Kabanata 16: Flashback

124 4 0
                                    

                      Heavy P.O.V

Masigla pa rin akong umuwi ng bahay kahit wala akong kasiguraduhan kong ano na naman ang mangyayari. Hindi ko alam baka may mas sasakit pa pala sa nangyari kagabi.

Nakita ko ang sasakyan ng parents ni Z sa garage na nakapark kaya malamang nandito sila. Mas kailangan ko tuloy doblehin ang sigla ko para hindi sila magduda.

Wala silang alam sa nangyayari sa amin dito at alam ko namang walang balak ipaalam ni Z sa parents niya. Sabi pa nga niya, problema namin to.

"Talaga? Wow! I can't believe this, I'm so so happy!" Agad napatigil ang mga paa ko ng narinig ang sobrang sayang boses ng mommy ni Z.

"Yes Inah, she's two weeks pregnant" Sagot ni Z na halata din ang saya sa boses.

(Inah ay Muslim words para sa mommy o mama)

"I'm so happy son" Ngayon boses naman ng dad nito.

Hindi ko nagawang pigilan at sumilip ako mula sa bintana. Hindi ko magawang e explain ang sayang nararamdaman ng parents ni Z sa ibinalita nito sa kanila.

"Kumusta ang pagbubuntis mo, hija?" Tanong ni mommy at hinagod hagod pa nito ang buhok ni Sheya.

Ganong ganon siya sa akin, aaminin ko man o hindi. Hindi ko maikakailang nagseselos ako. Ang saya ng mommy at daddy nito at ganon din si Sheya at Z.

"Critical po pero lagi naman akong nag-iingat" Sagot ni Sheya.

"Be sure hija, this will be my first apo and I'm so excited to meet him" Natatawang saad ng mommy ni Z.

"Bakit him?" Tanong ng daddy ni Z sa mommy nito.

"Well, okay lang naman kung girl o boy. Its still a blessing from the Almighty God pero gusto ko boy kasi siya ang magmamana ng lahat lahat"

Umalis na ako sa pwesto ko at naupo sa may likod ng bahay. Masyado silang masaya para magpakita pa ako.

Ang baby nilang dalawa ang mas kokompleto pa sa kanila at magiging critical lang ang oras ni Z kung sasali pa ako.

Napangiti ako ng mapait. Minsan na naming pinangarap yan ni Z dati. Minsan na rin yang pumasok sa isipan ko at di ko inaasahang hanggang sa isipan lang pala yon.

Kaya nga dapat ngayon pa lang, unti unti na akong mawawala sa kanila. Hindi ko man alam kung anong magiging reaksyon ng parents ni Z sa desisyon ko pero sana maintindihan nila. Kagaya sa pag-intindi ko sa naging desisyon ng anak nila.

"Hinahanap ka ng Inah at Amah" Nabigla ako sa pagsulpot ni Z. Tinutukoy nito ang parents niya.

"Nakita kita kanina na sumisilip" Nakangiti niyang saad dahilan sa pagyuko ko.

Napansin niya pala yon, edi ako ng nahiya sa ginawa ko.

"Tinignan ko lang naman kung sino ang kausap niyo, baka may dala kayong mga pulis at ipakukulong niyo pala ako. Di ba?" Tsk, nagawa ko pa talagang magbiro.

Di ko inaasahang mapapahalakhak siya sa sinabi ko. Siya pa rin pala si Z na sa simpleng biro ko ay napapahalakhak.

"Na miss ko yan" Saad nito matapos tumawa.

"Sorry, hanggang miss na lang kasi yon" Saka ako umirap sa kaniya pero hindi irap na galit kundi irap na may ngiti.

Lalagpasan ko na sana siya ng mahawakan niya ang kanan kong kamay dahilan sa pagtigil ko.

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon