Chapter Ten

1.2K 171 38
                                    


Ipinagpumilit ko pa ring buksan yung pinto pero ayaw talaga. Argh. Kakambal ko ba talaga si kamalasan? Konti nalang ay makakalapit na siya sa akin. Somebody help me, please? Ayaw kong makulong dito ng kasama siya, mamaya dito niya pa ako asar asarin e. Sa sobrang kainisan ko ay sinipa sipa ko yung pinto, narinig ko nanaman ang tawa nung mokong sa likuran ko.

"Anong nakakatawa?!" Inis kong sigaw sa kanya pero tawa pa rin siya ng tawa.

"You look so stupid. Hindi mo mabubuksan 'yan sa ganyang paraan." Iiling iling niyang sabi. Edi wow, siya na ang matalino.

"Alam ko!" Bwisit kong sabi sa kanya. Inirapan ko lang siya at umalis nalang doon, pumunta nalang ako sa isa pang table at doon umupo.

Sinalpak ko yung earphone sa tenga ko para hindi ko na marinig yung tawa niya. Na ha-higblood talaga ako ngayong araw.

Kita kong lumapit siya sa akin, inalis niya yung isang earpiece. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Why so hotheaded?" Natatawa pa rin niyang tanong.

"Tanong mo sa pagong." Pabalang kong sabi sa kanya. Nag seryoso na rin yung mukha niya, tsk.

Gagawa gawa kasi siya ng kabulastugan tapos tatanungin niya sa akin kung bakit mainit ang ulo ko? Painosente si koya. Tss. Ibabalik ko na sana yung earpiece sa tenga ko pero hinablot niya agad 'yon, inirapan ko lang siya.

"Tsk. Look, I'm here to say sorry about what happened a while ago." Aniya. Literal na napatingin agad ako sa kanya dahil do'n.

Ang isang Seth Ethan Dalmore, nag so-sorry? Seryoso ba siya? May nakain ata.. Or, baka dahil sinabi ni Scherina sa kanya.

"K."

"Leslie Venice Scott." Aniya.

Woah. Binaggit niya yung totoong pangalan ko. Sabagay, alam naman niya yung totoo e, baka naidaldal pa sa kanya ni kuya. Tss.

"Seth Ethan Dalmore." Pang gagaya ko sa kanya, napailing tuloy siya. Huh. Tignan niyo 'to, mapipikon na rin ata.

"I'm really sorry, Leslie." Sabi niya.

Ramdam ko naman ang pag init ng mukha ko at ang kusang pag ngiti ko pero bigla kong naalalang naiinis pala ako sa kanya kaya agad kong binawi iyon, buti nalang ay hindi niya ata nakita.

"Tss."

"Sorry na nga."

"Wala man lang effort at sincerity!" Bulyaw ko sa kanya, he just smirked at me.

"Sorry na nga effort at sincerity." Pabalang naman niyang sabi. Ngumiti pa siya ng nakakaloko sa akin.

Punyeta. Huhu.

"Ewan ko sayo!"

Bibwisitin nanaman lang niya ako. Makalabas lang talaga ako dito.. Hayst. Kailan po ba papayapa ang buhay ko? Wala ngang Sabrina ngayon, pero panay naman ang pambubwisit ni Seth sa akin.

"Tsk. I said that I'm really sorry." Aniya.

Hindi ko nalang siya pinansin at nag cellphone nalang ulit. Magtetext sana ako kay kuya pero bigla 'tong nag shut down. Napakamalas ko talaga! Tumingin ako dito sa kasama ko at nag lahad ng kamay, tinasaan naman niya ako ng kilay.

"I just want to say sorry, Leslie. Pero wala akong balak hawakan 'yang kamay mo." Aniya.

"Gago! Akin na phone mo." Pikon ko nanamang sabi sa kanya. Nagulat naman siya do'n, dahil siguro first time niya akong marinig magmura ng ganon.

"It's in my bag, hindi ko dala." Sabi niya.

Ghad, we're doomed.

Wala akong ibang magawa kundi ang tumunganga nalang, itong kasama ko naman ay sa table mismo naka upo, magkaharap lang kaming dalawa.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon