Kabanata 36: Apology Accepted

153 4 6
                                    

             

                    Genelyn P.O.V

Nauna ng pumasok si Kylene sa trabaho, galing kasi akong bangko nagdeposit ng last sweldo ko bilang teacher sa account ko. Espesyal ang pinag-iipunan namin ni Kylene ngayon dahil para to sa first trip namin abroad na magkasama.

Hindi lang namin yon pangarap dalawa, pangarap namin iyong tatlo. Umiba lang ang ikot ng mundo pero hindi masisira ang pangarap namin kahit nalagasan ng isa.

Masakit ang ulo ni Kylene pero pinilit pa rin niyang pumasok. Ilang gabi na siyang umiiyak sa iisang dahilan. Wala naman akong nagawa para ibsan ang sakit na dinadala niya.

Masakit lang tanggapin na mismong kaibigan namin ang dahilan ng hirap na dinadala niya.

"G-gen" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ng agad naman niyang hawakan ang kamay ko at hinarap ako.

"Gen, please. We need to talk" Nagmamakaawa niyang saad.

Labag man sa kalooban ko pero hinayaan ko na lang siyang hilahin ang kamay ko at naupo kami sa isang bench sa loob ng park.

"Kumusta na si Kylene?" Napatawa ako ng plastic sa tanong niya.

"Tinatanong mo kung kumusta si Kylene? Seryuso?" Taas kilay ko ring tanong sa kaniya.

"Wala ka ng karapatang malaman iyon, hindi ka niya kaibigan!" Walang preno kong saad sa pagmumukha niya.

Alam kong masakit, pero wala iyon sa sakit na idinulot niya kay Kylene.

"Gen, mali ba na minahal ko si Jibril?" Napatingin ako sa kaniya sa naging tanong niya.

"Gael maling mali! Simula pa lang Gael alam mo ng mali! Asawa siya ng kaibigan natin, kahit naman pwedeng mag-asawa hanggang apat si Jibril hindi  maiaalis na asawa siya ni Kylene!"

Nagsisimulang pumatak ang mga luha niya habang ipinapamukha ko iyon sa kaniya.

"Gael, masaya ka ba?" Ako naman ngayon ang nagtanong.

"Iyong totoo Gen, oo. Ang saya saya ko, sobrang saya ko ng pakasalan ako ni Jib. Ang saya saya ko na mahal ako ng taong mahal ko" Umiiyak niyang salita.


"Ang selfish mo! Sobra. Naisip mo man lang ba si Kylene? Ha? Gusto mo bang ikaw lang ang masaya? Tsk, naging kaibigan ba talaga ka namin?"

"Gael, sinira mo lahat. Hindi lang pagkakaibigan natin kundi buong pagkatao ni Kylene" Dugtong ko.

"I'm sorry, I'm sorry" Hikbi niyang saad.

"Hindi ka dapat sa akin mag sorry, kay Kylene Gael. Siya ang winasak mo ng buo!"

Iniwan ko na siyang humahagulgol duon.  Pero habang papalayo, palabas din ng palabas ang luha ko.

Na miss ko siya.

Gustong gusto ko siyang yakapin pero kung iisipin ang ginawa niya mas pipiliin kong iwan siya kesa ang yakapin siya.

                      Kylene P.O.V

"Gen, bakit ang tagal mo?" Tawag ko kay Gen ng makitang kakarating lang nito.

"Ah, ano. Maraming tao sa bangko tapos traffic pa" Sagot nya na hindi man lang ako tinitignan.

"Sige, kita na lang tayo mamaya" Paalam ko at nagtungo na sa top floor. Ang aga kong pumasok kahit masakit ang ulo ko para humingi ng tawad kay R sa ginawa ko kahapon. Nadala lang talaga ako sa galit ko.


Bubuksan ko na sana ang office ni R ng bumukas ito mula sa loob at isang babae ang bumungad sa tingin ko. Pinauna ko muna siyang lumabas bago pumasok sa loob at nakita ko si R na hindi man lang ako tinignan.

"Good morning Sir" Bati ko pero parang wala lang siyang narinig.

Mamaya na lang ako hihingi ng sorry pag hindi na siya nagtatrabaho. Alam kong medyo masakit sa part niya ang mga sinabi ko kahapon. Ako na nga ang tinutulungan ako patong na galit.


Ayoko lang kasing sumali pa siya sa sakit ng buhay ko. Minsan na siyang nasaktan dahil sa akin at ayoko na siyang masaktan ng dahil lang din naman sa akin. Hindi niya deserve magkaruon ng kaibigan na katulad ko.


Siguro hindi na talaga namin maibabalik ang nakaraan. Sinayang ko ang isang R na maalagaing kaibigan. Bakit pa kasi niya ako minahal? Hindi ko naman deserved ang pagmamahal niya.

Napabaling kami sa babaeng lumabas kanina ng pumasok uli ito na kay lawak ang ngiti sa labi at mata.


"Babe, we have a family dinner mamaya. Mommy and Dad want you to be there" Saad nito kay R.

Ng balingan ko si R nakangiti itong nakatitig sa babae. Babe eh, siguro girlfriend niya.


"Sure, I'll be there at exactly 7 pm. Thank you for inviting me babe"

"I love you, now I have to go don't forget to eat your meryenda. I baked that for you, I loved you so much" Saad ng babae bago ito tuluyang lumabas.

Kita kong napapailing si R kasabay ng ngiti sa labi. Kinikilig siya. Napangiti na lang din ako habang tinitignan siya. He deserved that happiness at naibigay iyon ng girlfriend niya na hindi naibigay ng best friend niya.


Biglang nawala ang ngiti niya ng mabaling sa akin ang paningin niya. Umiwas na lang ako ng tingin at hindi na nagsalita.

"Ahmm, Sir. Pinapapapirmahan po pala ng finance departmekptnt sa inyo" Salita ko sabay lahad ng hawak kong folder sa kaniya.

Agad naman niyang kinuha ito at pirmahan saka ibinalik sa akin. Galit nga ata siya sa akin, well dapat naman talaga siyang magalit sa akin sa ginawa ko kahapon.


Naibalik ko na sa finance department ang folder pero si R ganon pa rin ang posisyon. Pirma ng pirma ng patong patong na mga papers sa table niya. Ang taas na nga talaga ng narating niya.

Naupo na uli ako sa table ko at tinapos ang ene-encode ko. Kanina ko pa to sinimulan pero di ko pa rin natatapos dahil sa mga calls na natatanggap ko na si R ang hinahanap.


Napatingin ako sa kaniya ng tumayo na siya na parang aalis na dahil quarter 7 na nga.


"Ahmm, Sir. Can we talk?" Tawag ko sa kaniya ng lalabas na sana siya.

"Speak" Napalunok ako sa isang salitang iyon.

"I'm sorry, ka-kahapon. Galit lang ako non" Paumanhin ko. Hinarap niya at hindi ko alam kung anong emosyon ang nasa mata niya. Galit pa rin ba siya?

Naglakad siya palapit ng palapit sa akin. Hindi ko alam ang gagawin niya pero baka susuntukin niya ako.

Nabigla ako ng hilahin niya ang kanang kamay ko dahilan para mapayakap ako sa kaniya. Naririnig ko ang tibok ng puso niya, nararamdaman ko ang paghinga niya.


"Akala ko hindi ka na mag so-sorry sa akin" Napangiti ako sa sinabi niya.

"Kung ganon hinintay mo lang ang sorry ko?" Inis kong tanong na tinawanan lang niya.

"Sige na, baka ma late ako. Bye" Saka siya lumabas ng tuluyan.


"Bye!" Pahabol ko.


Biglang bumukas uli ang pinto at sumilip ang ulo ni R.


"Nga pala, apology accepted" Saka niya tuluyang isinara ang pinto. Narinig ko pa ang halakhak niya.


Napangiti na rin ako.


Muslimqueen09

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon