Kabanata 22: This Time

109 5 0
                                    

  This chapter is dedicated to kyrieline02 thank you talaga sa pagsuporta.              


                  Heavy P.O.V

"Siya naman iyong kinakampihan mo di ba? Don ka na lang sa kaniya! Total kasalanan ko naman, kasi nga mas kinakampihan mo siya!"

Pilit kong pinabangon ang sarili ko dahil sa mga sigaw na naririnig ko sa katapat ng kwarto ko.

"Sheya naman, isipin mo naman ang baby natin" Halata na ang inis sa boses ni Z.

Lumabas ako ng kwarto at natumba sa harap ng pinto ng biglang mabasag sa ulo ko ang vase na inihagis ni Sheya.

"H!" Napamulat ako ng mata ng narinig ang boses ni Z. Napahawak ako sa ulo ko at may dugo na umaagos mula dito.

"Vy, Vy I'm sorry" Nanginginig na saad ni Sheya.

Inalis ko ang mga kamay nila at tumayo mag-isa. Umiikot ang paningin ko at ramdam ko na ngayon ang sakit sa bandang tinamaan. Malakas kaya ang pagkakahagis niya sa vase.

Nanghihina akong umupo sa kitchen ng makuha ang first aid kit at humarap sa salamin.

"H, hindi sinasadya ni Sheya ang nangyari" Hindi ko pinansin si Z at nagpatuloy sa paggamot sa ulo ko.

Ang sakit!

"H, magsalita ka naman" Itinigil ko ang ginagawa ko at tinignan siya sa mata. Hindi ko alam kung anong klaseng tingin ang binigay ko sa kaniya.

"Ako naman ang dahilan kung bakit kayo nag-aaway di ba? Deserve ko lang to!" Saka uling bumaling sa salamin.

"H, hindi ginusto ni Sheya ang paghagis niya sayo. Dapat kasi sa akin yon pero umilag ako at sakto namang paglabas mo sa kwarto. Sana maintindihan natin ang sitwasyon ni Sheya"

"Lagi naman, iyong kailangan natin siyang intindihin kahit minsan nakakasakit na siya ng iba" Natahimik siya sa sinabi ko kaya iniligpit ko na lang ang mga gamot.

Napahawak ako sa may gilid ng hagdan ng parang umiikot ang paligid ko. Nahihilo na naman ako at alam niyo yong feeling na kinakailangan kong imulat ang mata ko kahit takot ako sa mga makikita ko dahil umiikot ang mga bagay na nakikita ko kasi walang aalalay sa akin.

Iyon yong masakit!

Dahan dahan akong umakyat sa hagdan hanggang sa tuluyan akong makapunta sa tapat ng kwarto.

"Vy, I'm really sorry. Hindi ko talaga sinasadya, maniwala ka" Pagsusumamong saad nito.

"Alam ko She, tanggap ko rin naman yon. Kasi alam ko na ako ang dahilan ng away niyo. Pero sana kung galit ka sa akin wag si Z ang awayin mo, dumiretso ka na sa akin" Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko.

Pero hindi ko pa tuluyang naiisasara ang pinto ng kwarto agad akong napatakbo ng banyo dahil nasusuka ako.

"Vy! Vy!" Agad akong nasundan ni Sheya at hinimas himas ang likod ko

"Zamiel! Zam!" Sigaw ni Sheya

Napahawak ako sa ulo matapos masuka. Ang pait ng laway ko, ang sama sama ng pakiramdam ko.

"H, anong nararamdaman mo?" Nag-aalalang tanong ni Z at walang pasabing binuhat ako papunta sa kama.

Nakita ko naman si Sheya na pumasok sa kwarto na may dalang tubig at inalalayan ako para makainom.

"Salamat" Saad ko saka huminga ng malalim.

"Papunta na si Doctor Gonzales" Saad ni Z at tinutukoy nito ay ang family doctor nila.

Hinihimas himas ni Sheya ang kamay ko dahilan para mabawasan ang sama ng pakiramdam ko.

Ilang minuto pa ang lumipas dumating na si Doc. Gonzales kasama ang assistant nurse nito. Lumabas na rin muna si Z at Sheya.

"Kumusta ang pakiramdam mo ngayon?" Tanong ni Doc.

"Medyo okay na po, pero kanina nahihilo po talaga ako. Actually ilang araw ko na rin itong nararamdaman" Saad ko.

May ilan lang cheneck si Doc sa akin at nagtanong ng tanong sa mga nararamdaman ko nitong mga nakaraan araw.

Matapos ang isang oras ay lumabas muna ang nurse nito at pumasok naman si Z at Sheya.

"May sakit po ba ang asawa ko Doc?" Agad na tanong ni Z pagkapasok.

"Mr. Velez, she's 2 weeks pregnant" Agad akong napaangat ng tingin ng marinig ang sinabi ng Doctor.

Agad kong binalingan si Sheya at Z na ngayon ay parang natulala. Tama nga ang hinala ko, pero binalewala ko kasi ayokong umasa.

"Bawal kang magpakapagod Mrs. Velez, ibibigay na rin ng nurse ang mga vitamins mo" Dinig kong saad ng Doctor at hinatid na ito ni Z palabas.


"Did you hear the good news Vy, you will having a baby" Saad ni Sheya at niyakap ako.

"Kukunin ko muna ang mga vitamins na ibibigay ng nurse okay? Take a rest na" Hindi pa ako nakakasagot ng nagmamadali na itong lumabas ng kwarto.

Oo, yong mga panahong laging nag-aaway si Z at Sheya, yong panahong nakikitulog si Z sa kwarto ko. Hindi ko akalaing sa isang gabi na iyon ay may mabubuo.

Masaya ako para sa sarili ko, gusto ko ito. Pero bakit hindi ko ramdam ang saya ni Z? Bakit iba ang reaksyon niya sa akin sa naging reaksyon niya ng malamang buntis si Sheya?


Praning na ba ako?

"Magiging masaya ang parents ko oras na malaman nila ang magandang balita" Sila lang ba Z? Ang daddy ba ng baby ko ay hindi magiging masaya?

"I'm so happy, dalawang baby agad ang biniyaya sa akin. Alhamdulillah such a wonderful blessing"

Napatigil kami sa pag-uusap ni Z ng makarinig kami ng paghikbi. Nagkatinginan kaming dalawa dahil alam naming galing iyon sa kwarto nila ni Sheya.


"Puntahan mo siya" Utos ko at nagmamadali naman siyang lumabas.


Kahit naman ngumiti si Sheya ng abot hanggang langit hindi niya maitatago ang nararamdamang sakit sa natanggap na balita.

"Masasanay ka rin baby" Saad ko habang nakahimas sa aking tiyan.

Nasasanay na nga ako at alam kong masasanay ka rin. Basta kumapit ka lang ng mahigpit at wag magpapaapekto sa itinatagong sakit sa puso ng mommy.

Good news ito para sa akin at masakit dahil alam kong bad news para sa kanila. Hindi ako tanga at mas lalong hindi ako manhid para hindi maramdaman ang naging reaksyon ni Z at Sheya kanina. Hindi ko man alam ang iniisip nila pero pansin ko naman ang naging kilos nila.

At kahit kanina ko pa gustong umiyak ay pinipigilan ko. Ayokong isipin ng baby ko na umiiyak ako dahil sa alam kong ipinagbubuntis ko siya. Habang nasa sinapupunan ko pa siya dapat ko ng ipakita na matatag ako at sabay na naming lalabanan ang mga pagsubok.

This time hindi na ako mag-iisa. This time hindi ko na hahayaang muling mawala ang baby ko. This time hindi na sakit na dulot nila ang makakapaghiwalay sa amin. This time I'm gonna make sure na hindi mararamdaman ng baby ko ang pakiramdam ng maging second choice.

Muslimqueen09

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon