Kabanata 3: Pretending

137 7 0
                                    

                     Heavy P.O.V

Nanghihina akong naupo ng makalabas sa operating room. May namatay na naman na pasyente. Alam ko namang ginawa namin ang makakaya namin pero hindi talaga niya kinaya. Ilang buwan din siyang nanatili dito sa ospital pero nawala rin pala siya, hinintay lang talaga niya ang anak na umuwi bago tuluyang sumuko sa laban. Bilang nurse masakit sa amin na may mamamaalam na pasyente pero minsan kailangan nating tanggapin na kahit anong pilit nating gawin hindi natin mapipigilan ang pag-alis ng isang tao.

Nagtungo ako sa rest room para manghilamos at maghugas ng kamay. Masakit man pero kailangan tanggapin, sabi nga nila 'the show must go on' at ganon ang mundo. Matapos mag apply ng lip gloss saka ako lumabas para mag lunch.

"Beh!" Tawag ni Gael sa akin. Beh tawagan namin dito ng mga kaibigan ko.

"Lunch na tayo beh" Saad ko ng makalapit dito.

"Ang sweet nila" Saad naman ni Gen short for Genelyn.

"Sweet ng ano?" Nagkatinginan naman silang dalawa sa tanong ko.

"Si Mr. Velez at Mrs. Velez the second" tukoy nila ka Zam at Sheya.

Ngumiti lang ako at di pinahalata ang hindi nila dapat mahalata. Nandito na naman pala si Z, ganon din naman siya sa akin lagi. Malapit lang kasi ang office niya dito kaya gusto niyang magkakasama kaming mag lunch. Pero humahanap talaga ako ng way para hindi sila makasabay.

"Ano ba kayo. Hindi niyo parin ba tanggap na responsibilidad din ni Z si Sheya dahil asawa niya ito-----"

"Bakit ikaw hindi?" Nakataas ang kilay na tanong ni Gael. Naiintindihan ko sila dahil saksi ang dalawang to kung gaano ko kamahal si Zam.

Classmate ko si Gael at Gen nong Senior high kami pati si Zam at school mate lang namin ni Sheya. Sinabi ko sa kanila na mula pa first year high school ay crush ko na talaga si Zam at pangarap ko talaga na maikasal sa kaniya kaya dream come true talaga ang nangyari na naging asawa ako ng isang Zamiel Ford Velez isang sikat na basketball player sa batch namin noon.

Mula pa man noon alam ko na rin na mahal ni Zam si Sheya. Saksi ako sa mga effort ni Zam dati para kay Sheya at nong first week matapos kaming ikasal ay nabanggit niya si Sheya. Isa iyon sa dahilan kung bakit ako hindi tumutol sa pagpapakasal nila.

"Ang mabuti pa mauna na kayong kumain, may gagawin pa ako------"

"O, kitams? Kanina ikaw ang nagyaya at ngayon nalaman mo  lang na nasa cafeteria din sina Zam at Sheya ayaw mo na? Bakit Heavy Cloud Cruz Velez the first, takot kang makita ang dalawa na sweet na sweet?" Sarkastikang tanong ni Gen na siyang nagpatahimik sa akin.

Ako takot?  Ngayon pa ba ako matatakot? Pinigilan ko ang sarili ko maging emosyonal. Napaka-brutal talaga nitong si Gen pero tama naman siya. May punto siya.

"Edi tara na sa Cafeteria" Nagpatiuna akong nagtungo sa cafeteria. Ayokong makita ng mga kaibigan ko na apektado parin ako. Alam kong nag-aalala pa rin sila sa akin.

Kagaya ng inaasahan,  agad silang nahagilap ng mga mata ko kahit nasa may dulo sila. Kitang kita ng dalawa kong mga mata ang mga taong titig na titig kina Zam at dinig dinig ng dalawa kong tenga ang bulong bulongan ng mga taong nakatingin sa kanila. 

"Ano beh, aatras ka na?" Si Gael naman ngayon. Alam ko namang hindi gulo ang intensyin ng dalawang to, alam kung tinuturuan lang nila akong wag umatras sa laban kung wala namang akong taong naaapakan.

"Vy!" Agad kong narinig ang sigaw ni Sheya habang nag sa sign na pumunta ako duon. Napabaling ako kay Z na nakangiti ring nakatingin sa akin. Masaya na kayo, di niyo na ako kailangan jan.

Umiling lang din ako at itinuro ang mga kaibigan ko na nagpapahiwatig na kasama ko ang mga kaibigan ko. Kaya nag thumbs up nalang silang dalawa. Ganiyan nga, magpakasaya kayo. Wag niyo akong alalahanin. Wag kayong magdalawang isip na gawin ang mga bagay kung ako lang ang  magiging dahilan. Gawin niyo lang yan ng harap harapan, ipamukha niyo sa akin at pinapangako kong masasanay din ako. Balang araw tatawa rin ako habang  pinagmamasdan kayong dalawa.

"Order na ako" Paalam ni Gen at sinundan naman siya ni Gael.  Humanap ako ng table na malayo sa table nila habang naglalakad nakakakuha pa rin ako ng atensyon.

Nawalan na ako ng gana kaya nag text na lang ako kay Gael na chocolate cake at iced tea na lang ang e order sa akin. Naramdaman ko ang pagtitig nina Gael pero ngumiti lang ako at wala naman silang nagawa kundi yon ang e order sa akin.

"Anong trip mo, Mrs. Velez the first " Haist. Bakit ba niya ako kailangang tawagin sa apilyedo na yon. Napatingin ako sa table nina Zam at nanlaki ang mata ko ng makitang nakatingin si Zam sa amin. Wala si Sheya, nag CR siguro.

"Ano ba, Gael" Saway ko

"Bakit yan lang kasi an enorder mo?  Lunch time ngayon hindi meryenda-----"

"May problema ba?" Napatigil sa pagbunganga si Gael ng hindi namin namamalayang nakalapit na pala si Zam sa amin.

"A-ah, wa-wala naman"

"Eh, kasi naman. Itong si Heavy Cloud Cruz Velez-------" Hindi na natapos ni Gael ang sasabihin niya ng takpan na ni Gen ang bibig niya at dinala sa labas. Hay, thank you Gen. Mapapatay talaga kita Gael. Wag ka ng magpakita sa akin.

Naupo si Z sa harap ko  ng hindi na bumalik ang dalawa. Ano naman kaya ang trip ng mga yon?

"Iyan lang ang lunch mo?" Simulang tanong nito.

"Ah, oo. Busog pa kasi ako pinilit lang talaga ako ng dalawang yon kasi tiyak na papagalitan ako ng mga iyon" Sinungaling na naman.

"Mabuti pa sila concerned sayo, eh ikaw? Tignan mo nga ang sarili mo, ang payat payat mo na H" Hindi ko  alam kung pinapagalitan ba niya ako o pinagsasabihan lang?

"H, wag puro trabaho. Ilang linggo ka na nga hindi  kumakain sa bahay, lagi ka na lang fast food" Napalunok ako sa mga sinabi niya.

"Honey, nandito ka lang pala" Si Sheya na kagagaling lang ng rest room.

"Oh Vy, iyan lang lunch mo?  Nasan sina Gen at Gael?" Tanong nito habang nakatingin sa mga inorder ng dalawa.

"Sayang nagdala pa naman si Honey ng favorite nating  dalawa.  Naubos ko na kasi nahihiya naman ako na kunin ka sa mga kaibigan mo" explain nito.

"Okay lang, wala naman akong ganang kumain. Ah excuse ha, hahanapin ko lang ang dalawang yon" Hindi ko na hinintay ang sagot nila at kinuha na rin ang wallet ko at nagmamadaling lumabas ng cafeteria.

Tumakbo ako papuntang rest room at di ko na talaga kaya, kaya hanggang sa pagsira na lang ng pinto ang nagawa ko at nagsilabasan na ang mga luha ko. Agad ko namang ni lock ang pinto at nagpahandusay sa pagkakaupo.

Mabuti pa nga ang mga kaibigan ko concerned sa akin, eh siya? Simula ng maikasal siya sa first love niya na greatest love niya nawala na ako sa paningin niya. Kung makapagsabi akala mo naman naging perpekto siyang asawa. Edi sana hindi ako nahihirapan ng ganito, sana hindi ako nasasaktan. Sana hindi ko kailangan magpanggap na masaya matakpan lang ang mga luha ko.

_muslimqueen09

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon