Chapter Twenty Four

938 136 30
                                    


"Ang ganda naman ng ngiti mo ngayon." Panunuya ni Dannah, ngumiti lang naman si Nathaniel na tila nang aasar rin.

We're here at the library, may pinagawa kasing activity, ang sabi ay dito daw mahahanap ang sagot. As usual, sila na naman ang magkatabi. Third wheel here.

"Inaya kang mag date ni Seth ano?" Tanong ni Nathaniel. Napangiti naman ako at napatango.

Damn. He's my boyfriend now pero grabe pa rin yung kilig ko kapag inaaya niya akong mag date. Maybe I'm just weird sometimes.

Kinagat kagat ko ang dulo ng ballpen ko dahil sa pagpipigil ng ngiti.

"E nasaan ba yung boyfriend mo ngayon?" Tanong ni Dannah. Agad namang nawala ang ngiti ko dahil do'n, naibagsak ko pa ang ballpen na hawak hawak ko.

"Busy." Simple kong sagot. Napasipol naman si Nathaniel.

These past few days, lagi siyang busy e. Kung hindi may meeting, lagi siyang pinapatawag ng head mistress. Actually silang dalawa naman ni kuya, pero parang mas busy siya dahil halos lagi ko pa ding nakikita si kuya. Samantalang siya ay puro text at chat nalang kami, kaya naman nakaramdam ako ng excitement ng ayain niya ako para mag date bukas. Feeling ko tuloy ay first time na naman naming mag date dahil ang tagal naming hindi nagkasama.

I badly miss him..

Mukha namang napansin ni Dannah ang pagsimangot ko kaya she tried to lighten up the mood. She's really my bestfriend.

"Milktea tayo later? Sagot ko!" She said. Ngumiti at tumango lang naman ako sa kanya.

Bigla namang nagsalita si Nathaniel. Ginulo niya yung buhok ni Dannah bago siya nagsalita.

"Hindi naman pwede 'yon. Ako nalang manlilibre for the both of you." He said with matching kindat pa. Abnormal talaga.




From: Ethan

Where are you? Wala ka na sa classroom.

I automatically smiled when I saw his name popped up on my phone. Hindi ko na muna pinansin 'tong dalawang kasama ko na naglalambingan sa harapan ko.

To: Ethan

We're here at the milktea house.

From: Ethan

And you're with?

To: Ethan

Dannah and Nathaniel :)

Ilang minuto na at 'di pa rin siya nagrereply kaya naman ibinaba ko na muna ang cellphone ko at uminom sa milktea ko. Nakatingin pa yung dalawa sa akin at nagkibit balikat saka nag usap ulit, napakunot noo naman ako. Weirdo.

From: Ethan

Want to catch up?

To: Ethan

Where? Sa'n punta?

Limang minuto ang itinagal bago siya mag reply, siguro ay may ginagawa 'to pero nagagawa pa ding mag text. Tsk tsk.

From: Ethan

Your place or mine? You're free to choose, baby ;)

Napasamid naman ako dahil sa reply niya.

"Okay ka lang?" Tanong ni Dannah. Awkward akong tumango.

Bakit parang naiimagine ko yung nakakalokong ngiti ni Seth? Paniguradong nakangisi na naman ang loko ngayon. Hindi agad ako nakapag reply, siguro ay mamaya nalang dahil paniguradong busy naman siya ngayon.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon