Kabanata 40: Be Happy

68 2 0
                                    

Kylene P.O.V

Balik sa dating buhay ko, trabaho dito trabaho don. Kailangan mo lang uli maging bukas sa mga taong handang tumulong upang makalimutan mo ang lungkot. Minsan kung sino pa ang mga taong nasaktan mo sila pa itong magiging dahilan sa pagbangon mo.

Nakangiti akong nakatitig kay R habang nag uusap sila ni Gen, nasa canteen kami at nagmemeryenda. Kami lang ata na table ang sobrang ingay kahit tatlo lang kami.

“Nga pala R, narinig ko na nagselos ang girlfriend mo kay Kylene” Natahimik kami sa sinabi ni Gen

Nagkatinginan kami ni R pero agad din akong umiwas. Nahalata ko na rin iyon pero hindi ko na lang pinapansin, talaga ngang nagselos ang girlfriend niya. Sa ilang buwan kasi na dumadaan muli naming naibabalik ni R kung anong meron kami dati at natutuwa ako duon pero kung may tao mang masasaktan ayoko na rin namang ipagpatuloy.

“Naninibago lang iyon sa inyo” Sagot ni R kay Gen

Hindi na rin ako nagsalita at na una ng bumalik sa trabaho sa kanilang dalawa. Naiintindihan ko naman ang girlfriend niya pero wala naman akong intensyon na pagselosin siya. Siguro kailangan ko lang ibahin ang personal na buhay sa trabaho namin.

“Dah!” Hindi pa ako nakalalayong tawag ni R sa akin

“Yes Sir?”

“Wag mo ng pansinin si Layne, di magtatagal magiging close din kayo non” Saad niya habang sinasabayan na ang paglalakad ko

“Ayokong masira kung anong meron kayo ni Layne ngayon” Napatigil siya sa sinabi mo kaya tumigil na rin ako sa paglalakad

“Dah naman” Napangiti ako sa naging reaksyon niya

Minsan talaga kahit pa gustuhin mo, hindi mo na uli maibabalik ang dati. Si Layne ang naging sandigan ni R sa panahong sinaktan ko siya kaya siguro ganon na lang kahirap kay Layne tanggapin na magkatrabaho kami ni R.

“Ayokong umabot sa puntong kailangang masaktan si Layne dahil lang sa akin R, kaya hanggat maaari may distansya pa rin. Sana maintindihan mo” Ginulo ko lang ang buhok niya saka na una ng lumakad palayo sa kinatatayuan niya.

Sa halip na sa office ni R ako magtungo dahil duon din ang office ko bilang secretary niya, dumiretso ako sa restroom at nakita ko si Gen na nakatayo sa labas na para bang may hinihintay.

“Alam kong dito ka pupunta” Saad niya ng makita ako

Kilalang kilala na nga niya ako. Siguro ang restroom lang talaga ang karamay ko sa tuwing hindi pa ako handang humarap sa tao. Sumunod si Gen sa pagpasok sa restroom at sabay naming hinarap ang mga sarili namin sa salamin.

“Itutuloy mo ba talaga ang desisyon mo?” Tanong niya habang nakatingin na sa repleksyon ko

Dahan dahan lang akong tumango. Sa tingin ko kasi kailangan ko iyon upang tuluyang maghilom. Kahit pa kasi ilang beses kong sabahing okay na ako, kahit pa ilang beses akong magpanggap na nakalimut na ako hinding hindi ko malilinlang sa sarili ko.

“Natanggap na ni Jibril ang annulment papers” Salita uli ni Gen

Natanggap ko na rin ang papers, pirma na lang naming dalawa at muli ko na uling magagamit ang apilyedo ko. Isa isa ko ng inaalis ang tali ko sa kanila, masakit man na kahit ang mga taong naging katuwang ko ay kailangang maapektuhan sa magiging desisyon ko.

Hindi natuloy ang dinner namin ni R dahil na una na kaming umuwi ni Gen, siguro naman sa naging usapan namin kanina alam na niyang hindi na talaga namin iyon itutuloy.

“Sa tingin mo ba hindi masasaktan si R na hindi man lang tayo nagpaalam sa kaniya?”

Napangiti ako sa tanong ni Gen. Halata namang kanina pa talaga siya may gustong sabihin kasi ilang beses niyang sinubukan pero napapaurong siya. Tungkol lang pala sa dinner.

“Ikaw na ang may sabi na nagseselos ang girlfriend niya”

“Pero kasi Kylene, bestfriend ka ni R. maiintindihan naman siguro ni-----“

“Gen, hanggat maari ayokong may gulo”

“Alam mo dahil jan sa kasabihan mong ‘ayaw mo ng gulo’ laging luhaan iyang mga mata mo. Ayokong magbago ka Kylene pero minsan hinihiling ko na lang na sana magbago ka dahil ako ang mas nasasaktan sa sitwasyon mo. Hindi kailanman naging selfish ipaglaban kung anong ikakasaya mo” Tagos sa likud ang mga sinabi ni Gen habang nakahiga kami sa park sa loob ng village.

“Hindi ako magiging masaya kung alam kong may nasasaktang iba” Mahina kong sagot kay Gen at pagalit na siyang umupo mula sa pagkakahiga at tinignan na ako.

“Kaya ayos lang isuko ang lahat ganon ba iyon Kylene? Okay sana kong iyong mga taong iniiwas mo sa sakit ay hindi iyong mga taong dahilan sa mga sakit na dinadala mo ngayon!”

“Minsan Gen kailangan mong sumuko at hintaying sila naman ang lumaban para sayo” Sa sinabi ko tuluyan kong binitawan ang ilang butil ng luha na kanina pang gustong umagos.

Habang iniisip ang katagang sinabi ko kay Gen di ko maiwasang maawa sa sarili ko. Hindi naman siguro ako naging masamang tao upang pagkaitan ng kasiyahan na tanging hinahangad ko.

Pero sadyang masakit magbiro ang tadhana at ang kailangan na lang nating gawin ay ang sabayan siya upang hindi mas maging malalim ang dulot ng biro niya.

“Wala akong ibang hinahangad kundi ang kasiyahan mo Kylene”

Ipinikit ko ang mata ko ng hawakan ni Gen ang kamay ko. Hindi ko na mabilang ang luhang patuloy paring umaagos.

“Saan ka man dalhin ng mga paa, lagi mong tatandaang hindi dito natatapos ang buhay mo. Maging masaya ka, kasi kaligayahan kong makita kang masaya”

Be happy.


Muslimqueen09

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon