Kabanata 13: Hurt

148 3 0
                                    

                      Heavy P.O.V

Nakabalot na ng puting tela ang kamay ko ng magising ako kaninang umaga. Iniwan ko lang kasi itong duguan kagabi saka natulog. Baka naman may anghel na pinadala para gumamot sa duguan kong kamay?

Bumaba ako ng maramdamang kumukulo na ang tiyan ko. Bad trip naman kasi gusto ko ng pumasok sa trabaho pero baka mahimatay lang ako sa sobrang hina.

"Gising na siya, good morning Vy" Nakangiting bati ni Sheya at kasama nitong nakaupo si Z at kaharap nila si Chan

Hindi ko inaasahan ang pagbisita niya pero okay naman dahil kahit papano hindi pa rin pala talaga siya nakakalimut.

Nagtungo si Z at Sheya sa kusina kaya naiwan kami ni Chan sa sala. Nakatingin siya sa nakabenda kong kamay.

"Anyare jan?" Tanong niya

"Wala man lang bang good morning o kumusta jan? Ang tagal mong di nagpakita tol!" Sarcastic kong saad saka umirap

"Sorry na tol, out of town kasi ako at kababalik ko lang. Bawi naman ako tol, nanggaling ako sa hospital pero wala ka naman so dumiretso na lang ako dito" Paliwanag nito saka may ibinigay na bag

"Pasalubong" Napangiti naman ako sa sinabi niya

"Pa salamat ka may dala kang pasalubong" Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa sinabi ko


"Hindi na ako magtatagal, may meeting pa ako. Sa group chat ko na lang sasabihin kung san tayo makikita mamaya. Bye!" Mukang may meeting nga talaga dahil nagmamadali siya


Aakyat na sana ako ng hagdan ng sabay lumabas si Z at Sheya galing sa kitchen saka ako tinignan pati ng hawak kong bag.


"Breakfast na Vy" Salita ni Sheya

"Sa hospital na lang ako kakain, late na ako"

"Hindi naman yon problema, asawa natin ang may ari  ng ospital Vy" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Sheya


Ibig ba niyang sabihin, na dahil lang sa may ari si Zamiel ng ospital ay pwede ko ng baliin ang mga rules?

"Kung ganon pala, aalis na lang ako don para maging problema yon. Ayoko ng biased Sheya, ayokong tignan nila ako bilang asawa ng may ari. Gusto kong tignan nila ako bilang empleyado at ka trabaho"

"Teka, ano ba?" Pumagitna sa amin si Z habang hinahawakan si Sheya dahil parang nag iba na ang paningin niya sa akin



"Alam mo Heavy, parang sumusobra ka na ata. Halata namang naiinggit ka sa akin! Halata namang nagseselos ka sa amin ni Zamiel kaya ka nag-a-acting na hindi umuuwi ng bahay at pa galit galit. Di ba? Sabihin mo! Oras mo na to para sabihin hindi yong mag iinarte ka jan----"


"Sheya!" Napatigil ito ng sumigaw si Zamiel

"Bakit Zamiel? Totoo naman di ba? Siguro Plano rin niya na magkita talaga tayo na kasama niya si Red. Alam mo Heavy nakakasawa rin maging mabait, inintindi naman kita ah? Hindi ko naman inagaw ng lubos si Zamiel para umasta ka na parang inagawan. Binibigyan ka ng oras ni Zamiel pero lumalayo ka kaya wag kang magseselos kung nakikita mong masaya si Zamiel sa akin at hindi sayo-------"



"I SAID ENOUGH!" Tuluyan kong nabitawan ang hawak kong bag at nanghina


"Bago ka magalit Zamiel, pwede bang pagsalitain mo muna ako? Matagal na kasi ang ganitong issue nating tatlo. Kung sira na ang relasyon niyo ni Zam Heavy wag mo namang idamay pati relasyon namin. Balak mo pang magpakamatay kagabi? Ha, grabe ka!"

Naramdaman ko agad ang panginginig ng mga tuhod ko at ang paglikot ng mata ko. Napahawak ako sa isang wall ng maramdamang babagsak na ako.

"Sheya, anong yang mga sinasabi mo?" Galit na tanong si Z habang hinaharap si Sheya


"Zamiel nakakapagod na kasing mag drama sa pamamahay nato! Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko, pagod na pagod na akong mag adjust. Pwede bang siya naman?"

Naririnig ko pa ang mga sigawan nila pero pahina na iyon ng pahina sa pandinig ko dahil umaakyat na ako ng hagdan.

Agad akong nagpalit ng damit at kahit nanginginig ang mga kamay ko pinipilit ko paring maayos ang sarili ko. Pinipigilan kong magtuloy tuloy ang patak ng mga luha ko dahil ayokong muli itong mamula.

"H! H! Open the door! Mag usap tayo!" Tuluyan na akong napasalampak sa sahig dahil sa malakas na suntok ni Z sa pinto.

"H! H!"

Hindi nagtagal napatumba na ni Zamiel ang pinto sa mismong harap ko. Mas lalo lang lumalim ang galit ko sa sarili ko ng tuluyang na akong humagulgol ng malakas.


Sobrang sakit. Ang sakit sakit ng sinabi ni Sheya. Mga salitang ibinagsak niya sa mismong harapan ko. Ang hirap huminga ang hirap lumunok, ang sakit sa dibdib tagos sa likod ko.



"H, listen to me" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para magkatagpo ang mga mata namin.


"Hindi totoo ang mga sinabi ni Sheya okay? Nadala lang siya ng inis niya dahil buntis si Sheya H, buntis siya" Tuluyang nahulog ang puso ko at ang masakit wala ng sumalo.

Hindi na si Z ang sumalo sa nabasag kong puso kundi sahig na lang. Napatigil ako sa paghagulgol ko at inalis ang kamay ni Z sa pisngi ko.



"A-aalis na ako"

"No, no you will not. Please H, kilala mo naman si Sheya di ba------"


"Sabi mo pa nga sa akin noon, hindi sinungaling si Sheya. Kaya ano pang ibig sabihin ng mga sinabi niya? Kung naging tanga man ako hindi naman ako bobo Zam" Kinuha ko ang bag ko saka ko siya nilagpasan


Nakita kong umiiyak si Sheya sa sala pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglabas. Saka tumakbo at sakto namang may taxi na dumaan.



"Surprise!" Nabigla ako ng makita si Gael, Gen at Chan na nasa loob din ng taxi. Si Chan ang nagmamaneho.

Pero kung nabigla ako mas nabigla sila  dahil nagtuloy lang ako sa paghagulgol. This time sobrang lakas na, ang sikip sa dibdib.

Ang sakit lang, yong tipong hindi ko alam kung saan ang sasapuhin mabawasan lang ang sakit. Kakaiba siya sa mga sakit na minsan ko ng naramdaman. Sakit na kaya ko ng tapusin ang buhay ko wag ko lang uli maramdaman to.

Muslimqueen09








That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon