Kabanata 34: The Beginning of End

77 4 0
                                    

                  Kylene P.O.V

"Genelyn! Genelyn! Si Jibril to!"

Napahinto ako sa paglalaba ng marinig ang sigaw na iyon. Si Jibril? Anong ginagawa niya dito sa bahay ni Gen?

"Jibril?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gen. Hindi niya ata nakita si Jibril kahapon.

"Bakit hindi mo pinaalam sa akin na walong buwan ng gising si Kylene at wala na sa hospital? Bakit hindi mo ako tinawagan? Bakit mo pinigilan ang doctor na tawagan ako upang sabihin na gising na si Kylene?!" Ramdam ko ang galit sa boses ni Jibril dahil sa sigaw nito.

"Gen bakit? Bakit ngayon ko pa lang nalaman? Bakit ni text man lang wala kang naibalita sa akin?!  Sagotin mo ako!!-----"

"Wag na wag mong sisigawan si Genelyn" Putol ko sa sigaw niya.

Agad namang napako ang paningin niya sa akin. Sinenyasan kong paalisin si Gen na sinunod naman niya.

"Pumunta ka ba dito para manigaw? Sino ka ba sa inaakala mo?" Nanlilisik ang matang tanong ko sa kaniya.

"K-k" Namumula ang mga mata niya ngayon.

"Hindi ako si K, ako-- ako si Kylene!" Pinilit kong wag mautal at maiayos ang salita ko wag lang niyang mahalata na naiiyak ako.

"K hindi ko alam, hindi ko alam na------"

"Papano mo malalaman kung hindi ka man lang tumatawag o bumibisita?! Sabihin mo nga sa akin? Di ba dapat ikaw ang unang taong makakaalam non, DI BA?! Pero Jib na saan ka? NA SAAN KA NG MGA PANAHONG KAILANGANG KAILANGAN KITA!!" Tuluyang pumutok ang galit ko at nauwi sa luha.

"Sana man lang kahit sulat meron, sana man lang kahit isang dalaw meron, sana kahit tawag meron! Sana nandon ka Z, sana nandon ka ng takot na takot ako, sana nandon ka ng ilang gabi akong hindi makatulog! Sana nandon ka ng wala akong maigalaw kahit isang parte ng katawan ko, sana nandon ka habang binabanggit ko ang pangalan mo! Sana! Sana!" Mas lalong nanikip ang dibdib ko dahil nakikita ko sa kaniya si Zamiel. Ganitong ganito ang actual na away namin. Ganong ganon ang pagpatak ng luha niya habang binubulyawan siya ni Heavy.

"Wag mo na ring banggitin ang tungkol sa inyo ni Gael. Oras na nalaman ko iyon, tanggap ko na. Apilyedo mo na lang ang dala dala ko ngayon. Simula ng mag states kayong dalawa, kinalimutan ko na kayo" Mata sa mata kong sabi sa kaniya.

"Kung alam ko lang sana, matagal na sana akong umuwi"

"Kailangan ba gising ako saka mo lang ako babalikan? Ganon na ba ako ka walang kwenta sayo? Jib hinintay kita, magtatalong taon na iyon pero ni anino mo hindi ko nakita"

"Kakarating ko lang mula States K, kahit gusto ko hindi ako makaalis" Salita niya sa gitna ng pagbuhos ng mga luha niya.

"Wala akong pakialam" Sagot ko.

"K, kung alam ko lang. Kung alam ko lang-------"

"Masaya ka na, masaya na rin ako. Wag na nating ituloy ang kwentong matagal ng tapos. Umalis ka na" Turo ko sa kaniya palabas.

"K------"

"Umalis ka na! At wag na wag ka ng babalik dito! Ipapaalala ko lang sayo na oras na sigawan mo uli ang kaibigan ko, ako na ang makakalaban mo!" Saka ko makalakas isinara ang pinto.

Nanghihina akong sumandal at wala akong nagawa kundi huminga ng malalim ka sabay ng luha ko.


"Kylene" Mahinang tawag ni Genelyn sa akin. Nakikita ko ang awa niya sa akin mula sa mga mata niya.




"Kasalan ko" Siya naman ngayon ang umiyak.


"Gen, desisyon ko ang hindi mo sabihin kay Jibril. Wala kang kasalanan" Nilapitan ko siya at pinaalam sa kaniya ng paulit ulit na wala siyang kasalanan.



"Nandito na siya Kylene, magtatagpo na uli ang mga daan niyo" Salita niya ng mahimasmasan na kami sa pag-iyak.



"Wala ng kami Gen, hindi lalaon pati apilyedo niya mawawala na rin sa pangalan ko"

Ito na ang simula ng pagtatapos.

Muslimqueen09

That Should Be Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon