Kabanata 30: His Son

113 5 0
                                    

                        Kylene P.O.V

"Alam mo minsan naalis ng mga estudyante ko ang pagod ko pero minsan dinadagdagan nila ang stress ko" Natatawa kong saad kay Genelyn habang pauwi na kami.


"Ganyan talaga" Sagot niya na humihikab na rin.

Naglalakad lang kasi kami dahil sa labas na kami nag dinner at nagpa take out para kay nanay at tatay.

"Alam mo Gen, sa panaginip ko nong coma pa ako. Isa tayong mga Nurse, tayong tatlo ay nurse. Di ba yon talaga ang pangarap natin? Ang maging nurse" Malungkot kong balik sa pangarap namin noon.

"Oo nga eh, nurse na nga ang mga ilan sa ka batch natin nong senior high school natin. Kilala mo pa si R? Iyong tinatawag ni Gael sayo na 2000?"


Bigla akong napangiti ng maalala iyon. Si 2000, na saan na kaya siya? Ang tagal na rin mula ng magkita kami.

"Doctor na ata yon ngayon eh" Dugtong ni Genelyn.

"Baby don't run, wait for me" Dinig naming sigaw ng isang babae.

"Aw!" Nabangga ako ng lalaking bata na siguro 3 years old pa lang. Tuloy tuloy ito sa pagtakbo na mas malakas pa ata ang lakad ko kesa sa takbo niya. Ang cute.

"Jemiel! Baby come back!" Napahinto si Gen kaya napahinto na rin ako. Dahilan para mauna ang nanay ng bata sa amin.

"Yaya dalian mo------" Napatigil siya sa pagtawag sa tinawag niyang yaya ng magkatagpo ang paningin naming tatlo.

Gael?

Nanlaki ang mata niya na parang hindi inaasahan na makikita niya kami. Ganon din naman kami, hindi namin inaasahan. Ang layo na nga niya tapos babalik pa siya ng Pinas?

"Ma'am si Jemiel!" Sabay sabay kaming napabaling sa bata na muntik ng masagasaan.

"Anak, I told you not to run" Mahinahong saad ni Gael sa tinawag niyang anak.

Gusto ko pa sanang manatili upang makita ang mukha ng bata pero hinila na ako ni Gen. May anak na pala siya, anak nila ni Jibril.

Wala kaming imikan habang naglalakad pa rin. Medyo napalayo na ang paglalakad namin dahil nag iba na naman kami ng daan. Duon sana ang pinakamalapit papunta sa bahay.

"Sabi ko na nga ba si Gael iyon? Boses pa lang niya kilala ko na" Salita ni Gen habang nakatingin lang sa daan.

"May anak na pala sila ni Jibril" Walang ka emosyon kong saad. Naramdaman ko ang pagkahawak ni Gen sa kamay ko pero hindi ko ito pinansin.


"Nong sinusundan ni Jibril si Gael at iyong sinundan mo rin sila, buntis si Gael non. Kaya siya sinundan ni Jibril" Kwento ni Gen

Mabuti pa sila may anak na. Mabuti pa si Gael, may asawa na siya may anak pa.


"Bakit Kylene?"

"Wala lang, naalala ko lang ang baby ko. Siguro kung nabuhay siya magkasing edad na sila sa anak ni Gael" Buntong hininga akong ngumiti ng mapait.

"Alam mo Kylene, may reason si God kung bakit hindi niya binuhay ang baby mo. Kasi kawawa si baby kung dalawang taon siyang hindi makakadede sa mommy niya tapos wala pa ang daddy niya" Mas lalo akong naiyak sa saad ni Gen.

"Gen, masama ba akong asawa?" Tumigil si Genelyn at hinila ako para tumigil din sa paglalakad.

"Ano bang klaseng tanong yan Kylene" Saway ni Gen

"Anong maling ginawa ko? Naging masama ba akong asawa? Naging masama ba akong kaibigan? Bakit ko pinagdadaanan to?!" Hagulgol kong tanong.

Parang nakikita ko ang sarili ko ngayon sa sitwasyon ni Heavy sa panaginip. Ganitong ganito din ang paghagulgol niya.

"Kylene, hindi maibabalik ng tanong mo ang lahat. Sorry pero hindi ko rin masasagot ang mga tanong mo. Si Gael at Jibril lang ang makakasagot niyan"

Galit kong pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. Bakit hindi ko matupad tupad ang pangako ko sa sarili ko? Hindi na nga ako iiyak kung sila lang din naman ang magiging dahilan.

Hindi ko na nga sila kilala at hindi ko na sila kikilalanin pa. Sapat na ang luha, sapat na ang sakit na pinaramdam nila.

"Kylene, hindi ka magiging masaya kung nakatali ka pa rin sa nakaraan" Pukaw ni Gen sa akin.

"Kylene, kung makikita mo man sila dahil nandito na sila sa Pinas. Wag na wag kang magpapaapekto dahil hindi sa lahat ng pagkakataon kasama mo ako at ipaglalaban ka. Ipakita mo sa kanila na iba ka na sa Kylene na minahal nilang dalawa. Na amnesia ka Kylene iyon ang ipakita mo sa kanila, kung maari umiwas ka na lang. Buksan mo uli ang puso mo, hindi lang si Jibril ang lalaki sa mundo at hindi lang si Gael ang kaibigan mo" Niyakap ko si Gen at umiyak ng umiyak sa balikat niya.

Huli nato. Hinding hindi ko na uli sila hahayaang saktan ako uli. Ayoko ko na uling umiyak!

"Kylene, may rason lahat ng nangyayari. Sa ngayon hinahanap pa lang natin ang magiging kasagutan sa tanong mo"

"Ang sakit sakit lang kasi Gen, halata naman ang saya saya na ni Gael. Alam kong ganon din si Jibril dahil may anak na siya. Eh ako? Hanggang ngayon dugmok na dugmok pa rin! Kinalimutan na ba talaga niya ako? Di ba dapat nasa tabi ko siya ng mga panahong walang wala ako at comatose ako? Di ba dapat paggising ko sa dalawang taong kong walang buhay ay siya iyong unang taong makikita ng mga mata ko? Dahil siya ang inaasahan ng puso ko?!"


"K-Kylene" Nanginginig ang boses ni Gen habang hinahagod ang likod ko.

"Gen" Mas lalo pang lumakas ang pag-iyak ko.

Ang sarap sarap kasing umiyak. Sobrang sarap umiyak at sumigaw. Isigaw lahat ng hinanakit ko sa kanila.

"Iiyak mo lang lahat ngayon. Iiyak mo na rin ang luha na para kay Jibril oras na magkita kayo para kahit magkita kayo ay wala ka ng luhang mailalabas para sa kaniya dahil hindi nila deserve kahit isang patak ng luha mo"




Muslimqueen09

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon