Chapter Twenty Six

993 133 29
                                    


It's saturday today pero andito lang ako sa kwarto ko, nagkukulong. Wala akong gana sa lahat ng bagay. Seth is keep on bothering me, alam ko namang breaking up is a mutual decision, pero ayaw niya talaga. Ang paraan na magagawa ko nalang ay ang iwasan siya hangga't sa makakaya ko. Katulad nalang ngayon, he's staring at me, hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Nagpatuloy nalang ako sa pakikipag usap kay Dan--

"What the hell?! So totoo ngang break na kayo?!" Pasigaw na tanong ni Dannah kaya agad kong tinakpan yung bunganga niya.

"Lower down your voice, Dannah. Andiyan lang siya sa kabilang table." Sabi ko sa kanya.

"Break na kayo? How? Why? When? Ahm, Where?"

Gusto ko sanang matawa sa tanong niya pero pinipigilan ko nalang. Because deep inside, nakakawalang gana talaga ngayon. Hindi ako sanay na ganto ang sitwasyon namin.

Nanahimik nalang ako habang nakatingin dito sa cupcake at milktea sa harapan ko na mula kanina ay hindi ko pa nagagalaw.

"So ano nga? Wala kang balak sabihin sa akin?" Nagtatampong tanong niya.

I sighed. Pasimple muna akong tumingin sa paligid bago nagsalita.

"Remember about his position?"

"Oh?"

"He can lose it kapag hindi pa rin kami naghihiwalay." Diretso kong sabi sa kanya. Straight to the point.

"What?! Are you insane, Leslie Venice Scott?! Anong alam niyang dahilan kaya ka nakikipag break?"

"He doesn't know the reason, I just left him, that's it."

"Ay wow, ganyan ka pa talaga sumagot. 'I just left him', proud k--"

"Of course not! I'm so guilty right now, kung pwede lang talaga kami, hindi ko siya hihiwalayan. I love him, Dannah, alam niyo 'yan. Pero hindi ko kayang makitang mawala sa kanya yung pwestong pinaghirapan niya."

"Hindi nga nawala yung pwesto niya. Pero nawala ka naman sa kanya. Do you think, he's going to be happy?" Aniya. Napatingin ako sa kanya, nagkibit balikat lang siya saka umiling.

Alam kong nakaka disappoint 'yon, but damn, I can't bear to see him falling from his position just because of me.

"Love is bigger than your fear, Leslie." Aniya bago uminom sa milktea niya.

I sighed saka sumandal sa upuan ko, I opened my phone, puro text and missed calls ni Seth ang bumungad sa akin.

I closed my eyes. This is so frustrating! Whether he like it or not, I'll stand with my decision.



I was walking alone here at the cafeteria, napagpasyahan kong maglakad lakad nalang muna dahil wala naman akong kasama at vacant time naman namin. Si Dannah at Nathaniel ay nasa isang meeting na naman, siguro andoon rin si Seth.

I was about to plug my earphone when someone grabbed my arm. What the fuck?

"Hey, let me go! You asshole!" Pagpupumilit ko but he's stronger than me.

But I relized one thing, damn, the scent of his perfume. Patuloy niya lang akong kinakaladkad hanggang sa open field, dala niya yung golf cart niya na pinakakakaiba sa aming mga estudyante dito sa BA.

"Ano ba?!"

"Damn it, Leslie Venice. Stop shouting, will you?"

"How dare you. Bitawan mo kaya ako para hindi ka reklamo ng reklamo diyan."

"Hell, no. I will not let go." He said at mas hinigpitan pa yung pagkakahawak niya. Napatigil ako dahil do'n, parang double meaning 'yon.

"But you need to let me go!" Sabi ko at pwersahang binawi ang kamay ko sa kanya.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon