Kabanata 4: I'm Sorry

121 7 1
                                    

                        Heavy P.O.V

Kakauwi ko lang galing trabaho at kung alam niyo lang na 2am na ng madaling araw. Nilakad ko lang pauwi wala namang dapat ikatakot dahil may mga tindahan akong nadadaanan na 24 hours na laging open. May susi din ako sa bahay at maingat naman ako para hindi magising ang dalawa.

"Aaaahhhhh----" agad kong tinakpan ang aking bibig ng makitang si Z lang pala ang nasa kusina habang umiinom ng tubig.  Parang expect  na niya ang pagdating ko dahil ako lang ang nabigla sa aming dalawa.

"Over time?" Tanong nito ng maisara ang ref at binalingan ako.

"Ah, oo. Sige akyat na ako"

"Bakit napapadalas ata?" Habol nitong tanong kaya napatigil ako.

"Maraming leave ngayon na nurse kaya kinakailangan ko" Sinungaling na naman.

"Pero bakit si Sheya-------"

"Sobra pang aga para mag-away Z. Pagod ako-----"

"Sino bang nag-utos sayong magpakapagod Heavy? Kakausapin ko ang head nurse----"

"Hindi mo pwedeng pakialaman ang trabaho ko. Hindi porket asawa ako ng anak ng may ari ay iibahin na ang pagtrato sa akin"

"Papatayin mo ba talaga ang sarili mo kakatrabaho?!"

"Honey! Anong nangyayari dito?" Napatigil kami ng umawat si Sheya at pinahinahon si Zam.

"Excuse" Nagmadali akong pumasok sa kwarto at pabagsak itong isinara.

Agad kong naibagsak ang bag ko at pabagsak na naupo sa sahig habang nakapatong lang sa kama ang ulo ko. Sana kaya kong manumbat, sana kaya kong isigaw sa kaniya kung bakit kailangan kong pahirapan ang sarili ko. Mas gusto ko sa ospital dahil alam kong minamahal ako ng mga tao don. Napabalikwas ako ng makarinig ng pagkatok.

"H, buksan mo" Dinig kong saad nito at halatang kalmado na siya.

"H!"

"Pagod ako Zamiel!" Balik kong sigaw at pinatay na ang ilaw.

Wag ngayon Z, nakikiusap ako.

Dati hindi namin pinapalipas ang gabi ng hindi naayos ang away namin. Pero ngayon malabo na ata. Mas mabuti na ang ganito, mas okay na lalayo muna kami sa isa't isa. Mahirap para sa akin pero alam ko sa sarili ko na darating at darating kami sa panahon na may isang bibitaw at may isang mananatili.

"Vy! Maaga na, gising na!" Naalimpungatan ako sa sigaw ni Sheya kaya kahit mabigat ang ulo at masakit ang mata ay kinailangan kong bumangon at pagbuksan ito.

"Assalamu'alaikum" Nabigla ako ng si Z ang nakaharap ko. Nangunot ang noo nito ng makita ako.

"Umiyak ka kagabi?" Napakabobo naman ng tanong na iyon.

"Waalaykum'mussalam. May kailangan ka?" Walang emosyon kong tanong

"Kakain na"

"Mamaya na ako, mauna na kayo" Wala siyang nagawa ng pagsarhan ko na siya ng pinto at muling ni lock. Hindi na siya welcome sa kwarto ko.

Wala akong ganang pumasok dahil masakit talaga ulo ko. Kainis, bakit ba kasi ako umiyak ng sobra kagabi.

Pumasok ako sa banyo at naligo para mawala kahit papano ang bigat ng ulo ko.  Nagsuot lang ako ng pambahay dahil aabsent na lang ako. Siguro naman nasa trabaho na ang dalawang yon. Nanunuklay ako ng pababa para sana humanap ng malalamon.

"Hindi pa rin kayo okay?" Dinig kong tanong ni Sheya. Haist, pagminamalas ka talaga. Friday nga pala ngayon at day off nilang dalawa. Kainis!

"Galit siya, pinagsabihan ko lang naman"

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon