Kabanata 28: Reality

139 2 6
                                    

                          Kylene P.O.V

Araaay! Bakit ang sakit ng likod ko? Bakit namamanhid ang mga binti ko? Ilang ulit kong iginalaw ang kamay ko na parang naninigas.

Isa isa kung iminulat ang mata ko at puting kisame ang bumungad sa paningin ko. Napabaling ako sa kamay ko na may nakaturok papunta sa dextrose na nakasabit sa taas.

Anong nangyari?

Nasa Cebu na ba ako?

"Ky-Kylene? Kylene!" Tumakbo si Genelyn na para bang ngayon niya lang ako nakitang nagising.

Ba naman yan, Gen.

"Kylene, ang tagal kong hinintay ang araw na to" Umiiyak niyang saad.

Kylene?

Bakit Kylene?

"G-Gen?"

"Bakit? Ma-may masakit ba sayo? Teka, tatawag muna ako ng-------"

"Sinong Kylene?" Napatigil siya sa pag labas sa itinanong ko at dahan dahan akong binalingan.

"Ano uli yon?" Tanong niya

"Bakit mo ako tinawag na Kylene?" Nanlaki ang mata niya na parang may mga tanong na nabubuo sa utak niya.

"Ikaw, ikaw si Kylene" Saad niya sabay lapit sa akin.

"Ikaw si Kylene Zia Santillan Malik" Kilay ko naman ngayon ang nagsalubong sa binanggit niyang pangalan.

"Gen hindi ako nagbibiro" Kinakabahan ako sa mga pinagsasabi niya. Baka nakainom lang siya.

"Kylene hindi rin ako nagbibiro, ikaw si Kylene"

"Ako si Heavy Cloud Cruz Velez, hindi si Kylene" Napatayo na siya at umiiling.

"Ako kilala mo naman ako di ba? Sino ako?" Natataranta niyang tanong.

"Si Genelyn" Napahinga siya sa sagot ko.

"Oo ako nga si Genelyn at ikaw si Kylene" Pagpupumilit niyang saad.

"Hindi Gen, hindi ako si Kylene. Ako si Heavy at isa pa bakit ako nandito? Sa Cebu na ba to? Anong nangyari sa akin? Na crushed ba ang sinasakyan kong eroplano?" Napaatras siya sa mg tanong na sunod sunod kong binitawan.

"Kylene" Wala siyang ibang na sagot kundi ang sinasabi niyang pangalan ko.

Hindi ako baliw okay? Si Heavy Cloud ang pangalan ko. Hindi si Kylene!

Napabaling kami sa pinto ng pumasok ang doctor at nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Mrs. Malik" Saad niya ng makalapit sa akin.

Ako ba ang tinawag niya? Mrs. Malik?

"Sa tagal mong tulog siguro naman hindi ka na uli matutulog" Saad uli nito na may ngiti sa mata at labi.

Joke ba yon?

"Bakit Doc? Ilang araw na ba akong natutulog dito?" Curious kong tanong.

Hindi ko gets, okay? Di ba dapat papunta na ako ng Cebu? Inihatid pa ng ako ni Red sa airport at sumunod pa nga si Gael at Gen don. Tapos, hindi ko na alam ang nangyari.

Naaksidente ba ako?

"Hindi lang araw, dalawang taong kang coma Mrs. Malik" Nasalubong ko ang seryusong mata ng Doctor sa sinabi niya na parang ilang ulit nag echo sa tenga ko.

Dalawang taon?

"Mrs. Malik, hindi muna kita bibiglain. May mga espasyalista na papupuntahin ko para e check ka. Pero alam mo ba kung anong pangalan mo?"

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon