Chapter Fifteen

1K 154 33
                                    

Hindi niya ako pinatulog kagabi kakatanong kung anong nangyari. Ang kulit kulit, nakakainis. Naiinis pa rin ako sa kanya 'no. Akala niya ba nakalimutan ko kung anong mga pinagawa niya sa akin last week. Naka ilang missed call at text siya sa akin, pumunta pa siya dito sa room ko kagabi but I pushed him away. Sinabi ko na masakit ang ulo ko at ayaw ko munang makipag usap, hindi pa siya naniwala nung una, kung hindi pa ako nagalit ay hindi pa talaga siya aalis sa kwarto ko.

"Alam na ni kuya mo yung tungkol sa nangyari kahapon." Halos mabuga ko 'tong iniinom ko dahil sa sinabi ni Nathaniel, kasama rin namin si Dannah ngayon.

"W-What?!" Gulat kong tanong.

I'm doomed. Lagot ako dahil sasabihin niyang bakit hindi ko sinabi sa kanya. Knowing kuya, baka mag over react nanaman iyon.

"Yeah."

"P-Paano niya nalaman?!"

Ghad. Kinakabahan na ako ngayon, kay Seth nga hindi ko sinasabi e. At saka, bakit ko naman pala sasabihin sa isang 'yon?!

"Head mistress, napag meetingan kanina e. Hindi rin naman ako maka angal dahil huling huli na." Sabi naman ni Dannah habang kumakain ng pasta, magkatabi sila ni Nathaniel ngayon. Yeah. Third wheel ako, as always.

"It means.. Alam na rin ni S--"

"Ahuh."

Napalunok ako. Sasabihin naman niya ay nagsisinungaling ako sa kanya. Reasonable naman yung nauntog ah? Kasinungalingan nga lang.

"And guess what, nagtutulungan pa ata yung dalawa para ipa-suspend si Sabrina." Dagdag ni Dannah.

"Dalawa?" Nagtataka kong tanong.

Ngumisi muna si Nathaniel bago sagutin yung tanong ko.

"Luke and Seth."

Natawa naman ako doon. Kung si Kuya, maniniwala lang ako. Pero si Seth? Uh, nice joke.

"Are you serious?" Natatawa ko pang tanong. Naka kunot noo lang naman 'tong dalawa. Siguro ay na wiwirduhan na sa akin.

"Of course, nag file na ng suspension si Seth as the President of the school counsil, pinirmahan na rin ni Luke as the Vice President naman. And siyempre pumirma rin kaming lahat na part ng student counsil." Aniya.

Sigurado akong mas lalo nanamang mag iinit ang dugo sa akin ni Sabrina ngayon. And maybe Liv will tell this to Dad, at ako nanaman ang magmumukhang masama, ayaw ko namang madamay pa si kuya.

Ghad, I hate them kung hindi pa ba sapat 'tong mga pasang 'to dahil sa ginawa ni Sabrina sa akin. Siyempre ay magsisinungaling at gagawa nanaman siya ng kwento para kunwari siya yung naapi.

"Sobra naman kasi pala ang pagka-bitch niyang stepsister mo." Sabi ni Dannah.

"She's always like that, simula nung una naming pagkikita. She's acting like siya yung tunay na anak, hanggang sa unti unti na talaga akong nalalayo kay Daddy.." Sabi ko.

I'm really sad kapag naiisip kong minsan ay mas pinaniniwalaan pa ni Dad si Sabrina kaysa sa akin mismo. Dahil ba sa si Liv na ang asawa niya ngayon at hindi na si mommy..

"Then try to be close with your dad again." Sabi naman ni Nathaniel.

"I don't know if I still can, iba na pinaniniwalaan niya e." Kibit balikat kong sabi.

Pinagpatuloy lang namin yung pag kain dahil mamaya ay class time nanaman, minsan nakakatamad rin mag aral 'no? Pero kailangan talaga e.

Kumakain kami ng may narinig akong pamilyar na boses. Cold and so manly.

Birthstone Academy: School of RíogaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon