Chapter Two

1.6K 198 46
                                    


"Leslie, ipapaalala ko lang.. bawal ang childish do'n." Paalala ni kuya.

Argh! Nakakainis. I know I'm childish sometimes, pero minsan lang talaga. Mabilis akong mag tantrums, I'm a crybaby too. But for pete's sake! I can hadle myself, I'm already a woman not just a little girl.

We're on our way to Birthstone Academy. And of course, gaya ng napag usapan ay kasama namin ang stepsister kong si Sabrina. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nasa kanya ang apelyido namin, apelyido ko! Panay nanaman ang paalala ni Liv sa akin kanina habang hindi nakaharap si Daddy at Kuya Luke, kesyo 'wag ko daw gagawan ng masama yung anak niya kundi malalagot daw ako sa kanya. Like WTF? Ako pa talaga ang may gagawing masasama sa kanya?

"For pete's sake, kuya. I'm not a child anymore." Sabi ko naman sa kanya, he's driving his own car. Binigay 'to ni Daddy sa kanya.

"Yeah, I know. You're not a child anymore, pero yung paraan ng pag i-isip at pag galaw mo minsan ay.. alam mo na." Pang a-asar nanaman niya, pasalamat siya at nag da-drive siya ngayon kaya inirapan ko lang siya.

Binuksan ko nalang ang stereo niya dito sa kotse niya, sinabayan ko naman ang tugtog at kumanta pa.

"Can you please keep quiet, Leslie? Ang ingay mo, natutulog ako." Masungit na sabi ni Sab. Ghad, konti nalang talaga ay makakahiwalay na ako sa kanya. Tss.

Sa halip na tumigil ako ay mas sinadya ko pang laksan ang boses ko na ikinatawa naman ni kuya. Inis na tinignan ako ni Sab, yung tipong parang sasabog siya sa inis.

"What the f? Can't you see I'm sleeping?! Are you blind or stupi--" Hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil nagsalita na rin si Kuya.

"Titigil ka o papalabasin kita dito?" Tanong niya, napatigil siya dito.

I smirked, buti nalang talaga at kakampi ko si Kuya. Yeah, saka lang ako magaling o matapang kapag andiyan si Kuya Luke. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko kapag pati siya kinuha at nawala sa akin.

"Whatever."

Literal na napanganga ako maski na nasa labas palang kami, nakaharap kami ngayon sa dalawang naglalakihang gate. Maski nasa labas palang kami ay napakaganda ng tignan nito, hindi ko maiwasang mamangha.

Maski na umaga ay nakita ko ang pag ilaw ng isang pulang ilaw, tumunog yung sasakyan ni kuya, ganon rin yung pinang galingan nung pulang ilaw. Biglang bumukas yung gate.

Ah.. so It means, kilala na kung kaninong kotse 'to kaya bumukas yung gate?

Akala ko ay isang gate lang ang papasukan namin pero hindi pa pala. May isang gate pa na nakaharang para sa pag pa-parkingan ng mga sasakyan. Kagaya kanina ay may umilaw at tumunog nanaman bago makapasok 'tong kotse ni kuya.

"Baba na." Aniya na ikinagulat ko.

"Seriously, Kuya?" Taka akong napatingin sa kanya.

"Yeah. Kaya nga nag park na tayo, e. Hanggang dito nalang 'tong kotse, hindi 'to pwedeng ipasok sa loob dahi--"

"Hindi ka na pwedeng lumabas, maliban kapag natapos na ang school year?" Pangunguna ko na sa kanya.

"Yeah. That's right, li'l sis. Both of you, bumaba na kayo. May magdadala ng mga gamit natin sa loob, don't worry." Sabi pa ni kuya kaya wala kaming nagawa ni Sab kundi ang bumaba nalang.

As I said, sabi ni kuya ay hindi na kami pwedeng lumabas kapag nakapasok na kami dito. Medyo natakot pa ako nung una, ang creepy kasi. Parang yung sa Hell University ni kuya KIB sa wattpad, alam niyo 'yon?
Pero wala naman daw ako dapat ikatakot. Tinatanong ko kasi sa kanya kung bakit at paano, paano edi wala kaming mabibilihan ng mga kung anu-ano dito? Basta daw nasa loob lang ng Birthstone Academy ang sagot.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon