Chapter Four

1.2K 179 42
                                    


"OMyGosh! Did he just called you 'baby'? Did you hear that, Leslie?" Kinikilig na tanong sa akin ni Dannah. Pagkatapos kasi no'n ay pinaupo na rin kami ni Miss Abigail, wala na rin naman kasi siyang magagawa sa kasamaan ng ugali no'ng Seth na 'yon.

"Narinig ko, Dannah. Hindi ako bingi." May pagkainis kong sabi na ikinatawa lang naman niya. Loka loka.

"Hindi ka man lang ba kinilig? Ghad, lahat ata ng babae dito sa campus, patay na patay sa kanya." Aniya. Nag kibit balikat lang naman ako sa kanya.

Hindi nga ba ako kinilig? He just called me 'baby' inside of our classroom, in front of our teacher and classmates! Ghad. He's really unbelievable.

Pagkatapos no'n ay panay na ang tinginan ng mga kaklase namin sa akin. Tsk. Ano nanamang nagawa ko? Hindi ako makakilos ng maayos dahil sa mga tingin nila sa akin.

"Okay. Magkakaroon kayo ng performance task bukas sa subject kong english, may ibibigay akong monologue sa inyo at kailangan niyo iyong i-perform bukas. One by one. Sino ang gustong mauna?" Tanong ni Miss Abigail sa amin.

Walang gustong mauna at mag presinta. Sino ba naman kasi ang may gusto, malay ba namin kung gaano karami yung i-pa-pa memorize niyang monologue sa amin, at kailangan pa naming i-act sa harapan ng mag isa.

"Miss, I think Leslie would like to be first tomorrow." Nakangising sabi ni Seth. Gulat akong napatingin sa kanya at kay Miss na tinaasan lang ako ng kilay.

Shit shit shit! Malamang ay uunahin niya talaga ako, takot siya kay Seth, e. Punyeta naman oh.

"Okay, so I guess Miss Leslie will be the first to perform tomorrow. It's all settled, bukas ay bubunot nalang ako kung sino ang susunod kaya dapat ay maghanda pa rin kayo. Alright? Okay, class dismiss." 'yon ang huling sinabi ni Miss Abigail bago nilisan ang classroom.

Napatingin ako kay Seth, nag smirk lang siya sa akin.

What the hell?!


"Argh! Nakakainis siya, Dannaaaaaaah!" Nang gigil kong sabi kay Dannah. Katatapos lang ng dalawa naming subject, break time na ngayon at andito kami sa cafeteria.

"Hayaan mo na. Pero Leslie, mukhang ikaw ang trip ng President ngayon." Sabi ni Dannah.

"'wag ako, Dannah. 'wag ako."

"Tsk. Kinatatakutan siya ng mga estudyante dito, lalo na yung mga mas mababa ang rank. Ang masasabi ko nalang sayo girla, hayaan mo na la-"

"Argh! Hindi ko siya mahahayaan! Akala ko pa naman ay magiging maayos ako dito dahil nakawala na ako sa stepmother ko." Sabi ko.

"Sabihin mo kaya kay Luke?" Pag sa-suggest niya kaya naman napatingin ako sa kanya.

"I don't want, Dannah. Kung pu-pwede ay ayaw kong malaman ni kuya na naka encounter ko na yung Seth na 'yon." Sabi ko naman sa kanya.

Mahirap na 'no, baka pagalitan lang ako ni kuya. Sabihin pa no'n hindi ako nag i-ingat. Hayst.

Napailing iling nalang siya at itinuloy na ang pag kain.

Pagkatapos naming kumain ay humirit pa ako ng isa pang cupcake kaya nagpahintay ako kay Dannah. Ang sarap kasi nung cupcake nila dito, e. Pramis. Naalala ko nanaman yung first encounter namin, dito 'yon sa cafeteria. Tsk. I admit that he's so handsome that time, maski rin naman no'ng nasa classroom kami kanina. Kaso yung ugali talaga.

Pabalik na sana ako sa pwesto namin ni Dannah ngunit bigla kong naka salubong si Sabrina kasama yung mga bago niyang kaibigan na parang sinapak yung pisngi sa sobrang pula.

Huminto siya kaya napahinto rin yung mga alipores niya, base sa kulay ng long sleeve coat nila ay nalaman kong may kasama siyang ibang sezione. Pero walang Peridot dito, pinakamababa sa lahat.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon