Kabanata 21: Meryenda

140 4 7
                                    

                   
                    Heavy P.O.V

Nakahawak si Z sa isang kamay ni Sheya habang nakahawak naman ang isa niyang kamay sa kamay ko. Naglalakad kami ngayon sa isang mall dahil gusto daw mag-ikot ikot ni Sheya.

Hindi ko makuhakuha ang kamay ko at halatang ayaw talaga niyang bitiwan. Kaya sinasabayan ko na lang ang lakad nila ni Sheya.

Siguro iniisip lang ng mga tao na magbe-best friends lang kaming tatlo dahil magkaka edad lang din naman kami.

Pumunta kami sa baby section at saka pa binitawan ni Z ang kamay ko kaya nag iba muna ako ng daan. Nagpunta ako sa mga shoes ng baby habang nasa mga damit naman sila.

Habang nasa kabilang station ako ng baby section nakasilip ako sa kanila, yong siguradong hindi nila ako mahahalata. Obvious sa mukha nilang dalawa ang saya habang kumukuha ng mga damit. Kahit hindi pa alam na babae o lalaking ang magiging baby nila pero gusto na raw ni Sheya mag shopping na kasama kami ni Z kaya no choice kami kundi samahan siya.

Ayoko naman talagang umabsent pero ayoko ring magtampo si Sheya. Sa kondisyon niya ngayon hindi siya pwedeng ayawan.

"H, hinahanap ka ni Sheya" Nilingon ko si Z na lumapit sa akin.

"Sabihin mo nandito lang ako" Sagot ko at muling ibinalik ang paningin sa mga shoes.

"Okay ka lang dito?"

"Yeah, I'm fine" I'm always fine Z, lagi.

Fine even though being fine is not really fine at all.

"Nasa mga damit lang kami" Tumango lang ako.

Ng makita siyang lumakad pabalik kay Sheya bago ko pa siya tinignan. Sana Z kung isang araw na magkaka-baby din tayo sa masamahan mo rin akong bumili ng mga gamit.

Naupo na lang ako sa isang couch sa loob ng store na yon ng makita ko si Red na naglalakad.

"Red!" Tawag ko. Huminto naman ito at lumingon saka bumuo ng ngiti sa labi.

"Miss you Red, hindi mo ako binibisita sa bagong work place ko"

"Balak sana namin bukas ni na Gael at Gen. Anong oras ka free, lunch?"

"Oo, hihintayin ko kayo ah"

"Ano pala ang ginagawa mo sa baby store?-----"

"H!" Naputol ang sasabihin ni Red ng bigla akong tawagin ni Z. Nasa labas na rin sila ni Sheya at nakabalot na ang mga pinili nila.

"Ah, kasama mo pala sila" Saad ni Red.

Hinawakan ko ang kamay ni Red at lumapit sa dalawa. Agad namang inalis ni Sheya ang paningin kay Red ng lumapit na kami at nag iwas din ng tingin si Z.

"Meryenda tayo?" Tanong ko sa kanilang tatlo at sabay sabay nila akong tinignan.

"Kayo na lang Heavy-----"

"Sasama ka, tara!" Hinila ko na ang kamay ni Red at nagpatiuna kami sa paglalakad habang nakasunod lang si Sheya at si Z sa likod.

Pumasok kami sa isang coffee shop sa loob din ng mall at umorder ng lumapit ang waitress.

"Sobrang tagal na ng huli nating pagsasama sa pagmemeryenda" Simula ni Red dahil kanina pa walang umiimik sa aming apat.

"Yeah, matagal na nga" Sang ayon naman ni Z. Hindi mapagkakaila na miss na rin nila ang isa't isa. Mataas din ang pinagsamahan ni Z at Red bilang mag best friend.

"Bakit ka pa bumalik?" Napabaling kami kay Sheya sa naging tanong niya kay Red.

Nakita ko ang paghawak ni Z sa kamay ni Sheya. Hinawakan ko rin ang kamay ni Red na nasa ilalim ng mesa.

"I mean, kung babalik ka hindi mo naman kailangang magpakita pa sa amin"

Naikuyom ko ang isang kamay ko sa sinabi ni Sheya. Tinignan ko siya sa mata pero nakatitig siya kay Red at halata ang inis.

"Sheya" Mahinang tawag ni Z dito.

"Hindi ako bumalik para magpakita sa inyo at mas lalong hindi sayo" Sagot ni Red na hindi inurungan ang masamang titig ni Sheya sa kaniya.

"Kunting respeto naman sana Sheya sa kaibigan ko. Hindi ko siya inembetang magmeryenda kasama niyo para pag-usapan ang naging nakaraan niyo" Hinila ko si Red palabas sa coffee shop nayon at good thing hindi naman iya pumalag. Nagpahila lang siya sa akin hanggang sa malalabas kami ng mall at nagtungo sa parking lot para kunin ang kotse niya.

Huminga ako ng malalim ng tuluyang makapasok sa kotse nito. Malungkot kong binalingan si Red na nakapatong ang ulo sa manibela.

"I'm sorry Red" Tinapik ko ang braso niya

"It's okay Heavy. Hatid na kita sa bahay niyo"

"No, umuwi ka na lang. Magtataxi na lang ako pa uwi"

"Ihahatid kita"

"I insist Red" Wala siyang ibang nagawa kundi ang tumango at pinagmasdan lang akong lumabas ng kotse niya. Pero bago siya tuluyang umalis tinulungan pa niya akong makakuha ng taxi. Gentleman pa rin talaga ang isang Red na kaibigan ko.

May saya dahil nagkita uli kami ni Red, may galit dahil sa inasta ni Sheya kanina. Hiyang hiya tuloy ako kay Red, kung sana nag-iba na lang kami ng landas at di na sinama ang dalawang yon. Sana hindi malulungkot si Red ngayon, panigurado kasing didibdibin na naman yon ni Red. Hindi pa siya nakaka move on kay Sheya.

Inis na inis akong pumasok sa bahay at di ko akalaing mauuna na naman sila. Sabagay naging matagal din ang pag-uusap namin ni Red sa kotse niya. Dahil kailangan ko muna siyang libangin at iaalis yon sa kaniyang isip kahit alam kong malabo.

Ng makita ko sila sa sala sobrang sama ng tingin ni Sheya sa akin at hindi ako takot sa paningin niyang iyon.

Padabog itong umakyat sa taas at nilampasan ako na may sinasabi na hindi ko maintindihan.

"Galit na galit yon" Saad ni Z matapos naming marinig ang napakalakas na pagsara ng pinto sa taas.

"Sana hindi mo na siya iniwanan ng ganong salita H" Napalingon ako kay Z sa sinabi niya.

"Kasalanan ko pa yon Zam? Ipinagtanggol ko lang naman si Red dahil bisita ko siya don. Respeto lang naman-------"

"I know pero H, alam mo naman ang sitwasyon ni Sheya right?"

"So ganon? Hahayaan na lang natin siyang bastusin ang mga tao dahil lang sa ganon ang sitwasyon niya?"

"Hindi sa ganon-------"

"Anong hindi sa ganon, eh ganon na rin ang pinapalabas mo!"

"H, listen to me first"

Pinilit kong pakalmahin ang sarili kong kunting minuto na lang ay sasabog na sa galit.

"Hindi mo naman kailangang ipagtanggol si Red eh, ang akin lang naman ayokong magkaalitan uli kayo ni Sheya"

"Kaibigan ko si Red Zam, hindi ko kayang umupo na lang don at hahayaan siyang pagsalitaan ni Sheya ng masasakit ng dahil lang sa naging nakaraan nila! Hindi naman ako ang nauuna sa mga naging alitan naming dalawa" Bumuntong huminga si Z sa mga sinabi ko

"Wag mo sanang iisipin na sinisisi kita kaya galit si Sheya---------"

"Yon na yon Zamiel, yon na ang pinaparamdama mo sa akin pero tandaan mo hinding hindi ako magsosorry sa kasalanang hindi ako ang gumawa" Galit ko siyang tinalikuran at nanginginig sa inis na umakyat ng hagdan.

Naabutan ko si Sheya na nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto niya. Mag kaharap kasi ang pinto ng bawat kwarto namin at kahit ayokong lumapit sa kaniya wala rin akong choice dahil nasa harap din siya ng pinto ng kwarto ko.

Halata namang narinig niya ang mga palitan namin ng salita ni Z. This time hindi ko na aalalahanin kong narinig man niya ang mga sasabihin ko dahil wala naman akong sinabi na hindi totoo.

Ni hindi ko siya binigyan ng isang tingin hanggang sa makapasok ako sa kwarto. Wala na akong paki kung umiyak man siya ng magdamag. Sana naman marealize niya ang naging mali niya.

Aminin ko man o hindi, halata naman siguro na galit ako. Galit na galit ako.




Muslimqueen09

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon