Chapter Twelve

1.1K 163 36
                                    


Nagising ako dahil sa pag sakit ng ulo ko, pagmulat ko ay nasa loob na ako ng aking silid. Naalala kong lumabas pala kami kagabi ni Seth, tapos naabutan kami ng ulan nung madaling araw na, kaya-- wait, dapat basa yung damit ko pero.. pero, bakit iba na yung damit ko? Sinong nagbihis sa akin?! Hindi naman siguro si Seth 'no?

Siya lang naman ang kasama mo hanggang kaninang madaling araw..

Nonono. Hindi niya ako mabibihisan, masasapak ko siya. Agad akong tumayo, muntikan pa akong mapaupo ulit dahil sa pagsakit ng ulo ko. Siguro ay dahil sa naulanan ako kaninang madaling araw.

Alas sais na kaya napagpasyahan ko ring maligo at magbihis na dahil may pasok daw ngayon. Like what the f? Linggo tapos may pasok? Kakaiba talaga ang paaralang 'to. Hanep.

Naalala ko yung report ko, hindi ko nga pala natapos yu--





Nawawala yung laptop ko!

Damn this day.





"Ba't tarantang taranta ka diyan?" Maski si Dannah ay naguguluhan na rin dahil sa kinikilos ko.

Paano ba naman kasi.. Una, hindi ko alam kung sino ang nagbihis sa akin. Pangalawa, nawawala yung laptop ko kung saan nakalagay yung irereport ko! Nasaan ba si Seth? Hayst!

"Nawawala yung laptop ko, ando'n yung irereport ko." Naiiyak ko ng sabi sa kanya. Ayaw ko namang mapagalitan ng prof ko dahil wala akong mairereport o maipepresent para mamaya.

"Hala. E paano na 'yan? Gumawa na ulit tayo ngayon, tutulungan kita." Sabi niya at agad na binuksan yung laptop niya.

Napatingin ako sa wrist watch ko, It's already 7:30Am, mayamaya ay magsisimula na rin ang klase. Pinigilan ko siya gamit yung isang kamay ko.

"Bakit? Kailangan nating magma--"

"We don't have enough time, Dannah. Bahala nalang." Halos nanlulumo kong sabi sa kanya.

Tinignan niya lang ako na parang naninigurado, tumango lang naman ako sa kanya.

Gaya nga ng inaasahan, dumating na ang prof namin at ako ang unang mag rereport, hindi ko alam kung ano ang sasabihin kong dahilan. Kapag sinabi kong nawala ay ibabalik niya lang sa akin yung tanong kung kasalanan pa ba niya. Tsk.

"Okay, Miss Peralta, present your report in front." Sabi agad ni Miss Alviar.

Napatayo ako pero hindi pa rin ako pumupunta sa harapan. Ghad, I don't know what to do and what to say. I'm trembling.

"Miss Peralta." Pag uulit ni Miss.

"M-Mis--"

"What? Present your report in front, we're waiting."May pagkamasungit niyang sabi.

Magsasalita na sana ako pero biglang may kumatok sa pinto kaya napabaling agad ang tingin doon ni Miss Alviar at ng mga kaklase ko.

"Yes, Mister Torres?" Tanong ni Miss.

Napatingin rin ako do'n, si Nathaniel iyon at nakangiting nakatingin sa akin. Ipinakita niya sa akin yung laptop na ikinagulat ko.

P-Paanong?

"May I excuse Miss Peralta for a minute, Ma'am?"

"Okay. Go ahead, Miss Peralta."

Agad akong nagpunta kay Nathaniel at kinuha yung laptop na mukhang akin nga base sa lalagyan nito.

"Paano napunta sayo 'to? Alam mo bang halos maiyak ako kakahanap dito tapos nasayo lang pa--"

"Tsk. E hindi naman ako ang nanguha diyan e, inutusan lang ako ni Seth na ibigay 'yan sayo."

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon