Kabanata 9: Family Diner

138 4 0
                                    

                      Heavy P.O.V

Nauna akong nag out sa mga kaibigan ko pati na rin kay Sheya. Pinaintindi ko naman kay Tita kung bakit napaaga ako sa pag-out at naintindihan naman niya.

Umuwi ako ng bahay kahit parang ayoko ng umuwi don. Para kasing sa tuwing pag-uwi ko nalulungkot lang ako. Pero wala naman akong ibang choice, isa pa di ko naman maaatim na umalis sa bahay namin. Ang bahay namin ngayon ay regalo ni daddy at mommy bago pa kami ikasal ni Z. Sobrang espesyal ng bahay na iyon sa akin dahil duon kami bumuo ng masasayang alaala ni Z.

Papasok na sana ako ng marinig ko ang boses ni Sheya at Z na nag-uusap sa loob. Kung ganon mas nauna pa rin pala si Sheya. Hindi naman ganito kaaga umuwi si Z, pero siguro plano nila.

Kung may ibang daan lang sana papunta sa kwarto ko ay sana kanina pa ako nakaakyat sa kwarto. Pero wala naman akong magagawa kundi ang dumaan kung na saan ang dalawa, sana lang di nila ako mapansin.

Dahan dahan akong pumasok. Nagtatawanan silang dalawa kaya binilisan ko na rin ang pag-akyat ko.

"Oh Vy, umuwi ka na rin?" Napatigil ako sa paglakad at nilagyan ng ngiti ang bibig ko saka ko sila hinarap.

"He-he, may gagawin kasi ako. Ikaw, ang aga mo atang nag out?" Tanong ko na lang para hindi naman masyadong nakakailang.

Nakatitig lang sa amin si Z pero hindi ko siya binalingan.

"Sinundo ako ni Z" Napatango tango na lang ako.

Mabuti ka pa, sinusundo niya!

Magpapaalam na sana ako para umakyat sa taas ng mapatingin ako sa taas ng wall. Wedding picture kasi namin ni Z yong nakasabit sa taas, yong pagpasok mo pa lang sa bahay yon agad ang makikita ng mata mo dahil sa sobrang laki. Pero nakita ko ang wedding picture namin sa baba at napalitan ng picture nila ni Sheya, yon na ang nakasabit sa itaas.

Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang picture nila. Halata naman kung gaano sila ka in love dalawa. Sobrang saya nilang dalawa sa picture, kung ikukumpara sa amin sobrang magkalayo.

"Ah Vy, hindi namin to inalis. Ipagtatabi lang sana namin ang wedding pictures natin" Agad namang paliwanag ni Sheya.

"Hindi na, dalhin ko na lang sa taas ang litarto namin" Saka ko kinuha ang malaking frame.

"Sure ka Vy? Okay sana dito"

"Okay lang" Dinala ko na nga sa kwarto ko at binagsak sa kung saan. Kung dati napapangiti ako pagpinagmamasdan ko ang litrato, ibang na ngayon. Para akong maiiyak habang pinagmamasdan ko ang litrato. Sobrang saya ko ng mga oras na yon, Pero bakit iba na ngayon? Mag asawa pa rin naman kami ni Z, pero bakit pakiramdam ko hindi na?

"H" Napaigtad ako sa tawag ni Z. Palihim kong pinunasan ang namumuong luha sa mata ko.

Hindi ko pala na lock ang pinto.

"May kailangan ka?" Agad kong tanong.

Nakatingin naman siya sa picture namin na nakahandusay sa sahig. Inikot niya ang paningin niya sa kabuuan ng kwarto. Iba na kasi ito sa dating kwarto namin. Iniba ko na ang design at lahat ng mga gamit ay iniba ko ng pwesto. Malayong malayo na siya sa dating pinagsaluhan naming kwarto. Para siya naging teen ager na kwarto dahil sa kulay at mga design nito. Hindi niya alam kasi nga matagal na siyang hindi nakakapasok sa kwarto na to. Sabi ko nga, hindi na siya welcome sa kwarto na to dahil kwarto ko na lamang to. Naglakad siya at naupo sa kama ko.

"Ibabalik ko don ang wedding picture natin" Saad nito.

"Hindi na kailangan, ilalagay ko na lang sa ilalim ng kama" Kinuha ko ang frame at ilalagay na sana sa ilalim ng kamay ng pigilan niya ako.

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon