito. May mga kung ano ano akong inilagay sa mukha ko para may kung ano na hindi mahalata. Para fresh pa rin tignan kahit ang totoo lantang lanta na.

Fresh na fresh akong bumaba mula sa kwarto at hindi ko na sila nadatnan sa baba, siguro na sa kwarto na sila. Hindi na rin ako nag-abalang kumain ng almusal at pumara na ng masasakyan na taxi.

Wala pang 20 mnts ng makarating ako sa ospital at agad kong nakita si Gen at Gael na nag-uusap. Mukang hindi naman nila ako nakita kaya hindi ko na sila inabala at nagtungo na sa office ng head nurse.

"Nurse Velez, late ka na naman" Biro ni Sheed ng makapasok sa office ng head nurse. Assistant kasi siya nito.

"Wala pa ba si ma'am?"

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon