Chapter Twenty Two

980 133 8
                                    


"Nahanda mo na ba lahat ng gamit mo?" Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng biglang may magsalita.

Si kuya Luke lang pala.

"Yup. All things up, and I'm ready to go." Nakangiti ko namang sagot sa kanya.

"Excited?" Tanong niya bago umupo sa kama ko.

"Yeah? Makakalabas na ulit ako e." Sabi ko habang iginigilid yung maleta ko.

"Hindi naman siguro kayo tatakas ni Seth 'no?" Tanong niya na ikinalaglag ng panga ko.

Seriously, kuya? He's thinking that we will run away?

"Of course not." Sabi ko naman habang naka kunot noo pa.

Isang maliit na maleta lang ang dadalhin ko dahil dalawang araw lang naman kami sa labas, tapos isang backpack lang kung saan nakalagay yung mga personal hygiene ko. Dadalhin ko rin yung DSLR ko in case na may time pa kami para maglibot kahit na napaka imposible dahil dalawang araw lang 'yon.

"Make sure. Lagot ka sa akin kap--"

"Wala kaming gagawing masama, kuya." Paninigurado ko sa kanya.

He sighed saka siya tumango tango.

At saka, hello? May mga kasama pa rin kami. We will act normal, like a normal students na magkakaroong ng observation. Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin alam yung dahilan kung bakit kami pang dalawa yung napili.

Ipinaliwanag na sa amin kanina kung anong gagawin namin bukas, uupo lang kami, ipapasyal kami at ipapaliwanag sa amin kung ano nga ba ang ginagawa ng mga emplayado sa isang kumpanya. Sa tingin ko ay hindi naman kami mapapagod do'n at wala naman kaming masyadong gagawin dahil 'observation' nga lang daw. Pero kailangan ko ng matulog ng maaga dahil maaga ang alis namin bukas

Bago ko maipikit ang mga mata ko ay nag vibrate pa yung phone ko. Si Seth iyon, nag goodnight pa ang mokong. Nag goodnight nalang rin ako sa kanya saka ako natulog.

Saktong alas sais ng umaga ng magising ako, tutal naka gayak na ako ng mga gamit na dadalhin ko kagabi ay naligo nalang agad ako, mamaya nalang ako kakain sa dining hall.

I wore my color pastel above the knee dress saka yung keds ko na sapatos. Siguro naman ay hindi naman kami agad didiretso doon sa company kaya makakapag bihis pa ako ng mas presentable later.

Pagkatapos kumain ay lumabas na ako sa building namin hila hila yung maleta ko, habang naka sukbit naman yung isang strap ng backpack ko sa balikat ko.

"I thought you're going to be late again." Hindi na ako nagulat ng bigla nalang sumulpot si Seth na mukhang hinihintay akong lumabas.

Bakit hindi siya pumasok sa loob? Himala.

Kinuha niya yung backpack ko saka niya isinukbit sa balikat niya, hindi naman na ako naka angal dahil alam kong sasamaan niya lang ako ng tingin. Baby blue naman yung color, ayos na 'yon.

"Kumain ka na?" Tanong niya. Tumango naman ako.

"Let's go then." Aniya.

Sumakay na kaming dalawa sa golf cart niya, pupunta na kami ngayon sa main hall.

He's wearing a white polo na naka unbutton pa yung first two button ng polo niya, and a black pants. Damn. Summer na ba?

"It's too early to stare, miss." Aniya habang naka ngisi, inirapan ko lang siya. He just chuckled.

"Wala na ba kayong naiwan?" Tanong ni Sir Aries sa amin, siya kasi ang sasama sa amin para sa observation.

Sinabi naming wala na kaya naman sumakay na kami sa van nitong Academy, sobrang luwang nito sa loob kaya kahit na tig iisang layer pa kami ng uupuan, pwede rin kaming mahiga, pero ito namang si Seth ay nakitabi pa sa akin pwede namang doon nalang siya sa kabila para solo niya rin.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon