Kabanata 38: Ulan

60 2 0
                                    


                        Kylene P.O.V

Tahimik kaming naka upo sa sala ni Jibril habang pinapakiramdan ang isat isa. Wala akong ibang choice kundi ang papasukin siya dahil sa basang basa na kami ng ulan. Matapos naming magpalit naabutan ko siya sa sala habang tahimik na nakatingin sa kawalan.

May nagawa ba ako Jib para tuluyan mong kalimutan kong anong nasimulan natin? May mali ba sa akin? Bakit sa lahat ng tao ikaw pa ang magiging rason ng pighati ko?

Tahimik akong tumabi sa kaniya sa pagkakaupo habang ipinatong sa mesa ang dalawang baso na may kape. Ganitong ganito ang eksena namin sa tuwing may pinagdadaanan kaming mag asawa. Simpleng upo sa sala na may kape sa mesa habang nakikiramdam lang sa nararamdaman ng isat isa.

“Kung alam ko lang na gising ka na, sana naka uwi ako agad. Sana akong ang unang taong nakita mo, sana mga kamay ko ang unang kamay na hawak mo” Saad niya kasabay ng mga luha na unti unti na namang pumapatak sa mga pisngi niya.

“Kylene, walang araw na hindi ka sumagi sa isip ko habang nasa states ako. Ang sakit na kahit isang dalaw hindi ko magawa sa asawa ko. Hindi ko magawang iwan kahit isang araw ang business sa states K, kasi pangarap natin iyon kasi pinaghirapan mo iyon at hindi ko kayang tignan lang ang kompanyang pinaghirapan mong mawala na lang na parang bigla dahil lang sa pagkakamali ko” Unti unting nahulog ang mga luha na di ko na namang nagawang pigilan.

Nanginginig ang mga labi ko dahil sa hikbi na pinipigilan ko. Ayokong sabayan ang pag iyak niya dahil sobra ng sakit, ayoko ng maramdaman ang ganitong sakit pero sa tingin ko kailangan namin uling ibalik ang nakaraang pilit kong iginigiit.

“Patawarin mo ako kung naging huli ang pagdating ko.”

Agad kong pinunasan ang mga luha ko ng tignan niya ako bago ko rin siya tignan sa mga mata. Kitang kita ko sa mga mata niya ang ibat ibang emosyon. Duon ko lang uli siya na titigan at nakita kung gaano na ka iba ng Jibril na kaharap ko ngayon sa Jibril na asawa ko nuon.

Napababa ang tingin ko sa kabuoan ng katawan niya, medyo pumayat siya. Ang tamlay niyang tignan, gusto kong makita uli ang malakas niyang halakhak, gusto ko uling mayakap ang lalaking kaharap ko ngayon, gusto ko uling hawakan niya ang mga kamay ko.

Napayuko na lang ako at palihim na napahikbi sa naging takbo ng utak ko. Sa gitna ng sakit, mahal ko pa rin pala ang taong to.

Napatingin ako sa kamay niya. Sa kamay niyang may wedding ring. Pero magkaiba sa wedding ring na suot ngayon ng mga kamay ko. Dahan dahan niyang hinawakan ang kamay niya ng mahalatang nakatitig ako don.

“Bibigyan mo ba ako ng pagkakataong magpaliwanag sa relasyon namin ni Gael?” Mahinang tanong niya

Sa buong buhay ko, iyon na ata ang pinakamasakit na tanong na narinig ko. Gustong gusto ko ng ilabas ang sakit, gustong gustong ko ng isigaw kung gaano ka sikip ang dibdib ko. Gustong gusto isampal sa kaniya lahat lahat, gustong gusto kong isumbat pero tanging isa lang ang nagagawa ko. Ang lagi ko lang nagagawa ay ang umiyak sa may madilim na parte at pa ulit ulit itinong sa sarili ko kung anong naging mali ko at bakit kailangan ko maranasan lahat ng to.

“Simula ng malaman ko. Tanggap ko na” Sobrang ikli ng salitang na sambit ng mga labi ko habang sumisigaw sa sakit ang puso ko.

“I’m sorry” Saad niya na tuluyang nagpa agos sa mga luha ko na walang tigil

I’m sorry. Akala ko pag narinig ko ang salitang iyon mula sa labi niya ay tuluyan ng mawawala ang sakit. Hindi pa rin pala, dahil sa puntong ito mas naging triple ang sakit. Tipong mas gugustuhin ko na lang uli mahiga sa hospital bed at hindi na magising pa.

Mas lalo akong napahagulgol ng malakas ng maalala si Heavy sa panaginip ko. Ganitong ganito ang sakit na lagi niyang nararamdaman at akalain mong sa paggising niya sa realidad mas magiging masakit pa pala.

Hindi ko nagawang pumalag ng yakapin niya ako ng mahigpit habang palakas ng palakas ang pag iyak ko. Tahimik na umaagos ang mga luha at ramdam ko iyon. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya dahilan para mapuno ako ng sakit. Puno puno ng sakit ang kalooban ko tipong kahit pag iyak ay kulang upang ibsan ang sakit ng sugat na nasa puso ko.

Sa huling pagkakataon, dahil huling huli na ito. Tinanggap ko ang yakap niya at mas lalong pinahigpit habang patuloy sa paghagulhol. Kahit isang beses lang, kahit ngayon lang kailangan kong suwayin ang isip ko. Gusto ko uling isipin na bago pa ang sakit na ipinaramdam niya, may pagmamahal na namuo sa aming dalawa.

Hindi man uli maibabalik kung anong meron kami dati, may alaalang mananatili. Naging sakit man ang kinahantungan ng kwento namin, may saya paring minsang pinagsaluhan namin. Naging ma ikli man ang parte ko sa buhay niya, naway sana naging mabuti akong impluwensiya sa kung anong meron siya. Kailangan mang mauwi sa paalam ang lahat, alam kong minsan sa buhay ko naging masaya ako sa desisyon kong mahalin siya.



Nang dahil sa ulan, umiyak man ako ng lubusan, kahit sandali nagkasama uli kami.


Muslimqueen09

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon