Kabanta 27: Anniversary

226 3 15
                                    

                    Heavy P.O.V

Umupo ako at niyakap ng mahigpit ang unan ko. Hindi sapat ang pag-iyak. Hindi sapat na luha lang ang kapalit ng bawat sakit.

Hindi ata umabot ng isang oras ang tulog ko. Dahil sa bawat pikit ko ng mata ko nakikita ko si Z. Nakikita ko siyang umiiyak habang nakaluhod sa harap ko.

*Tok Tok Tok*

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ng may kumatok. Ayoko pang makipag-usap. Kaya para hindi marinig ang katok nila sa pinto inilagay ko sa tenga ko ang headphone at nagpatugtog.

Mas lalo pang nag-unahang lumabas ang luha ko ng kanta ni Moira Dela torre ang tumugtog. Malaya.

Malaya na siya. Malaya na kaming dalawa simula ngayon.

...Pasensya na kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay

Kaya sa natitirang sigundong kayakap ka
Maaari bang magkunwari akin ka pa

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw paglipas ng gabi

Hindi pipilitin ang di pa para sa kin
Baka sakaling maibalik

Malaya ka na
Malaya ka...

Hinayaan ko ang sarili kong humagulgol at damhin ang sakit ng kanta. Alam kong mas lalo lang nitong pinapalalim ang sakit na nararamdaman ko pero gusto ko ito eh. Gusto kong damhin bawat sakit, gusto kong damdamin lahat lahat.

Kasi gusto ko ng matapos ang sakit na ito. Gusto ko na siyang iwan sa pamamahay na ito. Kaya hanggat kaya kong ilabas, ilalabas ko ng sabay sabay.

...Susuko na ang sandata aatras na sa laban
Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita

Mahirap ng labanan mga espada ng orasan
Kung pipilitin pang lalo lang masasaktan

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit...

"Hija, open the door!" Agad kong naialis ang headphone sa tenga ko ng marinig ang boses ng mommy ni Z sa labas.

Nakauwi na pala sila? Nasa states kasi sila nitong mga nakaraang buwan. Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim bago binuksan ang pinto.

Hindi lang si mommy ang bumungad sa paningin ko kundi lahat ng pamilya ni Z. Ang mga kaibigan ko, lahat sila nakatingin sa akin.

Bakit sila nandito?

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon