Chapter Twenty Nine

977 96 1
                                    

I can’t explain the pain I felt when Nathaniel told me kung ano ang napag usapan nila. Now he hates me? Ngayon siya na rin ang umiiwas? Damn, why am I even complaining? Pagkatapos ng ginawa ko ay hindi ko alam kung gusto niya pa akong makita. That time ay hindi nalang ako umiimik, kahit na pilit ko pinipigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

I should be happy, right? Dahil mas mapapadali na sa’kin ang lahat gayong hindi na kami ang magkapartner. But I can’t.. Hindi ko na siya kapartner also means, hindi na siya ang magtuturo sa’kin ng archery, hindi ko na siya makikita at makakasama araw araw, kapag nagkataon nalang ay kapag nagkasalubong kami. He’s too busy. Damn it, Leslie Venice, umayos ka.

“The head mistress said that after our finals, we can go home earlier than the other students.” Kuya said while browsing on his phone.

I took a sip in my iced coffee, I just gave him a nod.

“That’s great.”

I’m really happy, tho. Makakauwi na kami, maaalagaan ko na si daddy and magiging updated na rin ako sa situation niya. Pero hindi ko ineexpect na magiging ganto kami ni Seth bago pa ako umalis dito sa academy. I thought magiging ayos pa rin kami even though hindi na kami.. pero mukhang iniiwas niya na rin ang sarili niya sa akin.

“It looks like you’re not happy, what’s your problem again this time, Leslie?” Kuya asked, napayuko lang ako.

He sighed.

“It’s about the pairing ano?”

Si Nathaniel ang napalit na maging kapartner ko, It’s not bad naman dahil lagi naming pumapasok sa top ten every activity kapag si Nat ang kasama. Ayos lang naman sa’kin maski na sino, pero iba pa rin ‘pag si Seth.

“D-Do you know about his reason?” I asked.

Tumingin siya sa’kin, hindi na siya nagulat, yung tingin niya parang nagsasabi na ‘I knew it’. Kuya Luke knows me too well.

He shooked his head.

“Maybe he wants to focus on his duties in this academy, you both agreed to this situation, hindi niyo mapaninindigan iyon kung nagkakasama pa rin kayo araw araw.” Kuya Luke said, he’s damn right.

“Seth’s really having some difficulties, naninibago ako sa kanya. Hindi siya makapag focus minsan.”

Napapikit ako ng mariin, I let a loud sigh.

“Ganon kalakas epekto mo sa kanya.” Dagdag pa niya.

“Nangongonsensya ka ba, Kuya?” Sabi ko at bahagya pang napairap.

Alam naman niyang ayaw kong naririnig o nakikitang nahihirapan si Seth, hindi ko kayang makita siya sa ganong sitwasyon, lalo na’t alam kong wala dapat siya sa ganong sitwasyon kung hindi dahil sa’kin.

“I’m not, sinasabi ko lang epekto mo sa kanya because I can see kung paano rin ang epekto niya sayo. Leslie, tell me honestly, do you really want to leave this academy?” He asked, while looking intently in my eyes.

“Kuya, of course! Gusto ko ng umuwi, gusto ko ng maalagaan si daddy.” I answered.

Tumango tango siya.

“I know about that, li’l sis, I know that you want to take care of dad. But do you already realize what will you leave here kapag tuluyan mo ng nilisan ang paaralang ‘to?”

That shuts me up.



“Leslie,”

I was fixing my armguard when Nathaniel called me, hindi niya kasama si Dannah ngayon, siguro ay nasa open field na kasama ang mga ka-sezione niya. Buti nalang ay nagawa ko makatulog ng maaga kagabi, kuya’s really an ass, ginugulo niya ang utak ko.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon