Kabanata 20: Proud

115 4 2
                                    

                             Heavy P.O.V

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata kong nakapikit at muntik ko ng ikabigla na nakayakap na pala ako kay Z. As in, yakap yakap namin ang isa't isa at di ko naman siya magawang tignan dahil mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Limang minuto ko ring hinayaan ang sarili kong yakapin ng mahigpit ang asawa ko. Sobrang tagal na ng huling yakap namin ng ganito habang natutulog.

Kung itinuloy ko ang pag-alis ko, malamang hindi ko na uli mararamdaman ang yakap nato. Kaya kahit masakit, hindi ko itutuloy. Dito ako masaya, ang makita siyang masaya.

Dahan dahan kong inalis ang kamay niya pero mas lalo itong humihigpit kaya nahihirapan akong ialis ang kamay niya.

"Stay still, wife" Nanlaki ang mata ko ng magsalita siya. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko at para akong maiihi sa nararamdaman ko.

Kanina pa kaya siya gising? Kanina ko pa rin kasi pinaglalaruan ang mga daliri niya. Ni hindi man lang siya nagsalita o gumalaw.

"Maka wife ka jan, sige na tayo na" Idinaan ko na lang sa biro para hindi masyadong mahalata ang pagkailang ko.

Napalunok ako ng halikan niya ako sa noo at ang tungkil ng ilong ko. Nakakadiri man yon para sa akin, pero kinilig ako. Promise!

Tumatawa siyang tumayo at nag-inat ng katawan habang inaayos ko naman ang kama. Binuksan niya ang bintana para pumasok ang sikat ng araw.


Ganitong ganito ang daily routine namin dati pagkagising sa umaga. Kung hindi ko iisipin ang mga nangyari kailan lang, parang wala namang nagbago. Pero balik-baliktarin man ang universe hindi na mababago na hindi lang sa akin umiikot ang mundo ni Z.

Sabay kaming lumabas ng kwarto at mapatigil kami sa pag-uusap ng madatnan si Sheya sa labas ng kwarto niya na nakatayo. Sobrang putla ng mukha at parang wala sa sarili.

Agad namang naalis ni Z ang kamay niyang nakaakbay sa akin at nilapitan si Sheya.

"Sheya, are you okay? May nararam-----" Hindi matapos ni Z ang tanong niya ng tuluyang humagulgol si Sheya sa harap namin.

"Sheya, may masakit ba sayo?" Tanong ko at hinawakan ang noo niya baka may lagnat pero wala naman.

Pinasok namin siya ni Z sa kwarto nila at pinaupo siya para mahimasmasan.

"Sobrang takot ko kagabi, wala akong kasama" Parang batang sumbong nito. Nagkatinginan naman kami ni Z sa sinabi nito.

"Hindi ko naman sinabi na wag kang matulog sa loob ng kwarto, hinintay kitang pumasok kagabi. Kaya ngayon umalis ka na!" Nag-iba na naman uli ang timpla ng boses niya.

Kung kanina para siyang batang nagsusumbong ngayon si Sheya na uli siya na buntis at galit na naman siya kay Z.


"Lumabas ka na!" Sigaw na nito habang iyak pa rin ng iyak.


"I'm sorry okay,sabi mo kasi hindi ako pwedeng pumasok-----"

"At nakinig ka naman?!" Putol ni Sheya sa explanation ni Z.

"Okay, I'm sorry"

"Lumabas ka na sa kwarto ko, alis!" Pati tuloy ako napaatras sa sigaw niya.

"Sheya, hindi ako aalis hanggat hindi tayo nagiging okay. Ang baby natin nahihirapan pag ganyan ka" Nagsusumamong saad ni Z.

"Hindi ka aalis?" Matigas na saad ni Sheya.

Ganito na ba kasilan ang pagbubuntis niya para umasta ng ganito? Pero dapat talaga namin siyang intindihin baka kung ano pang mangyari sa baby nila. Ayokong mangyari kay Sheya ang nangyari sa baby ko. Ayokong maramdaman niya ang ganong sakit. Dahil sobrang sakit non.



Wala kaming nagawa ni Z kundi ang lumabas at nakatunganga lang kami ngayon sa kitchen habang nakaupo.


"Pasensya ka na Z, galit tuloy si Sheya sayo. Kung sana hindi na lang kita pinilit papasukin sa kwarto-------"

"H, wag mong akuin ang kasalanan. Isipin mo, buntis si Sheya kaya siya ganyan okay? Wag na wag kang aako ng kasalanan na hindi mo ginawa" Saad niya habang nakahawak sa mga kamay ko.


"Mas lalo pa sigurong lalala ang iba't  ibang mood ni Sheya kung ganitong makikita niya tayo na magkasama" Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko.

"I mean, baka magselos siya" Dugtong ko.

"Wag naman sanang umabot sa ganyan, nasa ganyang point na tayo dati at ayoko na uling maramdaman na lumalayo ka sa akin H" Halatang takot ito habang sinasabi yon.

Wala rin akong ibang nagawa kundi ang tumango at tumugon sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

Simula ngayon, simula ngayon hinding hindi na kita susukuan Z. Mahal kita, mahal mo ako dahil ramdam ko yon at alam ko.

Sabay kaming naligo sa magkatabing shower sa banyo. Actually isa lang talaga ang shower pero ginawa naming dalawa dahil kahit naman mag-asawa na kami kinakailangan pa rin namin ng personal privacy.

Dinalian ko naman ang pag-aayos ko, okay lang na ma late ako basta masigurado ko lang na maiiwanan ko si Sheya ng pagkain. Gustuhin man din kasi ni Z wag iwan si Sheya pero kailangan niya munang personal na mag excuse sa office nila.



Iba ang office ni Z sa pagiging architect engineer niya at sa pagiging CEO sa family companies nila. Kaya alam kong sobrang hirap yon kay Z, lalo na nong nagkakagulo pa kami.

"Sheya, papasok ako" Paalam ko at tuluyang pumasok sa kwarto nila. Nakahiga pa rin siya at halatang bagong ligo.

"Kainin mo na tong breakfast mo para ma take mo na ang vitamins mo. I'm sure gutom na si baby" Ni hindi man lang ito gumalaw para tignan ako kaya ako na ang umikot sa pwestong makikita ko ang mukha niya.


"Sheya, this is just a piece of advice at sana mamarapatin mo. Anak niyo yan ni Z, at nangangailangan din si baby ng yakap ng ama. Wag mong hahayaang yang mood swing mo ang magiging dahilan ng pag-iyak mo dahil lang sa galit ka kay Z sa simpleng galaw niya. Pero hindi naman yan napipigilan dahil parte yan ng pagbubuntis lalo sayo na first time pero sana hindi aabot na hindi ka na matutulog sa tamang oras at hindi iinom ng vitamins o kakain. Isa ka ring nurse at alam kong alam mo yon. Kung gaano ka kagaling mag-alaga ng pasyente, please doblehin mo yon para sa sarili at sa baby niyo ni Z. Masilan ang pagbubuntis mo Sheya, nananabik na si Z magkaruon ng anak. Pangarap niya yan at gusto ko maibigay mo yon sa kaniya" Habang nagpapatuloy ako sa pagsasalita, isa isang nagsisilabasan ang mga luha niya at sinasabayan niya ito sa paghimas sa tiyan niyang umuombok na.

Kinuha niya ang dalawa kong kamay at dinala sa mamasa masa niyang pisngi.


"Pag labas ng baby ko, gusto kong ikaw ang magiging fairy God mother niya. I want my baby to call you mother"

"It's an honor, She" Nakangiti kong tugon. Matagal ko na rin siyang hindi natatawag sa napagkasunduan naming tawagan. Vy sa akin at She sa kaniya.

Sabay naming nabalingan si Z na maluhaluha pang nakamasid sa amin. Ngunit kahit mamulamula ang mata niya sa luha, halatang ngiting ngiti ang mata at labi niya.


Lumapit siya sa amin ni She at sabay kinuha ang mga kamay namin at dinala sa labi niya ng magkasabay.

Gusto kong maiyak. Pero hindi pwede, ayoko pa ring isipin nila uli na mahina pa rin pala ako.


"I love you both" Tuluyang bumagsak ang isang patak ng luha ni Z.

Inilapit niya ang mukha sa tiyan ni Sheya habang nakahalik pa rin sa kamay ko. Hindi ako nagkamaling mahalin ang isang Zamiel Ford Velez.


And I am proud to be his first wife.


Muslimqueen09

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon